Chapter 19

1 0 0
                                    

Napabuntong hininga tulala na nakatingin sa kesame mag i-isang linggo na akong nakakulong dito, kahit na anong pagpupumilit ko sa kanya na ay hindi niya ako pinaburan.

Parati rin siyang pumapasok rito sa silid ko, minsan ay kung magdadala ng pagkain minsan naman ay kung trip o gusto lang niya akong makita.

Bumukas ang pinto kaya agad akong napabalikwas ako inaasahang siya ang may dala ng pagkain. Pero niluwa nito si Vanessa na may dalang pagkain.

Himala at hindi siya ang naghantid ng pagkain kasabay non ang pagkunot ng noo ko pinapanood siyang busy na pagsasalin ng pagkain sa mesa.

Lumapit ako sa kanya at napatingin sa lamesa.

"Kumain ka na?" Marahan kong tanong kay Vanessa.

Bored akong walang kasamang kumain at wala kausap medyo marami din ang pagkaing dala niya.

"Pasensya na Hana, wala akong mai-tutulong sayo." Saad niya.

Pilit akong ngumiti sa kanya. Para bang nabasa niya ang nasa isip ko. Ngumiti pa rin ako ng maluwak para maitago ang pakay.

"Huh? Ano ka ba bored lang ako dito. Samahan mo naman ako." Umupo ako at inaakay siyang umupo.

"Pasensya na talaga Hana. " Napayuko nitong sabi.

Nawala ang ngiti ko sa labi ng iniwan niya ako roon. Napasinghap ako dahil doon. Oo, nga pala loyal siya kay Zicu.

Napabuga ng hangin, hindi tumalab iyon sa kanya. Tahimik kong nilantakan ang pagkain sa harap, sumulyap rin ako sa cctv na nasa kesame.

Katapos kung kumain ay inayos ko iyon. Hinila ang upuan kinuha ko din ang tela na parati kong pinantatakip sa camera.

Ngumisi ako doon bago takpan ang camera. Tinalon ko ang upuan, mabilis na kinuha ang tinago kung tali- mga pinagtagpi tagpi kung tela.

Mabilis kong itinali ang iisa na tela yun ang huli kong itatali. Tumingin ako sa cctv dahil sigurado akong maririnig ko siyang magsasalita doon.

Pero ilang minuto ay walang boses akong narinig galing doon, nakakapagtataka iyon pero may saya sa akin dahil may ilang minuto pa tignan iyon ng maayos. Napakagat ako ng labi ng ibalik iyon sa ilalim ng kama bago tanggalin ang tela sa camera.

"Himala mukhang walang Zicu ah!" Saad ko ng pag pasok palang ni Vanessa dahil siya ulit ang nagdala ng pagkain ko.

Sumulyap siya sa akin pag katapos niyang ilagay ang pagkain sa mesa. Alas siete na nang gabi pero walang Zicu ang nagpakita.

"Hindi ko din alam Hana. "

Sinundan ko siya ng tingin palabas ng aking kwarto. Ngumiti ako, di maitago ang tuwa may halo ding pagtataka iyon sa akin. Dahil kahit gaano pa siya ka busy ay nakakapunta pa rin siya rito.

Baka nga ngayon ay sobrang busy niya. "Sana nga" napatango tango kong sabi sa sarili ko, napakibit balikat nalang din ako.

Kung ganon tamang tama ang plano ko na tumakas ngayon. Umupo ako at tahimik na kinain ang pagkain.

Hinintay ko mag alas nuebe ganitong oras siguro naman tulog na si Vanessa. Hinila ko ang upuan, tinakpan ang camera.

Hirap kung binuksan ang bintana, malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Itinali ko iyon sa paanan ng kama, kinuha ko ang bag na may damit hindi ko na kinuha lahat ng damit ko dahil mabigat iyon.

Itinapon ko ang bag bago ang tali, dinungaw ko iyon. Tamang tama lang ang haba ng tali kaya napangisi ako.  Humawak akong ng mabuti sa tila at umaapak ako sa mga nakabuhol na tela.

De Fazio Series # 1: Zicumedez CostaWhere stories live. Discover now