Chapter Thirteen

55 5 0
                                    

Cristine’s POV

NANDITO kaming lahat magkakaibigan sa may gymnasium dahil may talent event ngayon dito.

Dahil i-susupport namin sila Denzel at Christel dahil sasayaw sila. Lahat naman  siguro ng event na may kinalaman sa sayaw ay sasalihan nila e, mga bibo.

Ang shalla rin kasi ng pwesto namin kasi naka VIP seat kami. Nakaka tuwa kasi feeling ko ay maharlika ako dahil naka sali ako sa VIP seats.

Pero hindi naman ako mapapasali dito kung hindi dahil sa mga prince e.

Nakikita ko ang mga tilian at hiyawan ng mga manonood dahil sa mga na unang nagperform.

Pansin ko rin na kanina pa naka tingin sa akin si Christel. Telet for short.

“Ba't kanina ka pa naka tingin?” tanong ko sa kanya.

“Kasi ang ganda at sexy mo.” naka nguso na sambit nito sa akin.

“Lah siya.” kamot batok ko sa kanya.

“Your so attractive now, ate Tin. Ang sexy mo sa suot mo.” papuri naman sa akin ni Denzel.

“Wala na, na tibo na ‘yung dalawa sa ganda mo best.” sabi naman sa akin ni Shakira.

Naka suot kasi ako ng black fitted shirt na kita ‘yung tube kong white sa loob, at naka pantalon na maong, at white rubber shoes.

Dahil event ngayon ay pwede kang naka sibilyan tutal naman ay sabado, at hindi muna kami pinapasok ni Hanz dahil may ganitong event sa school.

“Syempre, pinaghandaan ko itong suot ko para i-cheer ko kayo.” sabi ko sa kanila sabay wink.

“Ahhhwww!!” sambit ng dalawa.

“Lagi na lang ni best pinaghahandaan ‘yung mga susuotin niya kapag lalaban kayong dalawa.” sabi ni Shakira sa kanila.

“Ganito naman kasi ako sa mga kapatid ko best, lalo na sa mga boys, kapag may liga sila nagsu-suot talaga ako ng jersey nila at may pa banner pa at malakasang sigaw para i-cheer sila.” paliwanag ko sa kanila.

“E paano pa kaya kapag may boyfriend kana.” sabi sa akin ni Shakira.

“Syempre, grabe ‘yung cheer up ko.” sabi ko sa kanila.

“Pano?!” pang-asar sa akin ni Denzel.

“GO! BABY LOVE! MANALO KA MAN O MATALO IKAW PA RIN ANG MVP SA PUSO KO!!” cheer-up kong sambit sa kanya.

“Akala ko, kapag nanalo ka hanggang round 3 tayo mamayang gabi! Hahaha!” loko-lokong sambit naman ni Jake.

Kaya agad ko itong nilingon sa likod at siningkitan ng mata.

“Grabe ka, pang SPG na agad ‘yung price mo, ha!” na tawang sambit ko sa kanya.

“Sensya kana Tin dito sa kaibigan namin. Malibog kasi.” pagpapasensya sa akin ni Hanz at sinakal si Jake sa leeg.

“Ehem-ehem-ehem! Ayoko pa mamatay!” sunod-sunod na ubo naman ni Jake.

“Pasensya kana dito Tin, kasi gusto niya lagi siyang nadidiligan ng girlfriend niya sa tuwing mananalo sa laro.” pang-asar naman ni Kyle kay Jake, at agad itong binatukan.

“Hindi ko masikmura ‘yung ginagawa niyong dalawa!” nadidiri kong sambit.   “Pang mag-asawa lang naman kasing gawain ‘yun.” sabi ko sa kanila.

“Hindi mo pa kasi maiintindihan Tin kasi you are beautiful and innocent angel.” sabi sa akin ni Jake.

“Wag mo na lang silang intindihin, Tin.” sabi ni Zion sa akin na nasa likuran ko.

LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon