Chapter Twenty Three

47 2 0
                                    

Author Notes: May bago tayong point of view at ‘yun ang Papa ni Cristine na sobrang laki ng gagampanang role sa kwento. Abangan niyo dahil hindi lang siya ang magpo-point of view kun'di marami pa na may mahahalagang role sa kwento. Dito na papasok ang eksena na Fantasy Royal na mga eksena dahil sa pagdating ng Papa ni Cristine na si Francis.

Continuation

Francis’s  POV

Habang patuloy kaming naglalakad-lakad ay panay ang tingin ko sa mga building at mga na bago sa school.

Ang tagal na rin nang huli akong naka punta dito 20 years din ‘yun noh kaya hindi na ako magtataka kung maraming nagbago dito.

Natatawa nga ako dahil ay nandidito pa rin ‘yung mga nasa matataas na posisyon na nakaka kilala sa akin at lahat sila nagugulat kapag namumukhaan ako.

Para silang naka kita ng patay na muling na buhay.

Opening pa lang nga ang ginagawa ko pero na gigimbal na sila, e pano pa kaya kapag tuluyan na akong naka balik, ‘di ba.

Pansin ko rin na ang daming mga kabataan na nagpapractice ng sayaw at may mga booths dito.

“Nak.” tawag ko kay Tin.

“Po?” magalang na tanong nito sa akin.

“May event ba ngayon dito sa school niyo?... Kasi pansin ko na maraming mga booth dito.” tanong ko sa kan'ya.

“May magaganap pa lang, nagha-handa lang sila para sa lunes.” sagot nito.

“Tsaka ang daming nagpa-practice ng mga sayaw.” dagdag ko pa.

“Mga talented mga nag-aaral dito kasi may mga girl group at boy group dito sa school namin at lagi silang nagpe-perform kapag may mga event-event dito sa school katulad ngayon.” kwento nito sa akin.

“So, hindi pa rin pala na aalis ‘yung girl group at boy group sa school na toh?” napa tanong kong sambit.   “Nakaka miss tuloy bumalik sa collage, panahong busy din kami ng banda ko na mag practice para sa event.” naka ngiti kong sambit.

“Nakapag tapos ka po ba ng collage?” tanong ni Tin sa akin.

“Hindi. Dapat nga makakapag tapos na ako ng collage, pero nalaman ko na buntis Mama mo sayo kaya itinigil ko, pati na siya pinatigil ko.” kwento ko sa kan'ya.

“Ilang taon po ba nang na buntis niyo si Tita?” tanong ni Shakira sa akin.

“21yrs old siya non tapos ako 24yrs old.. Siya second year tapos ako 4th year.” sagot ko.

“Bakit hindi niyo ipinagpatuloy, e malapit na rin naman po ‘yun?” takang tanong sa akin ni Tin.

“Kasi nga nasa sinapupunan kana ng Mama mo at sobrang laking responsibilidad talaga ng pagiging ama. Simula ng malaman ko na buntis siya ay tinigil ko lahat ng bisyo ko, kumbaga tumiklop mga buntot at sungay ko nang dumating ka sa buhay namin.” kwento ko sa kan'ya.

“Ohhhwww!!” sambit nila Shakira, Denzel, at Christel.

“Nakaka proud naman po kayo.” sabi naman  ni Hanz.

LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon