Zion’s POV
Pansamantala kami ngayon naka sakay sa bus dahil bumabyahe kami papunta sa resort sa probinsya nila Alyssa.
Birthday kasi ng Lola niya at iniimbitahan kaming lahat. Kung hindi niyo alam ay business partner ng Royal Family ang company nila.
Kaya nagpa rent ang Lola niya ng bus para sa aming magkakaibigan, kaya nga may sari-sarili silang pwesto dito sa bus. Tsaka tulog na rin ‘yung mga girl pero sila Jake, Jusper, Kyle, Mark, at Hanz ay gising pa at naka pwesto sila sa kanang side ng bus.
Andito ako naka pwesto ngayon sa bandang kaliwa at naka pwesto ako sa tabi ng bintana dahil feel na feel kong tignan ‘yung magagandang view dahil gabi na.
Maya-maya ay nagulat na lang ako nang bigla na lang pumunta sa pwesto ko si Cristine. Halata dito na alipungatan ito dahil nagku-kusot ito ng mata.
“Prince Zion.” tawag nito sa akin habang nagkukusot ng mata.
“Yes?” sagot ko. “Ba't gising ka pa?” takang tanong ko sa kan'ya.
“Nagising ako kasi na iirita ako sa lakas ng hilik ni Denz at Telet tapos mahina pa ‘yung aircon sa puwesto namin.” paliwanag nito sa akin.
“Pwede maki tabi sayo?” hiling nito sa akin.
Tutal wala naman akong katabi sa upuan ko at tutal tatluhan ‘yung upuan ay pumayag na ako.
“Sure.” pagpayag ko. “Malakas din ‘yung aircon dito.” sabi ko sa kan'ya.
“Thanks.” pasasalamat nito sa akin.
Agad na itong umupo sa pangatlong upuan kaya bakante ‘yung gitna namin, agad na niya ipinagpatuloy ang pagtulog niyang na udlot.
Agad ko na rin ipinagptuloy ang panonood ko sa bintana.
Makalipas ng ilang minuto ay napa sulyap ako kay Cristine na mahimbing na natutulog at kita kong panay ang himas nito sa magkabilang balikat niya na ibig sabihin ay nilalamig siya.
Kaya agad kong hinubad ‘yung suot kong jacket at ikinumot sa katawan niya.
“Yiieee!”
Agad kong sinamaan ng tingin si Jake na katapat lang ng upuan ko sa may bandang kanan, at gising pa rin ito katabi si Jusper at Kyle samantalang si Hanz ay nasa likuran nila na tumitingin din sa bintana at hindi parin dinadalaw ng antok.
“Wag nga kayo maingay d'yan baka magising si Tin.” mahinang saway ko sa kanila.
“Masyado ka namang carring kay Tin!” naka ngising sambit ni Kyle sa akin.
“Aba'y malamang in love siya d'yan kahit wala siyang pag-asa pffttt!” pang-asar naman ni Jusper.
Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na ‘yung pagtingin sa bintana.
Maya-maya habang patuloy nanonood sa bintana ay naramdaman ko na may mabigat na bagay na naka patong sa balikat kaya agad akong napa lingon sa tabi ko.
Nagulat na lang ako nang makita si Cristine na mahimbing na natutulog habang naka patong ‘yung ulo sa balikat ko. Napa lunok na lang ako ng laway nang makita ko sa malapitan ang na paka amo at inosente nitong mukha, kaya umiwas ako ng tingin.
Nagulat naman ako nang bigla na lang may mag flash na camera sa mukha namin.
Kaya agad akong napa tingin sa pwesto nila Jake at nakita kong siya pala may kagagawan non dahil pinikturan niya kaming dalawa ni Cristine.
Kita kong kilig na kilig ang mga kupal sa nakikita nilang naka higa si Cristine sa balikat ko.
“Ayyiiee! Paano ulit awatin ang sarili?” pang-asar ni Jake sa akin.
BINABASA MO ANG
LOOKING FOR MY SOULMATE (On-going)
FantasyPrince Zion is a prince in the town of Bulgaria, he doesn't fall in love with a girl right away, but one time there comes a girl named Cristine, the girl comes from a poor family who is new to the town of Bulgaria. The alleged woman Cristine comes f...