Chapter 20

0 0 0
                                    

"Ang ganda naman ng gawa mo." Puri ni Mang Bart sa gawang bracelet na shell.

"Ay hindi naman po." Nahihiya kong saad dahil sa papuri niya.

"Pa humble ka pa." Masungit at maarting sabi ni Ate Nedia.

Siya ang unang tumulong sa akin rito sa lugar. Dalawang linggo na nang nakarating ako rito. Hindi naman mahirap pakisamahan ang mga tao dito, mabubuti at magaan sa loob silang makasalamuha. Katulad ni Ate Nedia na lalaki na may pusong babae.

"Halina't kumain na tayo." Napabaling kami kay Aling Suna.

Mabilis na tumayo at natuwa ang mga matatanda na lumapit doon sa lamesa. Napatingin kami kay Alyssa na nakangiting tumatakbo papunta sa amin.

" Naubos ang mga panindang bracelet at kwintas." Pumapalakpak pa nitong saad saamin. Na ikinatuwa naman ng lahat.

Naghiyawan sila at ang iba naman ay tumatalon din sa tuwa, masaya din akong naubos iyon dahil malaking benepisyo rin iyon.

Sumulyap ako sa dagat na kulay asul, malakas din ang hampas ng alon dahil sa hangin, ganon din ang matatayog na puno ng niyog.

Kamusta na kaya si Anthone sila Mama at Papa pinipigilan lang ang sarili na wag silang kausapin dahil sa kaunting pagkakamali ay baka matutun niya ako.

"Ito Hana masarap." Napatingin ako kay Alyssa na maglagay ng ulam sa pinggan ko.

Napabaling ako roon, tumingin ako sa kanya na kumuha rin ng ulam niya. Si Alyssa din ang una kong naging kaibigan dito sa lugar, anak ni Aling Suna.

Tinikman ko ang paksiw na niluto ni Aling Suna, masarap nga ito pero sa pangatlong subo ko ay parang kung anong meron sa aking sikmura.

Napahawak ako sa aking bibig at pinipigilan ang pagsusuka pero hindi ko na kaya, napatakbo ako sa loob ng bahay ay tumungo sa kusina.

Dalawang beses na ito kaninang umaga at ngayon, napahilamos na rin ako ng mukha dahil pawis na pawis din ako dahil sa pagsusuka.

Mariin akong napapikit at inayos ang sarili, nagtatakang mga tingin ang sumalubong sa akin pagkalabas.

"Ayos ka lang." Lumapit agad sa akin si Alyssa at kuryuso.

"Oo, okay lang naman" ngiti kung saad.

"Namumutla ka, kahit kanina ay nagduwal ka." Pina ningkitan ako nito ng mata. "Buntis ka ba?" Walang prino nitong sabi.

"Ha?" Gulat kung reaction sa sinabi niya, tumawa ako sa doon. Imposible iyon dahil uminom ako ng pills pagkatapos naming gawin iyon.

"Kailan ka huling dinatnan?" Si Alyssa.

Nalala ko na hindi pa pala ako dinadatnan ngayong buwan, pero normal naman iyon diba , baka na adjust lang- hormonal imbalance?

"Wala pa naman..." Kunot kong sabi.

Napatingin ako sa kanila, kahit na ang matatanda ay kuryuso ang tingin sa akin na para bang may hinihintay ulit silang mangyari sa akin.

Nagtataka akong tumingin sa kanila, ng binitawan ni Ate Nedia ang pagkain niya at hinila ako papasok ng bahay niya. Dahil dito kami gumagawa ng mga alahas na gawa sa mga shell and pearl.

"Hay nako Hana..hindi mo ako maloloko" turo nito sa akin. "Ite-text ko si Guling na bumili ng pregnancy test mabuti at nasa bayan pa iyon." Agad na nilabas ni Ate Nedia ang kanyang cellphone.

Hinawakan ko agad ang kamay niya dahil sa pagpapanic ko, hindi naman na iyon kailangan dahil hindi ako buntis.

"Hindi talaga ako buntis." Pagpupumilit kong saad.

"Kung di ka buntis edi...goods pero okay na nakakasigurado Hana" si Alyssa. "Dapat ng di kaatakot kung hindi ka talaga buntis." Mahinahon niyang saad.

Bumaling ako sa kanya, ay hinayaan si Ate Nedia na Itext si Guling mukhang wala akong magagawa sa gusto nila.

Nakahalukipkip si Ate Nedia na nakatayo sa teresa habang kaming dalawa naman ni Alyssa ay nakaupo lang sa sofa hinihintay si Guling galing bayan.

Napaayos ng tayo si Ate Nedia ng dumating si Guling kaya mabilis kaming umayos sa pagkakaupo ni Alyssa.

Di palang nakarating sa loob ng bahay ay narinig ko nang natanong si Guling.

"Sino ang buntis?" Tanong niya, at inilapag iyon sa mesa sa harap namin.

Napatingin ako sa kinuhang PT ni Ate Nedia at inilapit iyon sa akin.

"Itong isa subukan mo."

Napabuntong hininga ako at tamad na kinuha iyon sa kamay niya, Fine! gagawin ko ito para mapanatag sila.

"Buntis ka Hana." Gulat na sabi ni Guling.

"Di pa sure..kaya nga gagamit ng PT diba." Masungit na sagot ni Alyssa sa kanya.

Pumasok ako ng banyo at binasa ang nakalagay na instructions kung paano ba ito gagana. Ilang minuto ay halos masira na ang pinto sa kaka katok nila.

Limang minuto ay lumabas ang resulta ng PT, napatakip ako ng bibig, two lines. Imposibling mangyari ito.

"Ano na! Positive?!" Sigaw ni Alyssa sa labas ng banyo.

Paano ito hindi pwede, hindi ngayon magulo pa ang lahat. Natatakot ako sa sarili ko, lalo na sa magiging kinabukasan ng anak ko.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto nanginginig rin ang kamay ko. Tumingin ako sa kanila na kuryuso ang mata na nakatingin sa akin.

"Ano?" Si Ate Nedia.

Hindi ako makasagot sa tanong niya, tumingin siya sa hawak kong PT. Ayaw kong maniwala dito.

Inagaw niya ang PT na sigaw ko na ikinasinghap niya, tumingin ito sa akin. Hindi na rin mapigilan ang emosyon ko.

"Oh my gosh!" Sigaw din ni Alyssa nang nakita ang PT.

"Hindi pwede...baka mali lang yan." Saad ko ayaw maniwala.

Tumutulo ang luha kinuha ko ang isa pang kahon ng PT pero dalawang pulang linya ang naroon.

Umupo ako sa sofa sumuko na, napahagulhol ako natatakot ako, hindi pa ako handa, hindi pwede ito. Napahilamos ako ng mukha.

Tumabi sa akin si Ate Nedia. She try to comfort me.

"Sino ang ama niyan?" Tanong ni Alyssa.

Umiling iling akong dahil ayaw kong malaman nila, ayaw kung malala pa, ayaw kung sabihin sa kanila.

"Tumahimik ka nga!" Sigaw ni Ate Nedia sa kanya na kinatahimik ni Alyssa.

"Sorry." Mahinang sabi niya na parang nagsisi na kung bakit niya pa tinanong.

"Ano ngayong plano mo?" Ate Nedia.

"Hindi ko alam Ate." Saad ko.

Kahit na andaming tumatakbo sa isipan ko. Kaya ko ba siyang palakihin. Kaya ko bang ibigay sa kanya ang kailangan niya. Anong sasabihin ng mga magulang kung malaman nila ang totoo.

"Wag mong plano na ipalaglag iyan." Si Alyssa na galit na saad sa akin.

Ipalaglag ang bata, wala sa isip ko iyon malaking kasalanan kung gagawin ko man ang bagay na iyon. Kasalanan ko sa bata at kay Zicu kung gagawin ko iyon.

Sa kaba at hirap na pagiisip ko ngayon ay natutuwa pa rin ako dahil magiging isang ina na ako pero ang tanong kaya ko ba?

If Zicu finds this, papatayin niya pa rin ba ako? Napapikit ako ng mariin.

Magaling ka nang maglaro Zicu tignan mo nakabuo ka pa. Ikaw na nga nanalo may bunos ka pang isa.

De Fazio Series # 1: Zicumedez CostaWhere stories live. Discover now