Zion’s POV
PANSAMANTALA ako ngayon nandito sa dressing room ko at inaayusan ng mga make-up artist.
Ngayon kasi ang birthday ko September 28, at masaya ako dahil na tupad nga ang pangarap ko na mahanap na ang soulmate ko bago ako mag birthday.
Ngayong gabi ay dito sa palasyo idinaos ang 23rd birthday ko dahil simula noong nag 10 to 22 yrs old kasi ako ay doon sa mansyon lagi sine-celebrate ‘yung birthday ko.
Hindi na ako nag tanong kung bakit dito na nag celebrate, ang mahalaga ay kasama ko na Cristine ngayong birthday ko.
Inimbitahan din pala si Mom at Dad lahat ng nasa mataas na katungkulan katulad ng Governor, Senator, at Mayor pati na general at comander and chief, pati na mga business partner ng company ng royal family.
Pero naki-usap ako kila Mom at Dad na wag na mag tawag ng mga press pero mga photographer pwede.
BACK TO REALITY
Katatapos ko lang ayusan ng mga make-up artist at fashion designer ko kaya ako na lang mag isa dito sa dressing room.
Pina alis ko na sila kasi na iirita ako sa malalagkit nilang tinginan, puro kasi babae mga nag-aayos sa akin.
*Tok! Tok! Tok! *
“Come in.” matipid kong sagot sa kumakatok sa may pintuan.
Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng dressing room at nakita kong pumasok sila Jake, Jusper, Kyle, at Hanz.
“Nice naman! Ang gwapo ng birthday boy, ha!” pambungad na sambit ni Jusper sa akin.
Naka suot ako ngayon ng coat na dirty white ang kulay, at sa loob nito ay naka suot ng balahibo ng wolf na coat din, at sa pinaka loob ay navy blue na polo, at naka pantalon na gray.
“Palagi naman siyang gwapo e, may bago ba doon?” sabi sa kan'ya ni Hanz.
“Syempre paghahandaan niya ‘yan dahil sobrang ganda ng soulmate niya ngayon!” pilyong sambit naman ni Kyle habang naka ngisi.
“Wait! Andyan na siya?!” bahagya na tuwa kong sambit.
“Ayiiee! Biglang nag liwanag ang madilim mong awra, ha!” pang-asar naman ni Jusper.
“This is the best birthday ever dahil na tupad na ‘yung wish ko na makasama ang soulmate ko sa araw ng birthday ko, kaya hindi niyo ako masisisi kung sobrang saya ko ngayon!” naka ngiti na sambit ko sa kanila.
“Wish granted ang wish mo.” sabi sa akin ni Hanz.
“Kaya hayaan niyo na maging masaya ako sa araw ng birthday ko na kasama siya.” hiling ko sa dalawang kumag.
“Sige na nga.” pag payag ni Jake.
“Ano ba ‘yan! Nasa courting stage pa lang kayo pero kinikilig na ako sa inyo!” kinikilig na sambit ni Kyle sa akin.
“Ako rin naman!” panang-ayon ko.
Agad na tumingin ng hindi naniniwalang tingin sila Jusper at Jake.
“Kinikilig kana n’yan?!!” oa na sambit nilang dalawa sa akin.
“Simple lang kasi siya kiligin.” sabi sa kanila ni Hanz.
Maya-maya ay narinig na namin mula sa labas na nagsalita ‘yung emcee.
“Ladies and gentlemen! May i ask for your attention!” rinig naming sigaw ng emcee.
“Let's go na guys, mag start na!” oa na sambit ni Jake.
“Pinanindigan mo na talaga ang pagiging oa.” sabi sa kan'ya ni Kyle.
BINABASA MO ANG
LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going)
FantasyPrince Zion is a prince in the town of Bulgaria, he doesn't fall in love with a girl right away, but one time there comes a girl named Cristine, the girl comes from a poor family who is new to the town of Bulgaria. The alleged woman Cristine comes f...