Chapter Twenty Four

46 2 0
                                    

Cristine’s  POV

Andito kami ngayon sa may rooftop dahil lunch na namin at kumakain na kami at habang nagsisi kainan ay bigla na lang nagsalita si Jake.

”Grabe hindi talaga ako maka move-on, sobrang ganda ni Mama ni Tin!” biglang sambit nito habang naka tingin sa akin.

“Para nga lang silang magkambal e!” sabi naman ni Jusper.

“Ang random mo talaga Jake.” napa iling na sambit ni Mark.

“Kung titignan mo kasi para silang magkapatid, at hindi kapani-paniwala na anim sila magkakapatid na lumabas sa kan'ya.” puntong sambit naman ni Hanz.

“Tama na kapupuri niyo sa Mama ni Cristine baka mamaya na iilang na ‘yan sa inyo.” saway sa kanila ni Zion.

“Okay lang.” sabay lingon ko sa kan'ya.

Isang linggo na rin pala ang nakakalipas nang pumunta dito si Papa para sa recognation day at PTA meeting.  Doon ko rin nalaman na mag Bestfriend pala sila ni Chief Guard Hunzel since collage.

“Sayang talaga at hindi kami naka punta.” naka busangot na sambit Sara.

“Edi sana nakita namin ‘yung magandang Mama ni Tin.” sabi naman ni Dale.

“Ang gwapo rin ng Papa niya kahit ng mataba.” sabi ni Kyle sa kanila.

“Talented pa ‘yung Papa niya.” sabi naman ni Hanz.

“Sayang talaga at hindi kami naka punta.” dismayado na sambit ni Rachel.

“Sayang talaga kasi hindi niyo nakita kung gaano ka galing sumayaw ‘yung Papa ni Tin.” sabi ni Christel sa kanila.

“Nag tiktok pa nga kami e!” pagyayabang pa ni Denzel sa kanila.

“Sayang talaga wala kayo, hindi niyo nakita kung paano pinag shipt si Zion at Tin ng Papa niya!” biglang ungkat ni Jusper.

“Ang LT non hahaha!” pang-asar naman ni Jake habang tumatawa.

Dahil sa pang-asar nila ay parehas kaming nahiya ni Zion.

“Joker lang talaga ‘yun si Papa, kaya wag niyo seryosohin mga kumag kayo.” sagot ko sa dalawa.

“Maski mo Papa ay nakaka amoy ng chemistry sa inyong dalawa.”

“Ayyieee! Na meet na ni Zion ‘yung magiging future father in law niya!” pang-asar naman ni Feli.

“Tumigil na nga kayo!” saway ni Zion sa kanila.

Maya-maya nagulat kami nang bigla na lang dumating si Chief Guard Hunzel, nang makalapit ito ay agad ito yumuko sa mga prinsesa at prinsipe para magbigay galang at napa tayo naman si Zion sa kina-uupuan niya.

“Ano pong kailangan niyo at napa punta po kayo dito sa school?... May pinapasabi ba si Mom at Dad sa akin?!” bungad na tanong ni Zion kay Chief Guard Hunzel.

“Don't worry Prince Zion, hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kun'di si Cristine.” sabi ni Chief Guard Hunzel.

“Ako po?” bahagya na gulat kong sambit kaya lahat sila napa tingin sa akin.

“Bakit niyo po siya hinahanap?” takang tanong ni Prince Zion kay Chief Guard sabay upo sa kina uupuan niya.

“About ito sa Papa niya na bestfriend ko.” sagot ni Chief Guard Hunzel kay Zion.

“Bakit? Ano po kailangan niyo sa akin, Chief Guard Hunzel?” kusot noong tanong ko sa kan'ya.

Agad muna ito naglakad papalapit sa pwesto namin at pumunta sa pinaka unahan ng table kung na saan kami naka pwesto ni Zion dahil magkaharap lang naman kami sa table.

LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon