11

1.5K 31 5
                                    

CHAPTER 11

      I watched my sister carefully put her baby in his crib. Pangalawang iyak na ng baby ngayong gabi at hindi ko na halos mabilang kung ilang beses gumising si Phamela para sa anak niya.
 
Gising naman ako at handang tumulong sa pag-aalaga sa baby niya, pero nagigising talaga siya at gustong siya ang humarap sa anak niya kahit duling duling na siya sa antok.
 
"Matulog ka na, Phamela. Ako na muna ang bahala sa baby," sambit ko kay Phamela na nakatitig sa anak niya ngayon.
 
Ilang linggo matapos manganak ni Phamela, medyo nanghihina pa rin siya. Swerte lang niya dahil summer break ngayon. Nasabi niya samin na hindi siya hihinto sa pag-aaral. Gusto niya pa ring mag-aral at ayaw mahuli.
 
"Baka magising siya, e," she smiled at her son.
 
"Ako na ang bahala, Pham. Magpahinga ka na,"
 
Nakangiti siyang yumakap sakin bago nahiga sa kama niya. Well, nandito kasi ako sa kwarto niya para nga makibantay din sa baby. Bakasyon na rin naman namin, kaya okay lang sakin ang mag puyat. Isa pa, hindi naman ako ang nanganak.
 
I watched the baby sleep. Kahit saang anggulo tignan, sobrang cute talaga nito.
 
I sighed when I remembered what happened a few weeks ago. Noong nanganak si Phamela, sobrang taas ng bill! Nikos insisted on helping us, pero ayaw ni Phamela. Ang ending, inilabas niya lahat ng pera sa bank niya at tinira na lang ang maintaining balance.
 
Ang mga nagpapaaral kasi kay Phamela noon ay hindi tumigil sa kakapadala sakanya ng pera kahit na wala na siyang contact sa mga ito. Ayaw niya sanang pakialaman ang pera na nando'n, pero wala lang siyang choice at nahihiya na rin kay Nikos.
 
Nikos insisted on buying her medicine, though. Hindi na niya napigilan do'n si Nikos dahil alam niyang hindi naman sobrang dami ang pera niya.
 
Mas naging madalas si Nikos dito sa bahay. Meron pa ngang tatlong araw na hindi umuuwi ang lalaki dahil tuwang tuwa kay Skyros.
 
Katulad ngayon. Buhat buhat niya si Skyros at isinasayaw. Tinatanaw ko sila mula sa malayo at hindi ko maiwasang hindi mamangha sa nakikita ko ngayon.
 
Nikos looks good with a baby.
 
Hindi ako magsasawang lihim siyang pasalamatan dahil nandito siya para sa pamangkin ko. Dahil do'n, may father figure ito.
 
"Witch, can you hand me the milk?" Sambit nito.
 
Nagulat pa 'ko dahil alam niya pa lang nandito ako! Hindi naman ako nagpahalatang nagulat ako. Inabot ko na lang ang bote sakanya.
 
"Thanks," 
 
Time flies so fast. Gano'n ang nakikita ko araw araw dahil never namang pumalya si Nikos sa pagpunta rito sa bahay. Hanggang sa mag-start na ulit ang school year.
 
Tang inang college life 'to.
 
Sobrang nanibago ako nang mag-college! Well, advantage ko na rin dahil nasa iisang school lang kami ni Phamela, pero kahit na! Para akong mamamatay unang sem pa lang! Paano nakakayanan ni Phamela'ng pagsabayin ang pagiging nanay at pagiging college student at the same time?
 
"So..."
 
Si Nikos 'yon. Pakalat kalat siya rito sa bahay at mukhang tapos na siya sa father duties niya kaya ako ang iniistorbo ngayon. Well, gumagawa kasi ako ng research about this certain topic kaya abala.
 
"What's that?" Umupo pa ito sa tabi ko.
 
"Research. Ba't ba nandito ka? Tulog na ba si Skyros?" I asked without looking at him.
 
"Yup, he's sleeping na,"
 
I can feel or see him from my peripheral vision na nakikibasa sa ginagawa kong research. Bigla tuloy akong na-pressure! Pakiramdam ko bigla, ang bobo ko!
 
"E, si Pham?"
 
"Sleeping next to her baby,"
 
I nodded. Gabi na rin naman na kasi. Tulog na rin si Tita dahil siya ang nagbantay kay Skyros kaninang umaga.
 
Nilingon ko siya. "Hindi ka ba uuwi?"
 
He looked at me, too. "Do you want me to go home?"
 
Huh? Anong tanong 'yon? Bakit kailangang ako pa ang tanungin ng gano'n? Nasa akin ba ang desisyon niya?
 
"Bakit ako ang magde-decide niyan para sayo?" Irap ko sakanya.
 
"Well, sa kwarto mo kasi ako matutulog," casual niyang sagot kaya namilog ang mga mata ko!
 
"Kwarto ko?!"
 
He nodded. "Yup. I can't sleep sa kwarto ni Phamela, e."
 
I gritted my teeth. Gabing gabi na, pero napipikon ako! "At ako, saan ako matutulog?!"
 
He smirked at me. "Hindi ko na problema 'yon. I can't sleep here sa living room niyo. I want your bed,"
 
Hell. Wala siyang ibang pinaparating sakin, pero... nag-init ang pisngi ko at inirapan siya.
 
"Ayoko ring matulog sa living room, ano!"
 
Edi doon ako matutulog sa kwarto ni Phamela? Pero...
 
"Ano ba? Hindi rin ako pwede sa kwarto ni Phamela dahil tabi sila ni Skyros do'n! Saan ako matutulog niyan kung gusto mong gamitin ang kwarto ko?!" Gigil kong tanong.
 
Nanulis ang nguso niya at tila nag-iisip. "Hmm... may comforter kayo, hindi ba?"
 
Naningkit ang mga mata ko. "Oh, ano ngayon?" Highblood ko agad na tanong sakanya.
 
"Pwede akong matulog sa comforter tapos ikaw na lang sa bed mo. You know, I don't want to sleep next to you,"
 
Kapal ng mukha! Feeling ko umuusok ang ilong ko sa sobrang inis ko sakanya at sa sinabi niya!
 
"Excuse me?! Ayaw rin kitang katabi! Ang baho mo!"
 
Nag-taas siya ng kilay sakin at parang na-offend. "Ako, mabaho? Kahit dito ka pa tumira," mayabang niyang sabi sakin.
 
"Ewan ko sayo! Kung gusto mong sa comforter matulog, edi doon ka! Huwag mong itututok sayo ang electric fan!"
 
Padabog akong tumayo dala dala ang laptop ko para pumasok sa kwarto ko. Kailangan kong unahan ang lalaking 'yon sa kama ko dahil baka biglang mag-iba ang isip at gustuhing sa kama ko matulog at biglang ako pa sa comforter!
 
Sumalpak agad ako sa kama. Wala naman akong weird na nararamdaman na magkasama kami ni Nikos dito sa kwarto ko dahil kahit na lagi kaming magka-away no'n, malaki ang tiwala ko sakanya.
 
Nakasunod naman si Nikos. May dala siyang damit ata? I don't know, and wala akong pakialam!
 
Hindi ko siya pinansin dahil busy pa 'ko sa part ko na kanina ko pa ginagawa, pero nadi-distract dahil sa pag uusap namin.
 
Nilatag na ni Nikos ang comforter sa lapag. Napangisi ako. Mamaya ay magkukunwari akong maaapakan ko siya, pero ang totoo, aapakan ko talaga siya!
 
"Shower lang ako," narinig kong sambit niya bago dinampot ang damit niyang nilapag niya sa kama ko.
 
"Pake ko?" Inirapan ko siya.
 
"Tss... bruha," inirapan niya rin ako.
 
Nanggigigil ako sakanya! Well, paano kaya ako naging bruha sa paningin ng gagong 'yon? E, ang ganda ko!
 
Natapos na lahat lahat si Nikos sa pagligo, pero hindi ko pa rin tapos ang ginagawa kong research.
 
"Time to sleep, witch,"
 
I glared at him. "Mukha bang may karapatan akong matulog? Hindi ko pa tapos ito!"
 
"Ano ba 'yan? Patingin nga," inagaw niya sakin ang laptop.
 
Naka sando siyang black and comfortable shorts. Mabuti naman at hindi siya naka boxers! Baka uminit lang ang ulo ko!
 
Magkatabi kaming nakaupo sa kama ko. Inaantok tuloy ako dahil wala akong ginagawa dahil inagaw niya!
 
He started reading some articles. Kada may nababasa siyang dapat ilagay sa research ko, 'yon ang ginagawa niya. Ayan tuloy at bumibilis ang ginagawa ko.
 
"Antok ka na?" Tanong niya nang bumaling ng tingin sakin.
 
Tumango ako. "Hapdi na ng mata ko," naluluha na rin ako dahil sa antok.
 
"Matulog ka na. Ako nang bahala rito," he said without looking at me.
 
"Hmm... may bayad?"
 
Mahina siyang tumawa at bumaling sakin ng tingin. "Hindi ko kailangan ng bayad. I'm not like you,"
 
Sinimangutan ko siya. "Fine! Hindi ko tatanggihan ang alok mo dahil antok na talaga ako."
 
Nahiga ako. I tried my best to watch him do my research, pero bumabagsak talaga ang mga mata ko sa antok.
 
I was half asleep nang matanaw ko siyang sinave ang research sa file at pinatay ang laptop ko. I was half asleep nang maramdaman kong nilagyan niya ng kumot ang kalahati ng katawan ko bago nahiga sa lapag.
 
What was that? Baka guni guni ko lang?
 
Nagising ako the next day dahil may pasok. Ayaw ko pa sanang gumising, pero wala naman akong choice.
 
Wala na si Nikos sa lapag nang magising ako. Nakatabi na rin ang comforter na ginamit niya. May pasok siya ngayon, e. Pero ang alam ko ay mamaya pa ang klase niya.
 
