37

2.8K 78 5
                                    

CHAPTER 37

           "Nasisiraan ka na ba ng bait?!" I pushed Nikos' chest ngunit hindi man lang gumalaw sa kinatatayuan nito ang lalaki.

He smirked. "You think so?"

Oh, come on! Wala sa goal ko ang mag-alaga ng baliw! Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? Bakit biglang sasama sa France? Ang ganda-ganda ng buhay niya rito!

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo. Umalis ka na."

Tumaas ang kilay nito sa'kin. "Do you think nakikipagbiruan ako sa'yo? I bought a ticket. I won't go this far para lang lokohin ka," sabay wagayway niya sa ticket at passport niyang magkasama.

Napatanga ako ro'n. What the hell? So, seryoso talaga siya?!

"Nag-aadik ka ba? Bakit ka sasama sa'min? Ang ganda-ganda ng buhay mo rito! Umuwi ka na lang!" sigaw ko.

"And what? Let you be alone there? In a foreign country?" he fired back.

"And? Ano namang masama ro'n? And for your information, Nikos, kasama ko ang kapatid ko ro'n. Hindi ako magliliwaliw lang o ano!"

Inirapan ako nito. "My decision remains. I'll still go with you—"

"Ayoko!" I gritted my teeth. "Hindi ka ba nag-iisip, ha? Ayaw nga kitang makita tapos sasama ka pa sa ibang bansa? Mag-isip ka nga!"

"I don't care. You're not going there without me. Kung hahayaan kita, anong mangyayari? You'll lay your eyes on someone else?" he stepped forward.

I thank the heavens dahil masyadong abala ang mga tao ngayon sa kanya-kanya nilang ginagawa kaya walang nakakapansin sa'ming dalawa.

"Ano ngayon? Nikos, huwag kang selfish! At huwag mo 'kong pinapaasa. Ano, sasama ka sa'min para lang masiguro mong hindi ko magagawang magkagusto sa iba? Para saan? Wala ka rin namang mapapala dahil hindi mo rin naman ako gusto. Stop being selfish!"

I don't get this jerk. Hindi ba't wala naman siyang nararamdaman sa'kin? Kaya para saan itong ginagawa niya? Wala rin naman siyang mapapala!

"You still don't get it, do you?" nakangiwi nitong tanong. Ako naman ang sumimangot. "Alright... I want you, Peach."

Kahit anong pigil ko sa sarili kong huwag magulat sa sinabi niya, hindi ko nagawa! Namilog ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, pero mas inuna kong pansinin na na-offend ako sa sinabi niya!

"I'm not having sex with you again, Nikos," mariing sagot ko sa kanya.

What? Ano pa bang ibig sabihin niya sa sinabi niyang 'yon? He wants me? He wants me under him again? Ano, sasama siya sa France para lang gawin ulit namin 'yon? Gano'n ba siya nasarapan sa'kin?

"What the fuck? That's not what I meant, Peach—"

"Nikos?"

Sabay kaming napalingon kay Phamela na ngayon ay hila-hila na ang mga maleta namin. Kumunot ang noo ko. Bakit hila-hila niya ang mga ito?

"Pham," Nikos licked his lips.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito kay Nikos. Phamela turned to me. "Peach? Okay na kayo?"

Umirap ako sa kawalan at umiling. "Hindi, 'no! Paalisin mo nga 'yan, Pham!" sumbong ko.

Alam ko namang hindi 'yon magagawa ni Phamela sa kaibigan niya kahit pa sabihing kapatid niya ako. Kung ano mang friendship meron sila, hindi 'yon basta-basta lang.

"Nikos, saan ka pupunta? Bakit may maleta ka rin?" Phamela tilted her head.

Nikos cleared his throat. "I'm coming with you to France, Pham."

Falling EmbersWhere stories live. Discover now