Si Zicu ang nag akyat ng pagkain sa aming kwarto, napakagat labi akong napatingin sa inilapag niyang almusal sa aking harap.Nilantakan ko agad ang pagkain, gutom na gutom ako hindi ko ba alam, masyado lang ata akong napagod. Napansin ko rin ang pagsulyap sa akin ni Zicu.
Pinapanood lang ako nitong kumakain.
"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko rito.
"No, I'm fine." Kasabay ng pag iling niya.
Kinonutan ko siya ng noo dahil sa sinabi niya, hindi ba siya napagod. Napanguso ako. Nang tumunog ang kanyang cellphone.
Sinundan ko siya ng tingin, kinuha niya ang kanyang phone sa side table ng kama. Sinagot naman niya agad ito, sumulyap siya saglit sa akin bago tumungo sa partiko.
Inalis ko ang tingin sa kanya at itinuon ang atensyon sa pagkain. Namula ang pisngi ko nang naalala ang lahat kagabi.
Did he use protection?
Parang hindi naman e...anong gagawin ko! Paano kung mabuntis ako nito.
"I have to go."
Agad akong nabaling kay Zicu.
"Aalis kana agad?"
"Yes baby, I have work to do."
Umangat ang gilid ang labi niya. Lumapit ito sa akin at ginawaran ako ng halik sa noo at labi.
Napakurapkurap akong tumingin sa kanya hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Masyado siyang nag mamadaling umalis.
Napangiwi akong pumasok ng banyo para makapag linis ng katawan. Nakatapis ng tuwalya na naka harap sa salamin, tigtig sa sarili.
Namumuo ang luha sa mata, ganito ba ang first time. He didn't join me to breakfast, and he leave me hurriedly.
Ganito ba yun talaga dapat?
Pinalis ko ang luha, ginusto mo din naman diba?! Ano iniiyak iyak mo!. Hindi niya ba nagustuhan, may hindi ba siya nagustuhan?
Napailing iling ako sa kung ano anong naiisip. Mabilis akong nagbihis ng damit. Hawak ang pinagkainan, nakita ko agad si Vanessa na naglilinis ng kusina.
Sumulyap naman siya sa akin at sa hawak ko. At unti unti ang pagkunot ng noo nito, lumapit siya sa akin para abutin ang hawak ko.
"Ako na" saad niya.
Hindi na ako nakipag protesta at binigay iyon sa kanya. "Salamat."
"May problema ka ba?" Tanong niya habang nakatalikod ito sa akin.
Pinapanood ko siya sa ginagawa niya, napabuntong hininga nalang ako sa kanya.
"Wala naman." Masigla kong saad sakanya. Na agad siyang lumingon sa akin, pilit akong ngumiti.
Pagkatapos ng usapan namin ay nagpalit ako ng damit, para bumili ng gamot. Gusto pa sanang sumama ni Vanessa pero hindi ako pumayag dahil may takot din na malaman niya.
Nag pamasahe ako patungo ng bayan upang makabili ng gamot.
"Contraceptive pill nga po." na agad naman ibinigay sa akin ng casher.
Nilagay ko iyon sa maliit na sling bag. Bago bumalik ng bahay.
" Ang bilis mo naman nakarating?" Salubong ni Vanessa sa akin. "Saan ang binili mo?" Saad niya. Sinuri din ako.
"Basta" nakangiti kong sabi at tumakbo patungo ng kwarto.
Walang alin langan ko iyong binuksan, buti nalang ay may tubig dito sa kwarto. Baka kung sa baba pa ako iinom ay makikita na ako ni Vanessa.
YOU ARE READING
De Fazio Series # 1: Zicumedez Costa
RomanceAthena Del Rosario is an educational college student who lives simple life and enjoys anything. But one night in an unexpected event she will meet Zicumedez Costa one of the most feared member of De Fazio.