Chapter Twenty Seven

50 3 1
                                    

Zion’s  POV

Dahil wala kaming klase ngayon ay tumambay kami dito magkakaibigan dito sa may VIP room namin.

Hindi namin kasama ‘yung mga girls kasi mamayang 10:30 pa ang lunch namin at doon kami lagi naka tambay sa rooftop.

Habang sila may sari-sariling mundo ay ako naman ay abala sa paggawa ng part ko sa thesis namin dahil need na mamaya ipasa 'to.

Habang may sari-sarili kaming ginagawa ay narinig namin na may kumatok sa pintuan.

*Tok! Tok! Tok! Tok!*

Nagka tinginan kaming lahat kung sino ‘yung kumakatok.

“Come here!” sigaw ni Alvin.

Kaya agad na bumukas ‘yung pinto at agad na iniluwa non si Cristine at nahihiyang pumasok.

“Oh, Tin. Anong kailangan mo?” bungad na tanong Alvin sa kan'ya.

“Tapos na klase niyo?” tanong ko naman sa kan'ya.

“Oo!” nahihiyang kamot batok nito.

“Sino hanap mo?” tanong naman ni Zack.

“Siguro, galing ka sa rooftop at hinanap mo kami?” hula ni Kyle.

“Actually si Prince Zion talaga ang hanap ko.” sagot nito sa kanila.

Nagulat na lang ako nang sabihin niya ‘yun, kaya agad nila akong tinignan nang nakakaloko.

“Bakit, anong kailangan mo?” tanong ko sa kan'ya.

“May importante kasi akong sasabihin sayo pero sana ‘yung tayong dalawa lang.” huling nito sa akin.   “Pero mukhang may ginagawa ka yata, kaya mamayang lunch na lang.” nahihiyang sambit nito sa akin.

“Don't worry, handang iwan ni Zion ‘yung ginagawa niya para lang sayo.” pilyong sambit ni Mark kay Cristine.

“Mark!” saway ko rito dahil nahihiya ako sa sinabi niya.

“Pwede ba, Prince Zion?” tanong sa akin ni Cristine.

“Sure. Always naman basta ikaw.” sagot ko.

Kaya agad na akong tumayo sa couch at lumapit sa kan'ya at naglakad na kami palabas ng VIP room, tahimik lang kami naglalakad at iniisip ko kung  saan ba kami mag-uusap.

Maya-maya ay huminto kami sa likod ng school na tambakan ng mga sirang upuan at lamesa na gamit ng school.

“Ba't tayo nandito sa likod ng school?” takang tanong ko sa kan'ya.

“Anong gusto mong sabihin na importante?” sunod kong tanong.

“Tungkol sa kalasingan ko noong pumunta tayo sa resort ng lola ni Alyssa.” pag-uungkat nito sa akin.

“Ayun ba?... Okay lang naman sa akin ‘yun.” sagot ko.

“Pero nakakahiya kasi sayo... Para kasing na bastos kita sa ginawa ko noong gabing ‘yun.” pagpapasensya nito sa akin.

“Alam ko naman na lasing ka kaya mo na sabi at na gawa ‘yun, kaya ayos lang.” sagot ko.

“Pero kahit lasing ako noong gabing ‘yun ay totoo lahat ng sinabi ko, gusto na rin kasi kita.” pag-amin nito sa akin.

Agad akong napa ngiti dahil sa sinabi niya.

“Matagal ko na hinihintay na marinig din ‘yan sayo kaya sobrang saya ko at narinig ko ‘yan sayo!” naka ngiting sambit ko sa kan'ya.

“Sinabi ko lang ito sayo kasi ayoko na itago pa, baka sumabog ako... Tsaka ayoko na habang buhay ko itong itago sayo dahil parehas lang naman tayo nang nararamdaman sa isa't isa.” seryoso na sambit nito sa akin.

LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon