Chapter Twenty Two

33 4 0
                                    

Zion’s  POV

Sabado ngayon at awarding ng deans leaster at PTA meeting, at dahil alam kong hindi makakapunta sila Mom at Dad ay ang pinakuha ko ng card ko si Chief Guard Hunzel.

Simula high school at senior high school ay siya na ang pinapa kuha ko dahil busy na sila sa palasyo at company ng royal family.

Dahil na iintindihan ko ang sitwasyon ng pamilya na meron ako ay mas inintindi ko na lang ‘yung sitwasyon kesa magtampo.

Kasi kung ako ang tatanungin ay mas gugustuhin ko na lang magkaroon ng simpleng buhay na kasama sila Mom at Dad para may panahon sila sa akin para sa mga ganitong event sa buhay ko. Dahil ito ang sitwasyon ko ay titiisin ko.

BACK TO REALITY

Nandito kami ngayon sa may tabi ng malaking puno dahil may bench dito, dito kasi namin na isipan na tumambay para hintayin sila Cristine, Shakira, Denzel, at Christel(Telet).

Wala kasi ‘yung mga princess dahil tinatamad silang pumunta kahit may award naman din sila. Sa lunes kasi ay ibibigay ‘yung medal at certificate sa mga parents ng students na hindi naka punta.

Alam ko kasi na hindi makaka punta ‘yung mga parents nila dahil una sa lahat ay may mga matataas na katungkulan sa palasyo ‘yung parents nila at tumutulong rin sa pagpapalago ng business ng royal family.

“Ang tagal naman nila!” reklamo ni Jake.

“Wag kang mag reklamo d'yan dahil katatapos lang ng first batch, alam ko na mag start pa lang ‘yung meeting bago mag awarding.” sabi ni Hanz kay Jake.

“Nakakainip kasi, mag club na tayo!” inip din na sambit ni Jusper.

“Kung mainipin kayo edi dapat hindi na kayo pumunta, 'di ba!” prangka na sambit ko sa kanila.

“Ang lakas niyo pa magreklamo na ang tagal nila, e pwede naman kayo umuwi!” saway naman ni Mark sa kanila.

“Tutal wala naman kayong mga award, kaya ba't pa kayo nandito?!” pamemersonal naman ni Justine sa kanila.

*Ohhwww!!!* kintyaw namin.

“Grabe naman to mamersonal!” oa na sambit ni Jake.

“Ayaw niyo pala ma real talk pero ang mainipin niyo!” saway sa kanila ni Mark.

“Malamang sinusuportahan namin kayo.” kamot batok naman ni Jusper.

“Bakit sila Cristine at Shakira, hindi niyo susuportahan, kami lang?!” prangka na sambit ni Zack sa kanila.

“Ang init ng mga ulo niyo sa amin noh!” kamot batok ni Jusper.

“Pinapainit niyo kasi.” malamig kong sambit sa kanila.

“Yung ang init pero biglang lumamig dahil sa cold voice mo.” oa na sambit ni Jake at nag panggap na nilalamig.

“Oa niyo!” singhal ko sa kanila.

Maya-maya ay may lumapit sa amin na Tatay at naka suot ng polo na pula at black pantalon, actually hindi naman siya mukhang Tatay kasi gwapo siya pero may katabaan at moreno ang kulay ng balat nito at hanggang balikat ko lang ang tangkad nito.

“Mga bata... Pwede magtanong?” pambungad nito sa amin.

“Ano po ‘yun?” magalang na sagot ni Hanz dito.

“Saan ba dito ‘yung building ng HM course?” tanong nito sa amin.

“Pupunta po ba kayo ng PTA meeting?” tanong naman ni Jake.

“Oo. Awarding din kasi ng anak ko e, deans leaster siya.” sagot nito sa amin.

“Kapag may na kita po kayong building na kulay pink at white ang building ayun na po ‘yun.” sagot ko.

LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon