25

2K 46 9
                                    

CHAPTER 25

                            Nikos won the spot. Pinanindigan niya talagang walang aangkin sa bagay na sakanya kahit may nauna man o wala. Ayan tuloy at nasa kanang side ako imbes na sa kaliwa.

Hindi na rin ako pumalag dahil gusto ko na talagang lumayo siya sakin! Hindi ata siya aware sa itsura naming dalawa. He's in between my legs! Ayaw ko mang lagyan ng malisya 'yon, hindi ko naman magawa dahil hindi na kami mga bata!

Mabuti nga at umalis din siya agad sa ibabaw ko nang pumayag ako. Parang wala lang sakanya ang nangyari habang hindi naman mawala sa isip ko ang itsura namin kanina.

Surely, hindi naman 'yon ang unang beses na may nasa pagitan ng mga hita ko dahil nagkaro'n din ako ng mga boyfriend noon. Especially kay William, he was very touchy at sa tuwing may cuddle time kami, gustong gusto niyang nando'n siya. Pero ito na ata ang pinaka tumatak sa isip ko.

I glanced at Nikos. Hindi pa naman tulog ang lalaki dahil nakaupo pa at may kinakalikot. Sinimangutan ko siya kahit na hindi siya nakatingin sakin. He must know na naiinis ako sakanya!

"Ano bang ginagawa mo, Nikos? Ang likot mo! Hindi tuloy ako makatulog. Nandito na nga ako sa pwestong 'to, ang likot likot mo pa," reklamo ko.

Inirapan ko ang lalaki nang magtama ang mga mata namin.

"Bakit matutulog ka na?" He asked with his curious eyes.

"Bakit hindi ako matutulog? Hindi ba't 'yon naman ang pinunta ko rito?" Inirapan ko ulit siya.

"Huwag ka munang matulog. Laro muna tayo," then pinakita niya sakin yung playstation niya.

Napangiwi ako nang makita ko 'yon. "Hindi ako marunong niyan. Maglaro ka na lang mag-isa mo. Huwag ka na lang masyadong malikot para makatulog ako."

Humiga ako sa kama niya. He was watching me the whole time na hinahanap ko ang posisyon na komportable ako para makatulog.

"Witch! Huwag ka muna matulog!"

Kainis naman ang lalaking 'to!

Pumikit ako para hindi niya na ako magulo. Konsensya naman, oh! Well, hindi pa naman kasi talaga ako inaantok, pero gusto ko na matulog dahil ayaw kong nakikita si Nikos! Naaalala ko lang yung kanina, e!

"Hey!" Kalabit niya sakin.

"Ano ba!"

Bumangon ako para kurutin siya. "Ouch!"

"Ano ba? Ayaw ko nga maglaro sabi!" Singhal ko.

"Then anong gusto mong gawin? It's too early to sleep! Hindi ka naman maaga natutulog sainyo. Bakit nagmamadali ka ngayon matulog?"

Parang ayaw na ayaw niyang tapusin ko na ang araw na 'to namin. Hindi ko alam kung anong problema niya! Pati pagtulog ko pinipigilan niya!

"Sige nga! Anong ibang pwede nating gawin bukod sa maglaro ng playstation mo? Hindi ko nga trip 'yan!"

He rolled his eyes. Natahimik siya at mukhang napaisip sa sinabi ko.

"Well... shot tayo?"

Napaawang ang labi ko. Sasagot na sana ako at hihindi dahil kung ano ano na namang nasa isip ko, pero mabuti na lang at napigilan ko ang sarili kong sagutin agad siya.

Come to think of it. Kapag uminom kami at nalasing ako slight, mas mabilis akong makakatulog! Hindi yung pipilitin ko pa ang sarili ko. Great idea, right?!

Falling EmbersWhere stories live. Discover now