Chapter Thirty Two

30 2 0
                                    

Cristine’s  POV

Andito ako ngayon sa locker room ko sa resto bar dahil naghahanda na ako para umuwi.

Ako na lang mag-isang uuwi dahil na una ng umuwi sila Shakira at Denzel dahil biglang nagkaroon ng emergency sa bahay nila dahil inatake ‘yung lola nila kaya pina uwi agad sila ni Sir Hanz.

Matapos kong mag-ayos ng mga gamit ay agad na akong lumabas ng locker room, sakto namang naka salubong ko sa paglabas ko si Sir Hanz.

“Your allowance!” naka ngiting sambit nito sa akin at ibinigay ‘yung puting maliit na envelope na may lamang allowance ko.

“Thank you po!” pasalamat ko sa kan'ya at agad kong nilagay sa loob ng bag ko ‘yung pera.

“Pansin ko na wala pa rin si Zion, ha? Masusundo ka ba niya?” tanong nito sa akin.

“Busy po siya sa palasyo ngayon at maraming pinapagawa sa kan'ya ‘yung Hari at Reyna kaya nag paalam siya sa akin kanina pa.” kwento ko.

Simula kasi nang ligawan ako ni Zion ay hatid sundo niya na ako sa pagpasok at pag-uwi papunta dito sa resto bar. Pero may mga araw talaga na hindi niya ako mahatid o masundo katulad ngayon dahil busy siya sa pagiging prinsipe niya.

Syempre na iintindihan ko naman ‘yung sitwasyon niya dahil prinsipe siya.

“Kaya pala binilinan niya ako sa text kanina na ako na lang magsundo sayo.” kamot batok niya.

“Ganun po ba?.” sambit ko.

“Gustuhin ko man pero marami rin kasi akong kailangang asikasuhing papers.” kamot batok nito sa akin.

“Wag na po. Nakakahiya!” nahihiyang pagtanggi ko.  “Ayoko pong maka abala sa gagawin niyo, uuwi na lang po ako mag-isa.” sabi ko sa kan'ya.

“Sige. Ingat ka, ha!” naka ngiti na bilin nito sa akin.

“Opo.” sagot ko.

Kaya agad na akong naglakad palabas ng pintuan pero bago pa ako lumabas ng pintuan ay narinig akong tinawag ako ni Sir Hanz.

“Cristine!” rinig kong sigaw nito sa akin kaya agad akong lumingon sa gawi niya.

“Po?” takang sambit ko.

“Mag commute ka na lang. Wag mo na tangkain mag alay lakad dahil wala kang kasama dahil baka mamaya ay kung anong mangyari sayo sa daan.” concern na sambit nito sa akin.

“Sige po.” sagot ko.

Kaya agad na akong tumalikod at lumabas ng resto bar.

FORWARD

Halos mangawit na ‘yung paa ko sa kahihintay ng jeep o kaya trycicle dahil magco-commute na nga ako tulad ng bilin sa akin ni Sir Hanz.

Dahil trenta minuto na akong naghihintay na may dumaan na masasakyan pero walang dumadaan kahit isa.

Kaya na isipan kong mag-umpisa nang maglakad dahil baka dito na ako makatulog kakahintay ng masasakyan.

“Hayyss! Kung nilakad ko na lang kanina ay dapat ngayon ay malapit na akong maka uwi!” inis kong sambit habang mabilis na naglalakad.

Habang mabilis akong naglalakad ay bigla na lang na tanggal ‘yung dalawang sintas ng rubber ko.

Kaya agad ko inayos na buhulin ‘yung mga ito, at habang nagbubuhol ako ng sintas ay bigla na lang akong nakaramdam ng hindi magandang presensya na sa likuran ko.

*Grrgggg!*

Bigla na lang akong naka ramdam ng pagka kilabot sa buong katawan ko nang marinig ang nakaka takot na huni mula sa likuran ko.

LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon