Ngayon ay nakatulala sa kwarto ko hindi ko alam kung paano ko haharapin si Zicu dahil sa mangyari kahapon. Nilagyan ng unan ang mukha at sumigaw doon.Masyado lang akong nadala ng emosyon ko sa nangyari di ko iyon sinasadya, kahapon ay tuwang tuwa pa ako sa nangyari ngayon parang wala akong mukhang ihaharap sa kanya.
Napasinghap nalang ako kung baka anong iniisip ng ni Zicu sa akin. Masyado na ata akong nangingialam sa buhay niya.
Napabaling ako dahil sa pag katok ng pinto.
"Hana nakahanda na ang almusal" saad ni Vanessa.
"Sige susunod na" mabilis kung tugon dito.
Napakagat ako sa labi bago huminga nang malalim bago lumabas mg kwarto.
Dahan dahan ako umupo at hindi na sinulyapan si Zicu ramdam ko din naman ang pagtingin niya sa mga galaw ko. Ayaw kung makipagtinginan sa mata niya e malay ko ba na galit siya saakin.
"Are you okay?" Tanong niya saakin.
Tumango tango ako na hindi siya tinitignan sa mata, at pinukos ang sarili sa kinakaing almusal.
" Look at me, when I'm talking to you." He shifted and lean on the chair.I sighed and slowly lifted up to face Zicu. He frowned and his jaw tightened.
"Are you okay?" He repeat.
"Oo" isang peking ngiti ang iginawad ko sakanaya.
"We're going to Coron." Saad niya at muling kumain ng almusal.
"Sasama ako? Hindi may pasok ako sa school. " Sabi ko.
Bat ngayon niya pa naiisipan pumunta ng Coron, may pasok ako non at may exam kami di ako pwede umabsent doon. Napaka wrong timing naman nito.
"You'll come with me, And I already sent a excuse letter to your teacher." Nakataas ang kilay n'yang sabi na parang nag hihintay pa kung anong sasabihin ko.
"Okay " kibit balikat kung sabi.
"I already told Hana to prepared with you things."
"Ilang araw tayo doon?"
" One week " he said.
Coron! Sa wakas makikita na rin kita, hindi ko maitago ang ngiti ko dahil na din sa excitement na.
Pagkatapos kumain ay bumalik ako sa kwarto ko na nakaayos na nga ang mga gamit ko.
Bat biglaan naman ata ang pag aya ni Zicu papunta ng Coron. Naligo at nag bihis na din ako. Nang nakita ko si Vanessa na pumasok at hindi pa nakabihis.
"Bat di ka pa naka palit?" Kunot noo ko siyang tinanong anong oras na din kasi mamaya ay nagagalit naman si Zicu.
"Hindi sasama Hana" nakangiti niyang sabi saakin.
"Sige, ilalabas ko lang mga gamit mo" nakangiti nitong sabi nang lumabas sa kwarto ko.
Bakit hindi siya sasama, napasimangot ako at saka lang narealize ibig sabihin kaming dalawa lang ni Zicu doon. Napasinghap ako ang awkward nga kanina e. Tapos ngayon kaming dalawa lang.
Sumunod na din ako pagkatapos kung mag ayos, nakita ko na ring nasa labas na din si Zicu. Ang puting polo niya na hapit hapit sa katawan niya at ang black slack hindi din maiwasang mapansin ang rolex na kulay gintong relo niya. At ako naka sout lang ng white crop top at pinaresan lang ng denim short.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ngumiti ako sakanya bago pumasok sa kotse. Umikot naman siya para sa driver seat.
"Ingat pa kayo Sir" paalam ni Vanessa tinanguan lang siya ni Zicu.
YOU ARE READING
De Fazio Series # 1: Zicumedez Costa
RomanceAthena Del Rosario is an educational college student who lives simple life and enjoys anything. But one night in an unexpected event she will meet Zicumedez Costa one of the most feared member of De Fazio.