Chapter Twenty Six

33 2 0
                                    

Zion’s  POV

Nag-oovernight kami ngayon magkakaibigan sa mansyon nila Hanz dahil nagka ayaan kami.

Dahil nga overnight ito ay na pagpasyahan naming manood ng horror movie nila.

Habang nanonood sila ay ako naman ay na iisip ko ‘yung pag confess sa akin ni Cristine noong pumunta kami sa resort ng lola ni Alyssa.

Kahit isang linggo na ang nakakalipas ay sariwa pa rin sa utak ko ‘yung pag confess niya sa akin, mas lalo na nang bigla niya akong halikan sa labi.

Dahil sa ginawa niya ay halos isang linggo akong puyat at nag-ooverthink at iniisip kung trip niya lang ba ako.

Kasi nagkatotoo ‘yung hula ko na kinabukasan ay malilimutan niya rin lahat ng confession niya sa akin lalo na ‘yung paghalik niya ako sa labi.

Nakiusap sa dalawang kumag na wag ipaalala sa kay Cristine ‘yung pag confess niya noong gabing lasing siya at hinalikan ako.

“Cuz, baka kailangan kana namin dalhin ospital!” biglang sambit sa akin ni Jake.

Kaya bahagya akong na tauhan, kanina pa pala ako tulala habang naka hawak sa labi ko.

“Grabe, hindi maka move-on sa kiss ni Cristine pffftt!” pang-asar ni Kyle sa akin.

“Malamang na hindi maka move-on ‘yan e first kiss niya si Tin, tsaka virgin pa siya kaya ganyan nararamdaman niya!” pagyayabang naman ni Jusper.

“Palibhasa mga bihasa na kayo sex kaya ganyan kayo!” pambabara sa kanila ni Zack.

“Nag ooverthink na kasi ako kung pinagti-tripan o nagbibigay lang sa akin ng mix signal si Tin!” seryoso kong sambit.

“Feel ko ay seryoso si Tin nang gabing umamin siya sayo.” biglang sambit s akin ni Hanz.

“Sigurado ka ba d'yan, e halos nga na iilang na siya sa akin at pinipilit lang ako pakisamahan e!” na lungkot kong sambit.

“So, mali ka ng tingin... Iba kasi ‘yun sa nakikita ko sa kan'ya.” sagot nito.

“What do you mean?” kusot noong sambit ko.

“Kasi noong kinabukasan nang gabing umamin siya sayo at bumalik na siya sa ulirat niya ay nakita ko siyang nag-iisang naka tambay sa may bench sa tabi ng pool at malalim ang iniisip at napapa iling siya at napapa hawak ng labi.” kwento nito sa amin.

“Ehh?!!” oa na sambit nila Jake at Jusper.

“Talaga ba?!” gulat kong sambit.

“Oo, buti nga hindi niya na pansin na pinapanood ko siya e.” na tawang sambit nito.   “Na pansin ko rin habang nasa work siya ay parang sinesermonan niya ‘yung sarili niya kapag mapag isa siya, kasi pansin ko na hindi siya makapag concentrate sa work niya e.” kwento niya pa.

“Bakit iba ‘yung na fefeel ko?” sambit ko.

“Pansin ko rin sa mata niya kapag tinitignan ka niya nang hindi mo napapansin ay nahihiya siya... Siguro dahil sa pag confess niya at paghalik niya sayo.” sambit nito sa akin.

Matapos nila manood ng horror movie ay agad na kinonect ni Jake ‘yung phone niya sa TV.

Habang kinakalikot niya ‘yung phone niya ay na punta ito sa tiktok at saktong pagbukas niya ng tiktok ay naka live si Cristine at may hawak-hawak itong gitara.

“Gising parin siya?” takang sambit ko.

Agad akong napa tingin Iphone watch ko at nakita kong nasa 11:30pm na ng hating gabi.

LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon