05

1.6K 33 2
                                    

CHAPTER 05
 

               HINDI KO ALAM kung bakit ako pumayag sa gusto ni Nikos. Basta nakita ko na lang ang sarili kong nakikinig sakanya. And damn... surprisingly, mas mabilis kong naiintindihan ang turo niya kaysa sa turo ni Ken o ni Pham!
 
"Tapos na," malaki ang ngisi ni Nikos nang binalik sakin ang mga gamit ko.
 
Hindi ko alam kung naka ilang refill na ‘ko ng ice cream dahil do'n. Pakiramdam ko, gets na gets ko lahat ng turo ni Nikos sakin kahit yung mga parteng ayaw intindihin ng isip ko.
 
Umirap ako. "Salamat. May utak ka pala,"
 
Well, syempre joke lang ‘yon! Ayokong maging masyadong mabait kay Nikos at ayaw ko siyang purihin nang purihin dahil baka lumaki lang ang ulo.
 
Inismiran niya 'ko. "Why can't you admit it to yourself? You need me," he cockily said.
 
Inilingan ko siya agad. "Kapal mo. Sige na! Magliligpit na ‘ko,"
 
How smart is he? Chemistry ito, ah? Maraming hindi ito kayang gawin pero kaya niya kahit hindi naman niya ito inaral noon.
 
Nanood lang si Phamela and Nikos sa living room habang nasa kwarto naman ako dahil gusto ko ring ihiga ang likod ko! Ang sipag pumunta ni Nikos dito, ha? Mukhang kakagaling niya lang din sa school niya.
 
Umalis din si Tita para mamalengke dahil gusto niyang lutuan si Nikos ng pagkain. Makakasabay ko na naman tuloy kumain ‘yon! Well, ano pa bang bago? Araw araw nandito ‘yon!
 
[“Kamusta ang assignment mo sa Chemistry? Nasagutan mo na ba? Buksan mo ang camera mo, tuturuan kita,"] Ken said habang nag-uusap kami through call.
 
Nakahiga pa rin ako sa kama dahil medyo nanakit ang ulo ko dahil sa dami ng tinuro sakin ni Nikos.
 
"Nasagutan ko na yung assignment sa Chemistry, Ken. Thank you..."
 
Narinig kong gumalaw siya sa kung nasaan man siya ngayon.
 
["Talaga? E, paano? Akala ko ba hindi mo maintindihan? Tinapos ko pa naman agad yung sakin para maturo ko sayo,"]
 
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Ang sweet talaga ni Ken! Talagang mas umayos siya noong muntik na kaming maghiwalay dahil nga sa muntik nang may mangyari samin.
 
"Sorry na... tinuruan kasi ako ni Nikos, e. Advantage ko na rin kaya pumayag na ‘ko. Ililibre na lang kita bukas," panunuyo ko sa boyfriend ko.
 
["Nikos? ‘Yun ba yung boyfriend ng ate mo?"] Kuryosong tanong nito.
 
I licked my lips. "Best friend ni Phamela, hindi boyfriend,"
 
Totoo naman. Hindi na gusto ni Nikos si Phamela. Si Phamela naman, walang feelings kay Nikos. Hanggang kaibigan lang. Mabuti nga at na-maintain nila ang pagkakaibigan nila.
 
["Ah, Peach... sandali lang, ah? Tumatawag si Papa,"]
 
"Ah, gano'n ba? Okay—"
 
Pinatay niya agad yung tawag. Naiwan pa akong nakatanga saglit sa phone ko bago mag sink in sakin na binaba niya ang tawag nang hindi man lang ako pinapatapos sa pagsasalita. I pouted my lips.
 
Hmm... okay. I understand.
 
Nararamdaman ko na ang antok kaya minabuti kong lumabas na ng kwarto. Kapag natutulog kasi ako sa hapon, nahihirapan akong gumising sa umaga. This is the least that I can do for myself.
 
"Tita! Tulungan na po kita," alok ko nang makitang nagluluto si Tita.
 
