20

1.8K 44 17
                                    

CHAPTER 20

         ANO RAW? Emotionally and physically? Nababaliw na ata ang Nikos na 'yon. Physically matatanggap ko pa, pero emotionally? Kailan ko siya sinaktan emotionally? Lasing ata 'yon, e.

Busy naman si Nikos, pero pinipili niyang dito maging busy sa bahay namin. Yes, wala na kasi siyang girlfriend na pinupuntahan kaya dito naman sa bahay ang punta niya lagi.

"Bibili ako ng softdrinks. Anong gusto niyo?" Tanong ko kay Phamela at Nikos na nasa living room at may kanya kanyang ginagawa.

"Sprite," sagot ni Nikos habang titig na titig sa laptop niya.

"K,"

Malaking bote na ang binilli ko para saming lahat. Tulog na tulog si Skyros sa gilid ni Phamela. Ganito naman lagi ang batang 'to, laging tulog kapag nand'yan sa tabi niya ang mama niya. Laging sobrang komportable kaya nakakatulog agad.

"‘Yan ang pictures mo? Ganda, Pham," sambit ko kay Phamela.

Tumabi kasi ako sakanya para makita ang pinagkakaabalahan niya. Tinitignan niya pala ang mga pictures niya sa isang sobrang liit na raket. Nag-model siya ro'n ng mga appliances.

"Okay ba? Mukha akong may muta rito," tinuro niya ang isang picture niya.

Humalakhak ako sa sinabi. "Hindi naman! Okay naman, ah? Baka nga kapag nakita 'yan ng ex mo, ma-sold out lahat ng appliances na binibenta mo," ngisi ko sakanya.

Gigil niya 'kong sinabunutan. "Moved on na 'ko!"

"Aray naman!"

Ang sakit, ha! Kung moved on na siya, bakit kailangang manabunot? Affected much pa rin? Napangisi ako lalo bago lumipat ng pwesto para si Nikos naman ang guluhin.

Busy kasi ito. As in super busy!

"Para saan ba 'yan?" Hindi ko na napigilang magtanong sakanya.

"For modeling agency. Gagawa ako ng agency,"

Wow! Wait... modeling agency? Kunwari pa! Gusto lang humakot ng modelo at gawing girlfriend, e! Hindi niya na kailangang gawin 'yon. Ang gwapo niya kaya! Kaya niyang kunin ang model na gusto niya! Magaling pang mang-uto.

"Ipapasok mo ba ako?" Ngiti ko sakanya.

Tinaasan ako nito ng kilay. "Of course. This is mainly for you,"

Napatanga ako sakanya. "Ha?"

Napamulagat siya. "I mean! For you and Phamela," then inirapan niya ako.

"Ah..." akala ko kung ano na, e! Kainis talaga ang lalaking 'to.

Napahilot ako sa ulo ko. Wala kasi akong magawa. Lahat ng school works ko na kahit next week pa ang deadline ay ginawa ko na ngayong linggo dahil wala akong magawa. Ayan tuloy at tulala ako ngayon.

"Graduation ko na next month. Susunduin ko kayo, hmm?" Nikos said nang binaba niya ang kanyang laptop. Mukhang tapos na sa kaka-search ng mga kung ano ano.

Phamela cleared her throat. "Nikos... alam ko namang ayaw ko nang pumuntang Manila," sagot agad ni Phamela.

Nikos snorted. "Ang lawak ng Manila, Pham. Do you really think na makikita mo siya ro'n? Isang araw lang naman. We'll just eat and go home,"

Tipid na ngumiti si Phamela bago umiling. "Sorry, Nikos. Hindi lang naman si Spiro ang iniiwasan kong makita, e. Silang lahat. Kapag nakita ako ng kahit sino sakanila, lagot ako,"

Natahimik naman si Nikos. Alam ko namang maiintindihan niya si Phamela. Kahit kailan talaga, walang nakapag-pauwi kay Phamela sa Manila. Halos mabulok siya rito kasama ko.

Falling EmbersWhere stories live. Discover now