38

3.3K 94 15
                                    

CHAPTER 38

       It was so awkward. I could feel Nikos' stare while we were eating together. Ciarra ordered these foods dahil hindi raw siya marunong magluto. Instead of eating in a restaurant, Ciarra insisted na dito na lang kami sa bahay kumain para raw makapagpahinga na kami pagkatapos.

"Ate Peach, do you think you'll be okay na in a week? Because you need to go under screening, you know? For formalities," Ciarra opened the topic.

Tumango naman ako agad. "Oo naman. Mabilis naman akong nakaka-recover sa mga bagay-bagay," tipid akong ngumiti.

Nikos cleared his throat. Hindi ko siya tinapunan ng tingin kahit nabaling sa kanya ang tingin nina Phamela at Ciarra. Papansin lang?

Ciarra nodded. "Okay! I'll let Ate Keinna know about this. Uhm, Ate Pham, when will you be able to take your entrance exam?" maingat na tanong nito kay Phamela.

Parang nagising naman si Phamela mula sa pagkakatulala. Nag-angat siya ng tingin kay Ciarra. My heart ached when I saw how she panicked a little when we caught her spacing out again.

"Uhm... pwede sa... sa makalawa. Kaya ko na," she said, then forced herself to smile.

"Really? That's great! I mean, I thought you need more time to rest. Well, I'll accompany you, okay?" malambing na sambit ni Ciarra.

My sister just nodded bago bumalik sa pagkain. I watched her eat kahit halatang wala siyang gana. I licked my lips. I wonder kung ano pang pwede kong gawin para sa kapatid ko?

"Ikaw, Kuya Nikos? Do you want to work in Quenery Jewelers ba? I can hire you there," Ciarra offered.

Mariin akong napalunok. Ayaw kong ipahalata na kinakabahan ako sa isasagot ni Nikos dahil baka mas isipin lang nito na ayaw ko siyang makasama at 'yon lang lalo ang gawin niya!

"I'm still managing my agency in the Philippines, Ciarra. But... pag-iisipan ko ang offer mo. Thank you."

What?! Bakit hindi niya pa deretsong sagutin na ayaw niya at huwag na lang? Gano'n na lang dapat dahil ayaw ko siyang makatrabaho ulit! Ang trabaho na lang ang magiging daan para hindi ko siya makita dahil dito rin siya titira, e!

We finished our dinner, na gano'n pa rin ang iniisip ko. I could feel Nikos' stare. Kanina pa niya sinusubukang hulihin ang mga mata ko, pero hindi ko talaga siya nililingon.

"Pham, tulungan na kitang ayusin gamit mo?" offer ko kay Phamela habang inaakyat namin ang mga maleta namin sa mga magiging kwarto namin.

"Pwede rin—"

"I can help, too! Wala naman akong masyadong ginagawa," Ciarra giggled like a kid.

Phamela pouted. "Masyado kang free para sa'min, Lisse. Wala ka bang boyfriend or something?" Phamela asked with curiosity in her eyes.

Agad napanis ang ngiti sa mukha ni Ciarra dahil sa tanong na 'yon ni Phamela. I watched Ciarra's face to know the answer. At sa hitsura niyang 'yan, mukhang... may problema siya.

"My dad hates it when men are trying their luck, you know? He thinks I'm still a teenager when in fact I'm twenty-one." She smiled bitterly. "Maybe he got traumatized because of what happened to Ate." She shrugged.

Gets ko naman kung bakit gano'n na lang siya ingatan ni Mr. Jackson Calin. Si Ciarra ang bunso sa pamilya nila at alam ko rin ang nangyari kay Keinna. I can't blame him as a father, pero sana... luwagan na niya ang paghihigpit sa anak niya dahil hindi na ito bata.

Ciarra cleared her throat. "Anyway, it doesn't matter. I don't want to enter a relationship pa naman. For now, mas magpapayaman muna ako. So... let me help you fix your clothes."

Falling EmbersWhere stories live. Discover now