Ngumiti siya agad sakin. "Salamat, Peach. Gusto kasi ng kapatid mo ng sinigang,"
 
Tumango ako sakanya. Nilingon ko si Phamela na nasa living room kasama pa rin si Nikos. Nag-uusap ang mga ito ng kung ano ano. Hindi ko naman marinig at wala akong balak makinig.
 
Natapos agad yung sinigang dahil sinimulan naman na ‘yon ni Tita kanina pa. Napangisi ako nang makitang namilog ang mga mata ni Phamela nang makita ang pagkain.
 
"Thank you, Ma!" Yumakap pa ito kay Tita.
 
Tita laughed and caressed Phamela's hair. "Kumain ka nang kumain, hmm? Para sa anak mo,"
 
Ngumuso ako para pigilan ang sarili kong mapangiti. Masaya ako dahil okay na okay na silang dalawa. ‘Yon lang naman ang gusto ko. Ang mga mahal ko... maging masaya.
 
"Ano? Kamusta ang ate mo?" Biglang sabi ni Phamela kay Nikos na ngayon ay sumasalo samin.
 
"I called her earlier. She's fine..."
 
Kilala ko yung ate ni Nikos. Sa mukha at pangalan pero hindi naman ako kilala no'n. Narinig ko lang na pinag uusapan nila ni Phamela ‘yon. Ang alam ko, ex-girlfriend ng pinsan ni Spiro ang ate ni Nikos. Twyla ang pangalan.
 
"Wala ka bang nobya, Nikos?" Tanong ni Tita.
 
I bit the sides of my cheeks as I glanced at Nikos, who was currently drinking his water. Ngumiti siya kay Tita.
 
"Wala po, Tita. Wala po akong balak,"
 
Oh? Bakit naman wala siyang balak? Malaki na siya, ah? Nineteen ata? Nakalimutan ko na. Ako nga, may boyfriend na.
 
"Oh, bakit naman? Sayang naman, hijo. Mukhang magiging mabuting boyfriend ka naman," halakhak ni Tita sabay sulyap kay Phamela na busy ngayon sa pagkain.
 
"Wala lang po akong makita. Isa pa po, mas gusto kong suportahan si Phamela ngayon," he giggled.
 
Nilingon siya ng kapatid ko at nginitian. "Salamat, Nikos, ah? Alam mong hindi na kailangan, pero sobrang tulong na lagi kang nandito. Hayaan mo, kapag may nakilala akong bagay sayo, irereto kita,"
 
I almost roll my eyes nang marinig ko ‘yon. Sino naman kaya kung gano'n? I mean... meron naman ba?
 
Umuwi rin si Nikos noong mag gabi. Minsan nga, dito na ‘yon pinapatulog ni Tita. It's either sa living room o sa kwarto ni Phamela. Kung sa kwarto naman ni Phamela siya tutuloy, magsasama kami ni Phamela dito sa kwarto ko.
 
Ken and I planned our weekend dahil medyo maluwag ang schedule namin lately dahil buntis ang teacher namin sa isang subject na puro pagawa. Maternity leave muna. Puro handouts lang na madaling sagutan.
 
Birthday ko na bukas at syempre, sa bahay ako. Kaya ngayong araw kami lalabas ni Ken. Ang tagal nga lang niya.
 
"‘Wag ka ngang maingay!"
 
Nilingon ko ang pamilyar na boses na ‘yon. Natigilan ako nang makita ko si Papa kasama... ang Mama ko.
 
I should be happy, right? Dahil magkasama sila ngayon. Ang mga magulang ko, magkasama. Pero ngayon, ni katiting na saya ay wala akong maramdaman.
 
Papa left Tita Beth para bumalik sa babae nito, ang Mama ko. Kung tutuosin, advantage ko ito dahil pamilya ko ang nabuo, pero kahit na! Nasaktan si Tita dahil sakanila!
 
Mahal ko ang mama ko, oo. Pero masisisi ba nila ako kung mas may amor ako kay Tita? Na pinaramdam sakin yung pagmamahal na hindi ko nakuha sa sarili kong ina?
 
Natanaw ako ni Mama na nakatingin sakanila. She smiled at me na para bang wala siyang atraso sakin.
 
Umiling ako agad at handa nang umalis nang humabol sila sakin ni Papa!
 
"Peach! Ano ka ba naman? Nakita mo na nga ako, aalis ka pa. Hindi mo ba namiss si Mama?"
 
Ano naman kayang nakain nilang dalawa at nagbalikan? Ang ayos na namin ni Papa sa asawa niya, pero niloko niya lang ito ulit! Ang gago lang!
 
"Ano hong kailangan niyo?" Tanong ko kay Mama sabay iwas ng braso ko.
 
Napanis ang ngiti nito at nilingon si Papa na hindi halos makatingin sakin.
 
"Birthday mo bukas, hindi ba? Tara! Ipapasyal ka namin ng Papa mo, anak. Saan mo gusto? May pera kami ngayon kaya—"
 
"Hindi ko ho gustong pumasyal. Aalis na ‘ko,"
 
I tried to escape, but nahuli ulit ako ni Mama. She tried to smile at me.
 
"Anak, alam kong nagtatampo ka sakin dahil sa sinabi ko noon. Patawarin mo na lang ako. Ako ang mama mo kaya kailangan mo ‘kong patawarin sa lahat ng pagkakataon,"
 
Oh, putang ina.
 
Mahina akong natawa. "Gano'n ba? Sige. Pinapatawad na kita, Ma. Ngayon, pwede na ba akong umalis? Kasi hinihintay na ‘ko samin,"
 
I can feel my legs shaking dahil sa galit. Sobrang baluktot ba ng isip ng nanay ko? I can't believe her!
 
"E, anak, gusto ka namin makasama ng Papa mo—"
 
Umiling ako. "Hindi ko kayo gustong makasama. Uuwi na ‘ko,"
 
Humakbang na ako palayo sakanila at kakalimutan ko na sanang nakita ko pa sila ngayong araw, pero natigil ako sa paglalakad nang marinig ko si Papa.
 
"Bakit ba ang ilap mo na, Peach? Ilang taon ka pa lang kay Beth, ah? Gan'yan ka na umasal? Ano bang pinagmamalaki niyo? Si Phamela? Hindi ba't buntis na ang batang ‘yon? Ang yabang yabang pa, may tinatago rin pa lang kalandian ang kapatid mong ‘yon. Hindi na ‘ko magugulat kung bukas bukas, ikaw naman ang buntis—"
 
"Putang ina..." nanginginig ang boses ko. Pakiramdam ko ay kaya kong sampalin si Papa ngayon dahil sa sinabi niya sa pamilya ko!
 
Sila, silang dalawa ang kadugo ko pero putang ina, pakihanap ng pake ko! Mas naging pamilya ko pa si Tita Beth at si Phamela kesa sa kanilang dalawa!
 
"Bawiin mo ang sinabi mo, Pa. Hindi gano'ng babae ang kapatid ko! At huwag niyong isisi kay Tita kung bakit ganito ako makitungo sainyo ngayon. Masisisi niyo ba ako, ha? E tang ina, manloloko kayong dalawa ni Mama, e! Niloko niyo si Tita pagkatapos tayong tanggapin! Pagkatapos akong tanggapin! At anong sinabi mo sa kapatid ko? Ang galing mo rin, ah? Hindi ba't ang tagal ka ring naging palamunin ni Phamela? Ngayong hindi mo na mapakinabangan, kung ano ano nang sinasabi mo sakanya! Alam mo, Pa? Mabuti ngang umalis ka sa bahay! At sana, huwag ka nang babalik! Huwag mo nang guluhin si Tita!"
 
He slapped me! In a public place. I deserve it, I know. But I'm not regretting anything.
 
At least, bago ako masampal, nasabi ko ang mga gusto kong sabihin. Naipagtanggol ko si Tita at Phamela.
 
"Salamat sa birthday gift mo, ha?" Nanginginig ang buong katawan ko at nangingilid ang luha ko.
 
"Peach, anak—"
 
"Huwag na kayong magpakita saking dalawa! Maayos na ang buhay ko! H-hindi ko kayo kailangan!"
 
Fuck! Nakakahiya! Sa public place pa talaga! Halos takbuhin ko ang lahat ng daan para lang makalayo sakanilang dalawa!
 
Hindi ako umuwi samin. Nakalimutan ko na rin ang plano namin ni Ken dahil sa sobrang bigat ng dibdib ko!
 
Umangat ang tingin ko sa mga taong dumadaan sa harap ko. Hindi naman sobrang daming tao. Napatingin ako sa hawak nila. Matagal ang tingin ko ro'n bago ko nilingon ang tindahan sa tabi ko.
 
I licked my lips. Lagot ako kapag sinubukan ko. Hindi lang kay Tita at Phamela kung hindi pati na rin kay Ken.
 
Pero ano nga bang mali rito maliban sa masama sa kalusugan? Kapag ba ginawa ko ‘yon, hindi na ‘ko makakarating sa langit?
 
Tumayo ako bago nilapitan ang tindahan.
 
"Pabili po,"
 
Dumungaw yung tinderang babae. "Oh, ano?"
 
Mariin akong napalunok. "Yosi po. Yung marlboro lights po. Isang stick lang,"
 
Sinindihan ko na rin ‘yon. Alam ko naman na itong gamitin. Hello? I'm eighteen na tomorrow. Bobo ko naman kung pati paninigarilyo ay hindi ko kayang gawin.
 
I inhaled the smoke. Hinayaan kong mag-stay ‘yon saglit sa loob ng bibig ko bago ko marahang binuga. Pakagat na ang dilim pero ayaw ko pang umuwi. Sigurado akong namumula ang pisngi ko sa sampal ni Papa.
 
Isang oras akong nakatambay do'n. Nakailang stick na 'ko.
 
Ang baho noong una pero kalaunan, nakaramdam ako ng ginhawa sa ginagawa ko. It feels like... yung nakakasulasok na mga salita at problema ko, tinatangay ng usok palayo sakin.
 
I smirked at my cigarette. All I know is... this will be my buddy from now on.
 
"Peach!"
 
Napatalon ako mula sa pagkakaupo nang sumulpot mula sa malayo si Ken! Sa itsura niyang ‘yan, galit na galit siya!
 
"Ken..."
 
Tumayo ako para harapin siya. Oo nga pala. Aalis nga pala kami dapat ngayon! Nakalimutan ko dahil sa lintek kong mga magulang! Excited pa naman ako kanina! Hindi pa ako nakatawag kay Ken!
 
"Hindi mo sinasagot ang tawag ko! Nandito ka lang pala! Alam mo ba kung gaano ako katagal naghintay, huh?!" Ken gripped my arm. Kumunot ang noo ko at gustong magalit sakanya, pero naisip kong may karapatan siyang magalit sakin dahil sa ginawa ko.
 
"Sorry. May nangyari lang kasi—"
 
"Anong nangyari, kung gano'n?! Hindi mo kayang sagutin ang tawag ko? Edi dapat hindi ka na nag cellphone! At ito? Ano ‘to?!"
 
Inagaw niya sakin ang sigarilyo na hawak ko. My lips parted.
 
"Putang ina... naninigarilyo ka?!"
 
Nanlamig ako bigla. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit sakin! Sobra naman ata? Alam kong mali ako, pero bakit niya ako kailangan ganituhin in public katulad ng ginawa nina Papa sakin?
 
"Ken, na-stress lang kaya ako—"
 
"Tang ina, stress? Sigarilyo ang solusyon? Bobo ka ba?"
 
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Lasing ba siya?!
 
"Tang ina mo, ah—"
 
"Titigilan mo ‘to, Peach," He's gritting his teeth.
 
Kumalas ako sakanya, pero nahuli niya muli ang braso ko.
 
"Ano ka ba?! Hindi ikaw ang magdedesisyon kung anong gagawin ko sa buhay ko! Boyfriend lang kita!" I spat back.
 
His eyes were red, and he's fuming real mad.
 
"Ah, gano'n? Kung gano'n lang din pala, dapat maaga pa lang, matutunan mo na kung paano tigilan ‘to."
 
Namilog ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa! Fuck! Dinikit niya ang yosi kong nagbabaga pa sa braso ko para pasuin ako gamit ‘yon!
 

LESSURSTORIES
 

Falling EmbersWhere stories live. Discover now