Lumabas ako ng kwarto. Napangisi ako nang makita ko si tita na buhat buhat si Skyros.
 
"Good morning po," bati ko at nilapitan sila.
 
"Good morning din. Sky, gising na si tita Peach, oh?"
 
Napangiti ako lalo. Maingat kong kinarga si Skyros at sinayaw sayaw ito. Umaga pa lang, pero inaantok pa siya.
 
"Si Phamela po?" Tanong ko.
 
"Maagang pumasok, e. Sumabay na kay Nikos kanina. Ah, oo nga pala. May pagkain na r'yan bili ni Nikos. Pinapasabi rin na nasa bag mo na ang printed research na kailangan mo,"
 
Napatanga ako kay tita dahil sa sinabi niya.
 
Na-print na ang ginagawa kong research kagabi? Paano niya nalaman na kailangan kong i-print 'yon?
 
Hindi ko na lang inisip 'yon. Nag-ayos na lang ako para sa klase ko. Well, maaga pa naman nang natapos ako kaya nasa living room muna ako at kalong kalong si baby Sky.
 
"Matulog ka pa para lumaki ka," sambit ko sa baby bago ko hinalikan ang pisngi nito.
 
"Peach, wala ka pa bang boyfriend?" Tanong ni tita bigla.
 
Nagulat ako sa tinanong niya dahil never naman namin napag usapan ang mga tungkol sa gano'n! Lalo na sa parte ko. Alam ko namang ayaw ni tita na tumulad ako sa nangyari kay Phamela, pero hindi pa naman ako nito pinag bawalan ever since.
 
"Po?"
 
Nagkibit balikat siya. "Baka kasi iniisip mong hindi ka pwedeng mag-nobyo dahil nandito ka sakin. Anak, walang problema sakin kung papasok ka sa relasyon, hmm? Nasa tamang edad ka na. Isa pa, ayaw kong itulad kita kay Phamela na sobra kong pinag higpitan noon. Kung magkakaro'n ka man ng nobyo, alam mo sana ang limitasyon niyo,"
 
Natigilan ako sa sinabi ni tita. Alam ko naman kung paano siya nagpaka nanay kay Phamela noon, e. Ibang iba kung paano sakin.
 
"Naiintindihan ko po, tita. Huwag po kayong mag-alala, tutulong muna ako bago ako lalagay sa—" she shook her head.
 
"Huwag mong isiping kailangan mong magtapos para makatulong. Isipin mong kailangan mong magtapos para sa sarili mo. I-enjoy mo lang ang buhay, Peach." She smiled at me.
 
Yumakap ako kay tita. She learned from her mistakes kaya saakin niya tinatama ang mga 'yon.
 
Hinding hindi ako magsisisi na pinili ko sila ni Phamela kesa kay papa at sa mama ko. Ngayong nandito ako, pakiramdam ko, kumpleto ako.
 
"Si Nikos, sa kwarto mo natulog kagabi?"
 
Kumalas ako kay tita bago tumango. I pinched Skyros' nose. "Opo, tita. Wala kasi siyang matulungan daw, e. Hindi pwede sa kwarto ni Phamela dahil tulog na yung dalawa sa kama. Hindi na rin ako maka-pwesto ro'n. Ayaw naman po niya rito sa salas. Sa kwarto ko na lang po. Nilatag po niya yung comforter para doon matulog,"
 
Napatango tango naman ito. "Malaki ang tiwala ko kay Nikos kaya hindi na ako mag-aalala,"
 
Mahina akong natawa sa sinabi ni tita. "Wala po talaga dapat kayong ipag-alala, tita. Hindi ko type si Nikos at gano'n din siya sakin. Hindi ko papatulan 'yon," halakhak ko.
 
She chuckled. "May gusto 'yon sa kapatid mo noon, hindi ba?"
 
Tumango naman ako.
 
"Sa nakikita ko, matagal nang tapos ang pagkagusto niya kay Phamela. Magkaibigan na lang talaga ang nakikita ko sa kanilang dalawa,"
 
Tumango tango naman ako dahil totoo naman. Kahit naman ako ay 'yon din ang nakikita ko sa kanilang dalawa. Pure friendship. Sana magkaro'n din ako ng kaibigan na katulad ni Nikos.
 
"Sa tingin ko rin, iba na ang nagugustuhan niya,"
 
Gulat kong tinignan si tita. Talaga? May nagugustuhan si Nikos?
 
"Sino naman po? May oras pa pala siyang magkagusto, ha?" umismid ako. Ang alam ko kasi ay super busy niya.
 
Matamis na ngumiti sakin si tita.
 
"Ikaw. Hindi mo ba nakikita? Dahil ako, sa t'wing tinitignan ko siyang nakatingin sayo, nakikita kong may gusto siya sayo. Ikaw na ang gusto niya, anak. Hindi na ang kapatid mo. Hindi na si Phamela."
 

LESSURSTORIES
 
 

Falling EmbersWhere stories live. Discover now