Zion’s POV
Ito na ang araw ng hinihintay ko at ng lahat ng mga mamayan dito sa bayan ng Bulgaria, ang coronation day ko.
Hindi maitago ang kaba ko dahil magbibigay ako ng talumpati sa harap ng taong bayan at sa harap ng mga presscon dahil panibagong legacy na naman ito sa kaharian ng Bulgaria.
Naka tayo ako sa stage sa harap ng maraming tao dahil dito idinaos sa conference room ang coronation day ko.
Maraming tao dito sa loob pero bilang lang ang kailangan manood pero nandito ‘yung mga kaibigan ko para suportahan ako, naki-usap ako kila Mommy at Daddy na isama sa VIP seats 'yung mga kaibigan ko.
Maya-maya ay tinawag na ng emcee si Mommy at Daddy dahil sila ang King at Queen ng Bulgaria at sila ang magco-coronation sa akin.
Agad na umakyat ng stage sila Mommy at Daddy sa stage at pinagitnaan nila akong dalawa.
“Good day everyone!” pambungad na pagbati ni Dad sa lahat.
“I'm so glad to all attendees to our coronation day of my youngest son!” masayang sambit naman ni Mom sa kanila.
“Ngayong araw toh... Sisimulan ko na ang koronasyon sa aking anak.” sabi ni Daddy sa lahat.
Maya-maya ay umakyat papunta dito sa stage si Chief Guard Hunzel at hawak-hawak niya ‘yung unan kung saan naka patong ‘yung korona ko. Agad siyang tumabi kay Dad sa kanan nito at humarap sa akin si Dad ganun din si Chief Guard Hunzel.
Agad akong humarap kay Dad at iniluhod ang kaliwang tuhod ko at ‘yung isa itinayo ko naman ‘yung kanan.
“Ako si Haring Raiver Kein Tobrio... Bilang Hari ng Bulgaria ay itinatalaga ko ang aking bunsong anak na si Prinsipe Zion Grey Tobrio bilang crown prince ng kaharian ng Bulgaria.” sabi ni Dad sa akin.
Agad na lumapit sa akin si Mom at agad akong sinabitan ng medal at ribbon sa leeg.
“Ako si Zianna Claire Tobrio, Reyna ng Bulgaria.” pambungad ni Mom sa akin. “Ikaw ba ay nangangako ay gagampanan ang pagiging prinsipe ng ating bayan?” tanong nito sa akin.
“Opo.” tugon ko.
Maya-maya ay biglang kinuha ni Dad sa ibabaw ng unan ‘yung korona ko at marahan na ipinatong sa ulo ko.
“Ngayon ikaw ay ganap ng crown prince ng Bulgaria!” anunsyo nito sa lahat.
Agad akong napa ngiti nang maisuot na sa akin ang korono ay marahan akong tumayo sabay humarap sa mga tao at marahan na tumuwad para magbigay galang.
Agad naman ako binigyan ng masigabong palakpakan ng mga manood at napa sulyap ako sa mga kaibigan na suportado sa akin, bahagya naman akong napa tingin kay Cristine na sobrang saya habang pumapalakpak sa akin.
Para naman sobrang sigla ng puso ko nang makita ko siya.
“Maaari ka na magbigay ng talumpati sa iyong bayang nasasakupan bilang ganap na prinsipe ng Bulgaria!” sabi nito sa akin ni Dad dahilan para mapabalik ako sa reyalidad.
Kaya agad na akong naglakad papunta sa fullfit na may mga mic at recorder, at na upo naman sila Mom at Dad sa trono nila sa may stage at naka tayo sa kanan ni Dad si Chief Guard Hunzel.
Huminga ako nang malalim dahil sa pressure na nararamdaman ko dahil kahit saan ako tumingin ay makikita ko ang bawat flash ng camera.
“I'm so glad because I'm officially prince of Bulgaria and I'm so happy to all people to attend my grand coronation!” pambungad ko sa lahat, agad naman nila ako binigyan ng masigabong palakapakan.
BINABASA MO ANG
LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going)
FantasyPrince Zion is a prince in the town of Bulgaria, he doesn't fall in love with a girl right away, but one time there comes a girl named Cristine, the girl comes from a poor family who is new to the town of Bulgaria. The alleged woman Cristine comes f...