Bakit pa kasi ako pumayag na sumama sa kanila Bryan ngayon, naiirita na naglagay ng damit sa bag. Hindi naman ko naman pweding bawiin dahil sigurado akong magtatampo yun."Tara na Hana!" Sigaw ni Bryan kaya lumabas na ako.
Kitang-kita ko sa mata nito ang pag ka excited, si Bella naman ay tahimik lang sa likod at naka busangot.
"Anyari dyan?" Nginusuan ko si Bella.
" Malay ko dyan kanina ko pa nga tinatanong, ayaw naman sabihin" singhal ni Bryan kay Bella.
Naglakad na kami dahil malapit medyo malapit lang naman ang talon, ngayon na nga lang ulit ako makakapunta sa talon dahil na din sa busy sa school, samantalang noon ay araw-araw kami sa talon minsan nga ginagabi pa umuwi.
Nang nakarating na kami ay nilatag ko agad ang banig na dala ko at nilagay ang mga pagkain ganon na din ang kasama ko at umupo kami doon.
"May problema ka na naman no" sabi ko kay Bella na umirap naman saakin.
"Paano kasi si Tatay utang ng utang, ngayon problema naming kung saan hahanap ng ipang babayad" singhal ni Bella. "Napaka lassingero kasi" inis at napa padyak pang sabi niya.
"Edi si Nanay mo na naman ang maghahanap niyan?" Tanong ni Bryan.
"Ano pa nga ba?! Napag-isip ko baka titigil muna ako sa pag aaral" malungkot at nakayuko ito.
"Gaga, malapit na tayung matapos ohh, titiggil ka pa? Kaunting tiis nalang" sermon ko sakanya.
Nahihibang na ba ito. Parang may tupak na naman at makapag isip ng kung ano ano.
Lasingero ang tatay ni Bella minsan pa nga napapa away, kung walang may ibiling alak ayon na ngungutang na naman sa tindahan kaya ang nanay Bella naman ang nahihirapan. Buti si Bella kahit papano ay may binibigyan siya ng tita niya pang allowance.
"Ay nako , maligo nalang tayo" masaya kung sabi sakanila at hinila si bella sa malaking bato.
Nang napagod kami sa kakalangoy umakyat kami para kumain si Bryan ayon enjoy na enjoy , ubusin nalang kaya namin itong pagkain natatawa ako dahil sa katarantaduhang iniisip.
Nang napatingin kami sa mga lalaking maingay hindi isa lalaki lang ang maingay habang ang iba ay naiirita na dahil sakanya, pero hinahayaan nalang nila ito.
" Si Zicumedez ba yun?" Turo ni Bella.
Napatingin ako sa lalaking maingay na siyang katabi niya, lima silang lalaki ang lahat sakanila ay tahimik at seryoso pwera nalang sa isa na parang babae ang daldal.
"Can you f*cking shut up asshole!" sigaw nang isa dahil punong puno na din.
"Sorry boss, tang*na ganda dito ahh!" Sigaw niya. "Opss sorry , hello mga pips" kaway nito saamin dahilan napatingin ang mga kasama niya saamin.
" Ang popogi naman ng mga kasama ni Daddy Zicu" kinikilig na sabi ni Bella.
Parang ewan itong babaeng to. Kanina lang emote emote ngayon wala na nakakita lang ng lalaki.
Napatingin ako kay Zicu na seryosong kausap ang mga kasama niya. Kaya di ko nalang pinansin at ininjoy ang pag swiswimming at pakikipag tawanan.
"Oy, tirhan niyo naman ako ng hotdog!" Sigaw ni Bryan saakin. Kaya kumuha ako ng hotdog para itapon sakanya.
"Ito saluhin mo" natatawa kung sabi bago hinagis ang hotdog sakanya.
"Hana!, tang*na naman pangit ng trip mo" sabi niya sabay subo ng hotdog na di niya nasalo nabasa na din ng tubig pero kinuha at kinain pa rin nito.
YOU ARE READING
De Fazio Series # 1: Zicumedez Costa
RomanceAthena Del Rosario is an educational college student who lives simple life and enjoys anything. But one night in an unexpected event she will meet Zicumedez Costa one of the most feared member of De Fazio.