04

1.7K 29 4
                                    

CHAPTER 04


                  I SPENT MY whole vacation with Phamela sa bahay ng kanyang Lola. Kailangan naming pumunta rito dahil pinuntahan siya ni Spiro noong nakaraan sa bahay. Mabuti na lang at naunang pumunta si Phamela sa bahay ng Lola niya. Sumunod kami agad ni Tita nang sinabi ni Spiro na babalik na lang daw ito bukas. Malamang sa malamang ay wala na itong naabutan sa bahay namin.


"Peach, tignan mo ang baby..." tawag sakin ni Phamela nang makauwi siya.


Nag-taas ako ng kilay sa katabi niyang si Nikos. Oo, kasama niya ang lalaking ito. Lagi naman itong kasama lalo na kapag may check up si Phamela sa baby.


Sinilip ko ang ultrasound picture ng baby ni Phamela. Hindi ko mapigilang mapangisi nang makita ko ang baby niya.


"Ilang weeks na?" tanong ko kay Phamela.


"Nine weeks..."


Napangisi ako lalo habang tinitignan ang picture ng baby. Ngayon ko lang ito nakita.


"Mukhang butete," sambit ko.


Humalakhak si Phamela sa sinabi ko at bahagya pang hinila ang buhok ko. "Gaga,"


Ngumuso lang ako. Totoo naman, e. Mukhang butete dahil bago pa lang.


"Don't mind her, Pham. That's not true. Hindi naman mukhang butete ang baby. Baka siya," inismiran ako ni Nikos.


Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Ano bang problema mo sakin? Lagi mo na lang sinisira ang araw ko sa t'wing nagkikita tayo!" bulyaw ko sakanya.


He smirked. "Papaano, lagi ring sira ang araw ko sa t'wing nakikita kita. Dapat fair lang—"


"Kupal ka talaga—"


"Nikos, ano ba? Huwag mo ngang iniinis na si Peach. Kaya laging bwiset sayo ang kapatid ko, e. Ayaw mong tigilan. Kumain na nga lang tayo sa loob," Phamela said, flipping her hair sa mukha ni Nikos. Nauna na itong pumasok.


I arched my brow at Nikos. Nagtaas din ito ng kilay at tahimik na naglakad pasunod kay Phamela.


Pasimple kong hinarang ang paa ko para patirin siya, pero nang malapit na siya rito ay tumigil siya sa paglalakad! Nasa harap ko na ito ngayon. He looked down and chuckled when he saw my foot blocking his way. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay.


"Ano?" nanghahamon kong tanong.


"Nice try, Peach," he smirked bago sinipa ang paa ko paalis sa daraanan niya!


Tang ina talaga nito! Nakita niya pa 'yon?!


Nagkulong tuloy ako sa kwarto! Pinili kong magkulong sa kwarto kesa mainis sa mukha ng gagong 'yon!


Falling EmbersWhere stories live. Discover now