22

1.7K 42 5
                                    

CHAPTER 22

 
"TITA, TIGNAN mo po, oh! Gumagalaw siya!" Biglang lumapit sakin ang bulol na si Skyros. Masyado siyang maliit and mukha siyang chanak, sabi na rin ng mama niya.
 
"Ano na naman 'yan?"
 
Pinasilip niya sakin ang maliliit niyang mga kamay. Ayaw ko mang maniwala sa sinasabi niya, pero wala na rin akong nagawa kung hindi sumilip do'n dahil baka topakin siya.
 
May maliit na kulay gray do'n. Ano naman 'yon?
 
"Ano 'yan?" Curious kong tanong.
 
"Buntot po ni butiki!"
 
"Putragis!" Napatalon ako palayo kay Skyros para makaiwas sa pinapakita niya sakin!
 
Ayoko sa butiki! Takot ako ro'n dahil may hawig ang mukha nila sa palaka!
 
"Bakit ka may hawak na ganyan? Itapon mo 'yan!" Utos ko sakanya.
 
"Hinuli ko po, pero nakawala siya, e! Naputol po buntot niya," paliwanag pa nila bago sinundot sundot ang nasa palad niya.
 
"Itapon mo 'yan!"
 
"Ayaw!"
 
Oh, come on! Kanino ba nagmana ang batang ito? Masunurin naman ang nanay niya noon!
 
"Chicken ang ulam mo kapag tinapon mo 'yan," pang uuto ko rito.
 
Bumungisngis siya. "Okay po! Tapon ko siya,"
 
Para akong nakahinga nang maluwag nang nanakbo na ito palayo para itapon ang kung ano mang hawak niya. Para akong tinakasan ng dugo. Lagi na lang dahil kung ano anong ginagawa ng batang 'yon!
 
Busy pa naman akong isipin si Nikos.
 
I mean, yung nangyari!
 
Namumuro na ang gagong 'yon, ah? Thankful ako dahil tinulungan niya akong lumusot kay William noong araw na 'yon pero hanggang sa bilihan ba naman ng sapatos 'yon pa rin ang tawag niya sakin?
 
Hindi ko man lang siya nagawang pigilan.
 
Anong trip ba ang meron siya? Anong sinisinghot no'n? Gano'n ba talaga kapag graduating na?
 
Umirap ako sa kawalan. Bukas na ang graduation ni Nikos. Maaga 'yong pupunta rito para sunduin ako dahil babyahe pa kami. Kawawa naman. Sinabi ko kasing kaya ko naman mag-commute, pero ayaw niya at nagalit pa! Edi okay! Madali naman akong kausap.
 
"Peach," umangat ang tingin ko kay tita.
 
"Po?"
 
"Pwede bang pakisabi kay Phamela pag-uwi niya na kung may extra siya, pakibili muna itong gamot ko?" May inabot ito saking lalagyanan ng gamot.
 
"Okay lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ko.
 
Mula kasi nang mawala si papa, halos bumagsak na rin ang katawan ni tita. Para itong sobrang nalungkot at hindi na halos naka-recover. Up until now, hindi pa rin bumabalik ang sigla niya.
 
Ang sabi niya nga noon, mas okay na yung may ibang kasama si papa kesa yung wala ito. At least doon, alam niyang kahit papaano maayos si papa.
 
"Ayos lang," she smiled at me bago bumalik sa kwarto niya.
 
Phamela and I tried to convince her to stop working. Handa naman akong mag-trabaho, e. Pero ayaw nitong paawat. Ako na lang daw kasi ang nag-aaral kaya naman dapat focus lang ako sa school at sila na muna ni Phamela ang bahala sakin.
 
I can't wait to graduate. Gusto ko nang mag-trabaho para makatulong dito sa bahay. Para makabalik na rin si Phamela sa pag-aaral niya dahil alam ko naman na kahit gano'n, gustong gusto niya na mag-aral.
 
May extra naman akong pera kaya pera ko na lang ang pinang bili ko sa gamot ni tita. Maintainance niya kasi 'yon and need niya talaga kaya ako na ang sumagot.
 
Hindi mawala sa isip ko ang itsura ni tita kahit na noong nakahiga na ako sa kama. Hindi dapat ako nag-iisip dahil ayaw kong mapuyat!
 
Makikita ko na naman ang Nikos na 'yon. Makikita ko na naman ang nakakaasar niyang ngisi.
 
...
 
I woke up at 5 a.m. Yeah! That early dahil mag-aayos pa ako. Wala akong sinayang na oras dahil naligo ako agad para makapag-ayos na.
 
Marunong naman akong mag makeup at mag-ayos ng buhok kaya hindi ko na need ng tulong ni Phamela. Isa pa, tulog pa 'yon dahil pagod galing trabaho.
 
Exactly 6 am nang mag-text sakin si Nikos at sinasabing nasa byahe na raw siya papunta rito. Mas nagmadali tuloy ako! Ang sabi niya kasi, 8 am ang call time nila, then start at 9 am.
 
I wore the sandals that Nikos bought for me. Pinigilan ko ang ngisi ko nang makita ko 'yon. Ah, I remember that day!
 
Nag-timpla ako ng kape for me and Nikos. Need niyang mag-kape dahil I doubt na kumain muna 'yon bago pumunta rito.
 
At 6:30 am, he's already here.
 
Napatayo ako para tignan ang itsura niya. Hindi ko mapigilang mamangha sakanya dahil ang gwapo niya! Well, lagi naman, e. Mas gwapo nga lang siya ngayon.
 
He looks so clean and fresh. Ang kanyang buhok ay naka-style na medyo magulo. Bagay na bagay sakanya ang barong na pinili ko.
 
On the other side, nakatanga rin siya sakin.
 
Napangisi ako. "Ano? Ang ganda ko ba?" Ngisi ko.
 
He swallowed. "Yeah,"
 
Huh?! Hindi dapat 'yon ang isasagot niya, ah? Dapat inasar niya 'ko! Halos mapanis tuloy ang ngisi ko dahil sa sinagot niya sakin.
 
"Alam ko," napapaos kong sagot. "Kape ka muna,"
 
Inabot ko sakanya ang kape na hindi naman masyadong mainit. Umupo siya sa sofa pagkatanggap ng kape.
 
"Tulog pa sina Phamela, e. Gigising 'yon at eight or nine dahil wala naman siyang pasok ngayon. Gusto mo bang gisingin ko?" Tanong ko habang inaayos ang hand bag na dadalhin ko.
 
"No need. Let her rest,"
 
Oo nga naman. She needs that sleep.
 
Naubos agad ni Nikos ang kape kaya niligpit ko na ang ginamit niya. I know na kailangan na naming umalis dahil malas naman niya kung ma-late pa siya.
 
Nikos stood up when he saw me walking towards him. Kumunot ang noo ko nang tignan ang labi niya.
 
"Wait lang... lagyan kita konti ng lipstick,"
 
"No!"
 
"Konti lang! And gloss! Akong bahala,"
 
His jaw tightened, but wala ring nagawa. Mas lumapit pa ako sakanya para mas makita ang labi niya.
 
Umalon ang lalamunan niya nang halos ilang inches na lang ang layo ng mukha ko sakanya. Pasimple kong inapakan ang sarili ko dahil sa inis. I used my middle finger to blend the lipstick.
 
Ang lambot ng labi niya...
 
"G-gloss... konti lang din,"
 
Nilabas ko ang gloss na ilalagay ko sakanya. He's still looking at my face. Hindi man lang nag-effort na umiwas ng tingin para makapag-focus ako!
 
"You're enjoying this, do you?" He smirked.
 
Nanlamig ako sa sinabi niya. He's... flirting with me! Ano ba 'to?!
 
"I-in your dreams. O-okay na!" Tinulak ko siya konti.
 
Ngumisi siya. "Bagay sayo ang suot mo," sambit niya bago naunang lumabas.
 
Huh?
 
Ano ba talagang nangyayari sa lalaking 'yon?! He's acting weird!
 
Sumunod ako sakanya sa labas. Nag-text na lang ako kay Phamela para ipaalam na umalis na kami ni Nikos.
 
Nikos opened the passenger seat for me. Nang pumasok siya ay hindi ko na napigilang magtanong.
 
"Saan ang mommy mo?"
 
"Dadaanan natin siya,"
 
Oh... 
 
"Antok ka pa? You can sleep," sinubukan niya pang sumulyap sakin.
 
"Okay lang..." Nanulis ang nguso ko.
 
Fourth year na 'ko next school year. Since summer naman na, e. Mabuti nga at free ako sa graduation day ni Nikos dahil totopakin pa ata ang lalaking 'to.
 
"Let's drive through. Hindi ka kumain, 'no?" Pang aakusa niya.
 
Nag-taas ako ng kilay sa kanya. "Bakit ikaw? Kumain ka ba?"
 
He smirked as he shook his head. "That's why we need to drive through..."
 
"Fine!" Gusto ko rin naman no'n, e! Aarte pa ba ako?
 
Nag-drive through kami sa Jollibee. Kailangan nga lang namin umalis agad dahil baka ma-late kami. 
 
Habang kumakain ako, hindi ko maiwasang tignan si Nikos. Hindi ba siya nagugutom? For sure gutom na siya! Ang aga niya pa naman gumising dahil susunduin pa ako.
 
"Kumain ka muna," utos ko sakanya.
 
"Do you think I can? I'm driving," irap niya sakin.
 
Subuan ko kaya? Pero nakakahiya! Bakit ko naman siya susubuan? Dapat bahala na siya sa buhay niya, e! After all, lagi naman niya 'kong iniinis.
 
Jokes on you, Peach! As if you can resist him?
 
Fine! Susubuan na!
 
"Subuan na nga kita!" Sigaw ko bago kinuha ang pagkain niya.
 
Palabok ang kinuha niya. Nanulis ang nguso ko. Parang gusto ko rin nito, ah? Pero ayaw kong bloated ako mamaya.
 
Inikot ikot ko 'yon sa tinidor bago maingat na nilapit 'yon kay Nikos. Nahuli ko pa siyang nakangisi! Tuwang tuwa siya, ah?
 
"Ah," I said.
 
"Ahh,"
 
What? Pigil ko ang ngiti ko dahil para siyang bata na sumunod nang pinakain ko na. 
 
Hindi naman mahirap pakainin si Nikos dahil hindi siya malikot. Nag-aalala kasi ako na baka malagyan ng sauce ang kanyang barong.
 
"You know what? Hindi mo pa pinupuri ang hitsura ko. Magtampo kaya ako?"
 
Aba, pota! Saan siya kumuha ng lakas para artehan ako ng ganyan?!
 
"Edi magtampo ka!"
 
Pasalamat siya at nakaayos na ang buhok niya! Kung hindi ay baka nasabunutan ko na siya sa inis ko!
 
"Okay! Sabi mo, e. Parang wala kang tiwala sa taste mo. Ikaw pumili ng isusuot ko!"
 
Tinitigan ko siya gamit ang mga nanlilisik kong mga mata. "I wonder kung gan'yan ka rin sa mga ex mo kapag hindi ka nila napagbibigyan sa gusto mo," inirapan ko siya.
 
Nawala naman ang pagkakakunot sa noo niya. "What do you mean? Of course, not,"
 
"Sus," Inirapan ko ulit siya. Dinampot ko ang tissue.
 
"Dahil nakukuha ko naman lahat ng gusto ko," humalakhak siya.
 
Yabang!
 
"Gan'yan ka pala maging boyfriend.. tss,"
 
He smirked. Saktong naabutan kami ng stop light. Nakangisi siyang lumingon sakin.
 
"Bakit? Gusto mo 'kong i-try?"
 
Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
 
I feel like lalabas na sa dibdib ko ang puso ko! Oh, God! Never naging vocal si Nikos kapag ganito! Ngayon lang. Tumatapang siya, ah?
 
What's wrong with him? Baka naghahanap ng rebound? Ako pa, ha?! But I doubt that! Nikos is nice...
 
"Kinilig siya," humagikgik siya bago hinila ang dulo ng ilong ko.
 
Hindi na ako nakasagot dahil nag-green na ang stoplight.
 
And I don't think I will be able to fire back because I was too stunned by what he said. Sa huli ay nanahimik na lang ako dahil baka may kung ano pa akong masabi sakanya.
 
Sa t'wing lumilingon ako kay Nikos, laging nakangisi ang mga labi niya na para bang ang saya saya niya at para bang ang ganda ng gising niya.
 
Hindi nagtagal nang pumasok kami sa isang subdivision at huminto sa isang magandang bahay. Nikos didn't bother to go out. Bumusina na lang siya. Agad namang may lumabas na babae sa bahay na hinintuan namin.
 
The woman is older than us, obviously. Ngunit napaka-ganda pa rin nito. Ito na marahil ang mom ni Nikos!
 
"Lilipat ak—"
 
"Nope, dito ka lang sa tabi ko. Sa likod si mommy," sambit niya bago bumaba para pagbuksan ng pinto ang mommy niya.
 
Napalunok ako habang hinahanda ang sarili para batiin ang mommy niya.
 
"Gosh, Nikos! Hindi ka man lang nag-breakfast kanina. Pinaghanda kita ng sandwich!"
 
Namilog ang mga mata ko nang lingunin ang nasa back seat. Nando'n na nakaupo ang mom ni Nikos at sinisermunan siya kahit na kakapasok lang ulit ni Nikos. Natigil lang ito nang makita ako.
 
I tried my best to smile na parang hindi natatae. "G-good morning po..." bati ko. "Kamusta po kayo?"
 
Matagal itong nakatingin sakin bago ngumiti. "Good morning. I'm well, hija," she glanced at Nikos. "Kaya pala nagmamadali kang umalis kanina. Ganito pala kasi kaganda ang pupuntahan mo,"
 
Umawang ang labi ko sa sinabi niya. I wanted to stop myself from smiling, but I just can't! Kusang gumuguhit ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ng mom ni Nikos!
 
"Mom..." magkasalubong ang kilay ni Nikos ngunit sumisilip pa rin ang ngisi sa labi niya.
 
Binalingan muli ako ng tingin ng mom ni Nikos. Now that Nikos' driving, mukhang ako naman ang kukulitin ng mom ni Nikos! Nahihiya ako!
 
"Are you Nikos' girlfriend? Because I doubt that you are not. Hindi 'yan gigising at 4:30 am to get ready and to drive early to fetch you if you are not."
 
Huh? Gising na si Nikos no'n? Pero masyado pang maaga! Dapat tulog pa siya o kaya kakagising lang! Dapat kasi pumayag na siyang mag-commute na lang ako.
 
"Uhm... h-hindi po," napakamot ako.
 
Her eyes widened. "Really? Nikos, what are you still waiting for?! Why don't you court her? Siya hindi ba yung kaklase mo noon? Yung crush mo noong high school ka? What's taking you so long?"
 
Para akong ninakawan ng boses nang marealized ko ang sinabi ng mom ni Nikos.
 
Akala niya... ako si Phamela.
 

LESSURSTORIES
 

Falling EmbersWhere stories live. Discover now