Chapter Twenty One

44 3 0
                                    

Cristine’s  POV

Paakyat ako ngayon ng rooftop at sariling sikap ako sa pag akyat dahil gusto kong mapagod.

Habang umaakyat ako ng hagdanan ay bigla kong na isip ‘yung pag-amin sa akin ni Prince Zion noong time na nag rant ako sa kanila tungkol sa mga nangja-judge sa akin dahil nga poor lang ako.

Isa't kalahating buwan na rin ang nakakalipas nang umamin siya, aminadong na iilang ako kapag nakikita ko siya pero dahil kaibigan ko siya ay pinapansin ko parin naman siya.

Tsaka hindi ko inuungkat sa kanila ‘yung about sa confession pero dahil mapang-asar sila Jake, Jusper , Sara, Feli ay inuungkat nila.

Kasi ba naman simula nang mag confess si Prince Zion ay lagi na akong nag ooverthink pag gabi at napupuyat kakaisip.

Pagka dating ko sa school rooftop ay na datnan ko silang nagsisi kainan, tahimik lang ako na tumabi kay best.

“Best. Kasama ka sa deans leaster?” bungad na tanong sa akin ni Kira.

“Oo, best.” sagot ko.

“Nice naman!” papuri ni Denzel sa akin.

“Syempre ikaw ‘yan e.” sabi naman ni Telet sa akin.

“Diba papapuntahin ‘yung guardian, sino dadalhin mo sayo?” tanong sa akin ni Shakira.

“Sabi sa akin ni Mama kapag busy siya ay si Papa na lang, kaya si Papa na lang.” sagot ko.

“Sana all may pupunta na parents!” na lungkot na sambit nito sa akin.

“Don't worry best, sinabihan ko si Papa na siya na lang din ‘yung pumunta sayo.” sabi ko sa kan'ya.

“Halah best... Nakakahiya!” nahihiyang sambit sa akin ni Shakira.

“Lahat ng kaibigan ko tinuturing niya ng anak, tsaka sabi niya bilang pagbawi niya sa pagpapatira mo sa akin sa bahay niyo.” sabi ko sa kan'ya.

“Buti pa ‘yung parents niyo supportive sayo ate Tin kasi kami tuluyan ng pinabayaan e, kaya pina alaga na lang kami kila Lolo at Lola!” malungkot na may halong inis na sambit ni Denzel.

“Iba-iba talaga tayo ng estado ng buhay... Tsaka hindi niyo naman  kasalanan kung na buo kayo e, kasalanan nila kasi ginawa nila kayo ng  hindi pinanagutan ang responsibilidad nila!” seryoso kong sambit.

“Grabe Tin, bigla ka nagiging seryoso, ha!” kamot batok ni Dale.

“Na iinis kasi ako sa mga toxic relationship katulad non, gagawa ng bata tapos hindi kayang saluhin ‘yung resposibilidad bilang magulang... Edi ‘yung bata tuloy magsa-supper, sila mapapariwara!” inis na seryoso kong sambit.

“Nagiging lalaki ka tuloy.” sabi naman ni Feli.

“Kung lalaki ako, I do my best to be a good husband to my wife and good father to my future childs.” sagot ko.  “Tsaka, Lagi ko kasi naririnig kay Papa na dapat kapag papasok ka sa isang relasyon lalo na paglalaki ka ay dapat seryoso ka sa babae, hindi ‘yung kapag nag sawa kana iiwan mo na!” kwento ko sa kanila.

“Sana best, naging Papa na lang namin ‘yung Papa mo.” sabi sa akin ni Kira.

“Minsan nag kwento si Papa about sa kabataan niya tapos na kwento niya sa amin na dati raw siyang sira ulo at basag ulo pero nang makilala niya si Mama ay nagbago daw lahat, tapos na wala daw ‘yung pagiging siraulo niya nang ipinanganak ako... Na alala ko noong kinuwento niya pa sa akin na iyak raw siya nang marinig niya ‘yung unang iyak ko noong lumabas ako.” kwento ko sa kanila.

“Feel ko ate Tin na mana mo ‘yung ugali mo kay Papa mo.” sabi sa akin ni Telet.

“Actually  sa kan'ya ko na mana lahat ng talent ko, diba na kwento ko na dati siyang may banda noong collage siya at dati rin silang dancer.” kwento ko sa kanila.

LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon