Chapter Eight

25 4 0
                                    

Cristine’s  POV

Lunch ngayon at pansamantala kami ngayon kumakain ng tahimik dito sa rooftop, baka sanayan na e. Dito na kasi ang tambayan namin magkakaibigan.

Habang kumakain ako ay abala ako sa pag scroll sa wall ko ng fb ko dahil ngayon na lang ulit ako naka pag online ng matagal.

Habang nag scroll ako ay napa daan sa wall ko ‘yung bagong tik tok dance ng kapatid kong si Topeh, at ‘yung sinasayaw niya ay ‘yung “heet me up”. Yung matindi pa naka hubad ‘yung pang itaas niya kaya kita ‘yung anim niyang pandesal, at naka suot ng short.

Dahil malakas ‘yung volume ng phone ko ay napa tingin sila sa akin.

“Ikaw Tin, ha! Mahilig ka pala sa morenong may anim na pandesal, ha?!” pang-asar sa akin ni Feli.

“Titig na titig ka, ha!” pang-asar naman ni Sara.

“Ngayon alam na namin mga tipo mo sa lalaki!” sabi naman sa akin ni Alyssa.

“Ang asim nga e.” sagot ko sa kanila.

“WEHH??!!” hindi naniniwalang sambit nila sa akin.

“Hahaha! Best, pang ilang beses n'ya na ‘yan?!” na tawang sambit sa akin ni Shakira.

“Pang lima niya ng post to’, asim na asim na ako.” sagot ko.

At agad nag Haha react sa post ni Topeh at nag comment ng.

{Tama na😩 Asim na asim na ako😭😭😭} comment ko.

Umabot kasi ng 300 react ‘yung tik tok dance niya na ‘yun.

“Gwapong-gwapo masyado sa sarili, tsaka feeling hot... Gustong-gusto na pinagkakaguluhan ng mga babae e.” inis kong sambit.

“Gwapo naman talaga ‘yang kapatid mo, at matcho pa... Higit sa lahat talented pa!” papuri ni best sa akin.

“KAPATID MO PALA ‘YAN?!!!” gulat ng mga girls at pinanood ulit sa phone ko ‘yung TikTok dance ni Topeh.

“Oo.” sagot ko.  “Pangatlo sa magkakapatid, pangalawa sa lalaki.” sabi ko sa kanila.

“Shet! Ang gwapo at hot pa!” sabi ni Alyssa.

“Sana all! Danceris!” sabi naman ni Dale.

“Akala namin ayan ang mga tipo mong lalaki.” sabi naman ni Kathleen.

“Ayoko sa Moreno, gusto ko sa maputi.” sabi ko sa kanila.

“Hindi porket maputi at matcho lang ‘yung soulmate mo.” sabat naman ni Denzel.

“Hay nako, best! Masyado ka ng in love d'yan sa soulmate mo, kahit sa panaginip pa lang kayo nagkikita!” singhal sa akin ni best, habang iniiling ‘yung ulo.

“Best naman... Wag mo ako bukuhin sa kanila!” nahihiyang sambit ko kay best.

“Baka mamaya ate Tin na sa harapan mo lang pala ‘yung magiging soulmate mo, hindi mo lang napapansin.” biglang singit ni Denzel.

“Impossible, kasi ang sabi ng soulmate ko last time na naka usap ko siya ay mayaman daw ‘yung pamilya niya, pero hindi ibig sabihin non prinsipe na sila katulad nitong mga prinsipe sa harapan ko.” sabi ko sa kanya.

*Tooth! Tooth! Tooth!*

Nagulat na lang ako ng magbi-brate ‘yung phone ko at nakita kong tumatawag si Topeh.

Agad ko naman itong sinagot at nakita kong naka bukas ‘yung camera niya kaya sinagot ko na rin at binuksan ‘yung camera ko.

[Sino ka?!] Bungad nito sa kabilang linya.

LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon