Chapter 12

3 0 0
                                    

Isang linggo na ang nakalipas simula ang mangyari. Dalawang araw na hindi ko nakita si Zicu.

Napahalukipkip na lang akong nakatingin at nakasimangot habang pinapanood si Vanessa na nagluluto, gusto ko mang tulungan siya ay hindi niya ako pinayagan. Dahil baka raw magalit si Zicu, si Zicu na dalawang araw na di nagpakita sa akin.

Dinilaan ko ang labi ko ng nalasahan ang parang metal na lasa sa labi, pahilum na din ang sugat ko sa labi ganon na din ang pasa sa pisngi at braso.

" Hindi pa rin ba umuuwi si Zicu?" Tanong ko kay Vanessa dahil hindi ko na mapiggilan ang sarili na hindi iyon tanongin.

"Hindi pa Hana" saad niya, hindi niya ako binalingan ng tingin.

Napalumbaba nalang ako sa lamesa. Ano kaya ang pinagkaka abalahan niya masyado naman ata iyong dalawang araw na di umuwi, di naman siya nag out of town.

Halos malamog na ang saging na tinutusok tusok ko, kaya tinigilan ko na iyon. Bat di manlang siya magpakita sa akin. Hindi ko alam nakaramdam ako ng sakit sa dibdib.

Iniwan ko na si Vanessa sa kusina dahil namamalat ang lalamunan ko, padabog din akong umakyat sa kwarto dahil sa inis, galit, at masakit sa damdamin ay hindi ko mapigilan ang maiyak.

Bat ba ako umiiyak? Bakit naman hindi? Ayaw niya ba akong makita? Edi sana sinabi niya sa akin. Hindi yung ganito umiiwas siya, umiiwas ba siya? Saan? Kung ayaw niya na pala bakit di nalang niya ako ibalik sa magulang ko. Aalis na ba ako dito kaya hindi siya umuuwi dapat pag uwi niya ay wala na ako?

Napahagulhol ako dahil sa iniisip. Bakit ako umiiyak di naman kasi kasal? Pinalis ko ang luha sa pisngi ko at pilit na inaabot ang paghinga ko dahil sa pagiyak.

Para akong batang nagtatantrum dahil sa hindi ko makuha ang gusto. Dahil sa inis ko ay naisipan ko na uuwi na talaga ako sa bahay at di na babalik dito. Napatingin ako sa salamin habang inaayos ang sarili, ang namumula kong ilong at namamagang mata dahil sa pag iyak.

Bumukas ang pinto ng kwarto kaya agad akong lumabas ng banyo. Nakita ko si Zicu na nakatingin sakin, unti unting kumunot ang noo niyang tumitig sa mukha ko.

"What happen?" He worriedly say.

" Bakit ngayon ka lang?" Singahal kung sabi sa kaniya.

Lumapit siya sa akin kaya mas lalo akong nainis sa kanya.

"I have a business to do." Binasa naman niya ang labi niya at unti unting umangat ang gilid ng labi niya. He was amused.

" Grabe naman two days? Di ka din umuuwi ng gabi" matalim ang tingin ko sa kanya.

Napakagat naman siya ng labi niya, lumapit niya sa akin pero pinagtutulak tulak ko siya. Dahil sa tigas ng katawan niya parang wala lang ito sa kanya.

" Stop, Tell me is that the reason why you cried?" He mutters.

Yun nga ba ang iniyakan ko? dahil lang sa hindi siya umuwi, eh ano naman!? Masama ba o masyado ko lang siyang namiss. Miss? Really!. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.

" H-Hindi ah" umiwas ako sa tingin niya , dahil ayaw kung malaman niya na tama ang sinabi niya.

Narinig ko naman ang mahina niyang tawa kaya napabaling ako sa kanya na manghang mangha na nakatingin sakin ganon na din ang nag mainit na tingin nito sa akin.

" Hmm.. Then why did you cried?" He whispered. I felt his hand gently caressed my face.

Natuptop ang labi ko at napatitig na lang sa mata niya.

" W-wala," utal kong sabi, Napabuntong hininga ako mariin din siyang tinignan.

" Hindi naman tayo tunay talaga na mag asawa Zicu. Tsaka pwede mo namang sabihin kung kailangan ko ng umalis dito" saad ko sa kaniya.

De Fazio Series # 1: Zicumedez CostaWhere stories live. Discover now