Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko, tatayo ako sisilip sa bintana at uupo ulit. Napakagat na lang din ng kuko di rin mapigilan ang hita ko sa pag galaw.Uuwi naman naman ako ahh, anong akala niya tatakbo ako. Siya nga ang ilang araw na hindi nagpakita pero pag ako naman ay ganito siya.
"Nandito si Athena, pasok ka." Narinig ko ang boses ni Mama. Kaya agad naman akong napatayo.
Nang bubuksan ko na ang pinto ay nauna si Mama na nagbukas. Nasa likod niya si Zicu na nakangiti na nakatingin kay Mama, lumipat ang tingin niya sa akin ay napaka seryoso ng mukha.
Napatingin sa akin si Mama dahil nasa gitna ako ng pintuan, agad naman akong umatras para makadaan silang dalawa.
" Bumili ako ng sabon, nakita ko naman si Zicu kaya sumabay na kaming pumasok." Nakangiting kwento ni Mama.
Habang ang kasama naman niya ay seryosong nakatingin sa akin, samantalang kanina ay mala anghel ang mukha pag kaharap si Mama. Pag ako ang kaharap niya nagiging seryoso na para bang laging galit sa mundo.
"Ganon po ba." Pilit na ngiti ang ginanti ko kay Mama.
"Oh, sabon mag hugas kana ng katawan." Tumingin si Mama sa akin.
Hindi pa ako naka palit ng damit simula pa kaninang pag uwi ko. Ayaw ko din naman dahil minsanan na pag nag hugas ako ng katawan, kaysa naman sa magpapalit ka tapos ay mahuhugas ka ulit, sayang ang damit tsaka madami ding lalabahan.
Nakasimangot ko iyong kinuha sa kamay ni Mama, pumasok ako ng kwarto. Napatingin naman ako sa likod, sumusunod sa akin si Zicu kunot noo ko siyang tinignan.
"Ginawa mo?" Tanong ko dito.
"Nothing" maang maangan niyang sagot, napahalukipkip ako.
"Bat ka sumusunod?"
"Bawal ba?" Pagtatagalog niya sa malalim na boses.
Para bang nakaramdam ng init ang katawan sa hindi alam na dahilan. I can't believe that I find him hot in speaking Tagalog.
"Maghintay ka doon" turo ko sa sofa na gawang kahoy.
Lumingon ito, para tignan ang tunuro ko. Binalik ang tingin sa akin na ikinatikhim niya.
"I'm your husband, why do I have to wait there." In his deep voice.
Tinagilid ko ang aking ulo nang nakita si Mama sa likod na nakatingin sa amin na animo'y nanonood kung ano ba ang pinag uusapan naming dalawa.
Mabilis niyang inalis ang tingin sa amin ng nahuli ko ito. Napabuntong hininga nalang ako at hinayaan nalang siyang sumunod sa akin na pumasok sa kwarto ko.
Nangalkal ako ng damit ko pampalit napasulyap naman ako sa kanya na umupo sa edge ng kama ko. Pinasadahan niya din ng tingin ang buong kwarto ko.
Ang luwang ito sa akin, pero ng pumasok siya ay parang sumikip. Ang kama ko na maluwag ay lumiit lalo ng umupo ito, kulang na kulang pa sa kanya ang laki ng higaan ko.
"After you take a bath, we will go home " ang malalim at malamig na saad nito. Matalim ang mata nitong pinapanood ako sa paghahanap ng damit.
"Hindi pa ako uuwi."
Kumunot ang noo niya, lumunok ito kasabay ng pag galaw ng adams apple niya. Galit na tingin ang pinukaw niya sa akin.
"We will go home." He said firmly.
"Hindi pa ako uuwi." Pag mamatigas ko.
Ngayon na nalang ulit ako nakapag bisita kanila Mama, gusto n'ya pa ay umuwi agad. Kinuha ko ang mga damit bago pumasok ng banyo, padabog ko pa iyong sinarado.
YOU ARE READING
De Fazio Series # 1: Zicumedez Costa
RomanceAthena Del Rosario is an educational college student who lives simple life and enjoys anything. But one night in an unexpected event she will meet Zicumedez Costa one of the most feared member of De Fazio.