06

1.4K 29 5
                                    

CHAPTER 06


        HINDI KO ALAM kung paano ko nagawa o kung paano nangyari ang lahat, pero ang alam ko lang, hinambalos ko ang bag ko sa bunbunan niya! May hagdan ang tindahan kaya sumubsob siya sa baba nang ihampas ko ang bag sakanya!


"T-tang ina mo!" Sigaw ko sakanya.


Napaupo ako sa gilid ng tindahan habang nanginginig pa rin. Ramdam na ramdam ko ang sakit, hapdi at pamamanhid ng sugat na galing sa yosi ko kanina!


Pulang pula ang braso ko! Dumudugo yung dinikitan niya at kitang kita ang lapnos no'n! Sobrang sakit! Hindi na rin maawat ang mga luha ko!


Anong karapatan niyang gawin sakin 'to?! Kahit si Tita o Phamela, hinding hindi gagawin sakin 'to! Magagalit sila, oo! Pero hindi nila ako masasaktan! Hindi nila gagawin 'yon! Pero ang putang inang 'to, pinaso pa 'ko ng yosi!


Tinanaw ko si Ken. Para siyang natauhan sa ginawa niya nang makita akong nasa sulok at umiiyak! Ang hayop na 'to! Ngayon pa magsisisi?!


"Peach, I'm sorry—"


"Putang ina mo! Huwag kang lalapit sakin! Iuumpog ko ulo mo!"


My, God! I sounded so low, pero hindi 'yon ang mahalaga ngayon! Nanginginig ako sa sakit at galit ngayon kay Ken! Hindi ko inakalang magagawa niya 'to sakin!


Ang tagal na namin at mahal ko siya! Alam kong mahal niya rin ako, kaya hindi ko maintindihan kung paano niya nagawa sakin 'to! Pwede naman niya 'kong kausapin ng maayos!


Dinampot ko ang bag ko para umuwi na! Tatakbo na lang ako papasok ng bahay para hindi ako makita ni Tita o ni Phamela! O kaya sana, dumating si Nikos sa bahay at pinasyal si Phamela!


"P-peach, s-sorry—"


"Ano ba?! Huwag mo 'kong hawakan!" Tili ko nang sinubukan akong habulin ni Ken.


"Pasensya ka na! Nabigla lang ako! N-nakainom din kasi ako kanina! I'm sorry, Peach. Hindi ko sinasadya!"


Ang gago, nagawa pang yakapin ako! Siniko ko siya agad, pero ayaw niyang bumitaw!


"Ano ba?! Sisigaw ako kapag hindi mo 'ko tinigilan!" Banta ko sakanya.


Bumitaw siya agad sakin. Luhaan ang mga mata niya na para bang siya ang biktima rito! Gago!


"Peach, patawarin mo 'ko. Hindi ko talaga sinasadya—"


"Ulol! Patawarin mo mukha mo! Break na tayo!"


I love him, yes! Pero putang ina, hindi ko mapapalagpas 'to! Sigarilyo lang 'yon at kayang pag-usapan! Titigil naman ako! Susunod naman ako sakanya! Maiintindihan ko naman siya! Pero anong ginawa niya?! Pinaso niya 'ko!


Lasing siya?! Ang lala niya naman! Nakainom lang 'yan, ha! Paano kung tumagal tagal at paano kung naging kami na talaga, naging mag-asawa kami, paano kung nalalasing siya? Sasaktan niya 'ko?! Gago pala siya!

Falling EmbersWhere stories live. Discover now