13

1.5K 35 5
                                    

CHAPTER 13
 

         OUR RELATIONSHIP lasted for a year. Well, kami pa rin naman. Walang nagiging problema samin gaano dahil masasabi ko namang magaan akong girlfriend at hindi maraming pinoproblema.
 
"Mama!" Hagikgik ni Skyros nang makita si Phamela na kakauwi lang.
 
Ako ngayon ang toka kay Skyros dahil rest day ko ngayon habang may pasok naman si Phamela. Pinagpahinga ko na lang din muna si tita. Si Nikos naman, busy din sa school, kaya hindi nakakapunta lately.
 
Hindi pa kami legal ni William sa side ko. Wala lang. Hindi ko pa nasasabi sakanyang ipakilala siya at hindi naman niya 'ko minamadali. He's a good boyfriend.
 
"Hi, baby..." nilapitan ni Phamela ang anak para kargahin.
 
"Kanina ka pa hinihintay n'yan," singit ko.
 
Ngumiti sakin si Phamela. Kahit nakangiti ito, bakas ang pagod sa mukha niya. Okay lang naman sakin kung ako pa rin magbabantay kay Skyros hanggang mamaya para makapag pahinga naman si Phamela.
 
"Thank you, Peach, ah? Hayaan mo. Kapag nakabenta ako ng mga tinitinda ko, ililibre kita,"
 
Inirapan ko siya. Ayan na naman siya! Gagastusan ang mga hindi naman kailangan. Ilang beses ko na bang sinabi sakanyang unahin niya ang anak niya at hindi ang kung ano anong gusto namin?
 
"Hindi na! Kay Skyros mo na lang ilaan ang pera,"
 
Ngumuso lang ito at tinignan ang anak niyang halos kumikislap ang mga mata na nakatingin sakanya. Kusang napangiti si Phamela dahil sa anak niya.
 
Nawala sa isip nito ang magbihis muna dahil naging busy kakalaro sa anak niya. I took the chance para makapag message kay William since hindi ko ito nareplyan kanina.
 
From : William
 
Kailan ko ba mame-meet 'yang baby?
 
Napangisi ako. Lagi kasing si Skyros ang kinekwento ko sakanya kaya nacucurious na tuloy siya sa pamangkin ko.
 
To : William
 
Kapag hindi ka na busy.
 
Since isang taon na kami, naka-graduate na rin siya at nag-aaral for board exam. Nasa second year college naman na ako. Okay lang naman at magaan dahil tinutulungan ako ng boyfriend ko! Hindi nga lang kami madalas magkita dahil busy siya at gano'n din ako.
 
From : William
 
E, ikaw? Kailan kita makikita? I miss you.
 
Umirap ako para pigilan ang ngiti. Fine! Natutuwa ako sa sinabi niya! Miss niya raw ako? Well, ako rin naman. Pero hindi naman ako clingy kaya hindi ko na masyadong ginugulo ang sched niya.
 
To : William
 
Labas tayo sa weekends?
 
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko. Kung totoong aalis kami sa weekends, kailangan ko nang matapos ang mga kailangan kong tapusin para hindi ako matambakan!
 
From : William
 
Sure 'yan, ah? I'll look forward to that. I love you.
 
Natigilan ako nang makita ko ang dulo ng kanyang message. Tipid akong ngumiti.
 
To : William
 
I love you.
 
Binaba ko ang phone ko para balingan ng tingin sina Phamela. Kahit nasa kanila ang tingin ko, parang lumulutang ang isip ko sa kung saan.
 
Mahal ko naman si William, e. Hindi ko naman basta basta niloloko ang sarili ko. Isa pa, isang taon na kami. Hindi naman ako matigas na tao para hindi siya mahalin. Isa pa, gusto ko na siya kahit noong bago kami magsimula.
 
"Akin na si Skyros, Phamela. Magbihis ka na muna," tumayo ako para kunin ang baby.
 
Nanulis ang nguso ni Phamela, pero wala rin naman siyang nagawa kaya binigay niya na lang din sakin ang baby niya. Agad namang yumakap sakin si Skyros. I kissed his forehead as I walked around.
 
Sumilip kami sa pinto para tignan ang nasa labas. Wala naman, pero gusto ni Skyros na sumisilip dito na para bang hinihintay si Nikos na dumating.
 
I think iniisip niyang si Nikos ang dad niya. Okay na rin 'yon dahil at least, may father figure siya. Mukhang 'yon din naman ang gustong mangyari ni Nikos kaya hindi niya kailanman iniwan sina Phamela.
 
Alam kong busy si Nikos, pero pota. Anong ginagawa niya rito?! Akala ko busy siya?!
 
"Anong ginagawa mo rito?" Bungad ko dahil bigla siyang sumulpot.
 
"Hi, Sky!" Kinuha niya sakin si Skyros at ipinalit sa mga kamay ko ang pasalubong na dala niya. "I missed you!"
 
Sunod sunod naman ang hagikgik ni Skyros habang hinahalik halikan siya ni Nikos. Tulala ako sa lalaki dahil hindi ako makapaniwalang nandito siya!
 
Since second year college ako ngayon, third year na sila ni Phamela. Akalain mong naitawid ng kapatid ko? Well, matalino at masipag si Phamela. Kahit pagod, hands-on mom siya, at hindi pa rin nagpapahuli sa klase.
 
She's perfect. Ano pa bang hinahanap ng ex niya na wala sakanya noon?
 
"I finished my part early in our thesis that's why I'm here," sagot sakin ni Nikos.
 
Oh... kaya pala na-busy siya. Pero hindi kaya pangit ang kalabasan ng part niya dahil minadali niya? Not that I don't trust him, ha.
 
Tumango lang ako. Tinalikuran ko na sila para ihain ang pasalubong niyang pagkain. I can feel Nikos tailing me na parang aso ko or what.
 
Ngayon ko lang naisip ang itsura namin kanina. Buhat buhat ko si Skyros habng nakadungaw kami sa pinto at mistulang naghihintay kay Nikos umuwi! Napailing ako.
 
Wala sa kanilang lahat ang may alam na may boyfriend na ako. Hindi naman sa tinatago ko. Hindi ko lang gustong sabihin. Kung magtanong naman sila, sasagutin ko rin naman.
 
"Nasaan si Phamela?"
 
"Nagbibihis pa,"
 
Nang lingunin ko sila ni Sky, nakakandong na ito sakanya at nakasandal. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mata ng pamangkin ko. Kulay brown talaga 'yon. Kahit hindi naman nasisinagan ng araw, kitang kita ang pagiging color brown no'n.
 
"Dito ako matutulog. Sa room mo," Nikos said.
 
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi 'yon paalam dahil nag-desisyon na siya na sa kwarto ko matutulog! Sa kwarto ko! Which is hindi ko pwedeng hayaan kung doon din ako matutulog!
 
"Okay, kina Phamela ako," walang emosyon kong sagot.
 
"Okay lang. Sa comforter naman ako,"
 
I shook my head. "Sa kama ka na. Kay Phamela ako matutulog,"
 
Kung noon, okay lang naman sakin na sa kwarto ko siya matulog at kahit magkasama pa kami. Sa comforter naman siya, e. Pero iba na ngayon. I have a boyfriend. Hindi niya magugustuhan ang thought na may kasama akong lalaki sa kwarto ko.
 
William and I are not that physical, though. All we did was kiss and nothing else. But there are times na pakiramdam ko, gusto niya na, pero katulad pa rin noon, hindi ko maibigay dahil hindi pa ako handa.
 
Kailan ba ako magiging handa? Hindi ko rin alam.
 
Hindi ko naman na narinig pang tumutol si Nikos kaya nakampante ako.
 
Sa t'wing tinitignan ko siya, napapansin ko lagi na nagbabago ang itsura niya. Well, not literally, huh. I met him when he was eighteen, and now, he's twenty. I saw the physical changes in him.
 
Tuwing gano'n ay napapagtanto ko na... sabay kaming lumalaki. Sabay kaming nagkaka-edad at tumatanda.
 
Lumabas si Phamela at nagulat pa kay Nikos bago nakipag-asaran dito. Naupo naman ako sa single na sofa para makipag-text na lang kay William. Busy siya ngayon dahil marami siyang inaayos.
 
Madalas siyang mag-complain dahil hindi kami nakakapagkita most of the time. He's kinda needy or what. Well, he's just being clingy. I hate it, but I must accept that part of him. I love him, so I must accept it.
 
"Anyways, pupunta kami ni Mama kay Ate Twyla next month. So... I won't be around for two weeks, I guess?" Kwento ni Nikos kay Phamela.
 
Kilala ko sa mukha at pangalan ang ate ni Nikos dahil minsan niya nang pinakita ito sakin. Ang sabi niya, umalis daw ito ng bansa dahil ayaw makita ang ex nito na pinsan naman ng ex ni Phamela.
 
What's with the Riveras? Bakit sinasaktan nila ang mga babae sa buhay ni Nikos? Good thing hindi ako kasali ro'n.
 
I wouldn't dare to date any of them, though. Ayaw kong matulad kay Phamela na sobrang nasaktan nang mahalin niya ang Spiro na 'yon. I don't care kung mayaman sila and gwapo. Sigurado akong wala rin mabuting dulot ang iba pang mga Rivera do'n.
 
It runs in the blood, ika nga.
 
"Oh, Nikos," lumabas si tita mula sa kwarto nito. "Mabuti at dumalaw ka? Hindi ka na ba busy?"
 
Tumayo si Nikos at dala dala pa rin si Skyros. Nagmano ito kay tita. "Hindi na po busy lately, tita. May dala nga po pala akong dinner natin,"
 
Nabaling ang tingin ko kay Phamela na may kinakalkal na paper bag. I saw her eyes widen when she saw what was inside.
 
"Nikos? Bumili ka ng gatas and diaper ni Skyros?" Nag-angat ng tingin si Phamela kay Nikos.
 
Nikos shrugged. "Ilang araw din akong hindi nakapunta. He deserves it,"
 
Phamela pressed her lips together habang mataman na nakatingin kay Nikos. I don't see any problem with that. Well, I know Phamela. Ayaw niyang ginagastusan ni Nikos si Skyros dahil nahihiya na rin siya. That's why she's a working student para tustusan si Skyros.
 
"Alam mong hindi mo kailangan gawin 'to," Phamela said.
 
Nikos just nodded. "I know, but I want to,"
 
I rolled my eyes. Hindi naman papatalo si Nikos kahit anong gawin nito, e. He'll defend himself and will try to win any debate. Well, hindi naman sa pagmamayabang, pero minsan lang naman manalo sakin 'yan.
 
I smirked.
 
Since Nikos is no longer busy, lagi na ulit siya sa bahay. Hindi tuloy ako maka-tyempo na kausapin si William dahil nandito si Nikos. Madalas pa namang wala si Phamela kaya ako ang kinukulit ng lalaking 'yon.
 
"May lakad ka ba this weekend?" Tanong ni Nikos isang araw.
 
Tulog si Skyros sa crib nito habang nasa school naman si Phamela. Kakauwi ko lang and nasa living room para maggupit ng nails.
 
6 PM na and mamayang 9 PM pa ang uwi ni Phamela. Maagang napatulog si Skyros. Si Tita naman, overnight sa pabrika na pinapasukan nito. Kaming tatlo lang ngayon sa bahay kaya naman dito magpapalipas ng gabi si Nikos.
 
He's really a big help. We feel safe whenever he's here.
 
"Meron,"
 
Naisip ko ang date na pupuntahan namin ni William. Miss ko na siya! And I'm looking forward na makita siya para makalabas na kaming dalawa.
 
I smiled a little.
 
"Really? Saan punta mo? I can go with you."
 
Nag-angat ako ng tingin kay Nikos. Sasama siya sakin? Gusto kong matawa. He's not even aware kung saan ang punta ko. I'll have my date!
 
"Huh? Hindi na, Nikos," I looked away.
 
"Saan ba punta mo? Sinong kasama mo?" he curiously asked.
 
"Basta," inirapan ko siya. Dami niyang tanong, e!
 
Tumayo ako para maiwasan siya. Mabuti at tapos ko nang gupitin ang nails ko! Pwede ko nang buhatin si Skyros. Natatakot kasi ako baka masugatan ko siya or what.
 
Sinilip ko ang natutulog na baby namin. He's sleeping soundly. Napangisi ako. I want to carry him, but ayaw kong maistorbo ang tulog niya.
 
"Hey," kalabit sakin ni Nikos.
 
Iritado ko naman itong nilingon. "Ano?!" High blood ko agad na tanong.
 
Ngumuso siya bago may pinakita saking maliit na paper bag. Nagtaas ako ng kilay do'n.
 
"Aanhin ko naman 'yan?" Masungit kong tanong.
 
Inirapan niya 'ko. "Try mong kainin,"
 
"Aba, gago-"
 
"Just accept it! Nangangawit na 'ko. Masakit pa ang braso ko dahil galing akong gym bago umuwi rito," Reklamo niya.
 
Gusto ko siyang sipain sa betlog dahil sa kapal ng mukha niya. Ano ngayon kung masakit ang braso niya?
 
"Arte mo. Pilipitin ko pa 'yang braso mo, e," inirapan ko siya.
 
Hinablot ko ang maliit na box na 'yon. Nilabas ko ang laman no'n.
 
Natigilan ako nang may makita akong box do'n. Saglit akong tumingin kay Nikos na hindi halos makatingin sakin. I swallowed hard when I finally pulled the box out of the paper bag.
 
My jaw dropped when I saw the words that's embedded on the box in gold color.
 

Let our souls intertwine through the touch - Quenery Jewelers
 

From Quenery Jewelers... Gustong gusto ko 'yon!
 
"Nikos..."
 
"Buksan mo,"
 
Wala sa sariling binuksan ko 'yon. Napasinghap ako nang makita ko ang laman no'n.
 
Isa iyong bracelet. Gold bracelet 'yon na may diamond na kulay blue sa gitna. My eyes widened when I saw kung paano 'yon kuminang!
 
"A-ano..."
 
"My gift,"
 
Umangat ang tingin ko sakanya gamit ang nagtatanong kong mga mata.
 
"Gift? Hindi ko naman birthday," I swallowed hard.
 
"Hindi mo kailangang mag birthday para bigyan kita ng regalo," I caught him swallowing hard. "M-may sasabihin sana ako,"
 
Hindi ko alam pero unti unti akong nanlamig sa sinabi niya.
 
Alam kong imposible kaya inalis ko agad 'yon sa isip ko, pero hindi ko magawang hindi isipin 'yon!
 
Hindi, oo. Pero hindi ko pwedeng baliwalain 'yon.
 
He gave me this bracelet! Kaya na bayaran nito ang isang taong tuition fee ko! Why would he give me a gift like this? I can't... I don't understand.
 
"Ano?" I can feel the coldness in me.
 
He pressed his lips together. I can see him slightly shaking. He even licked his lips.
 
"Peach, gust-"
 
"A-ah, Nikos! A-ako rin. May... may sasabihin din ako,"
 
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Tang ina! Hindi ko gustong marinig 'yon! Hindi ko alam kung paano ko iiwasan! Mas mabuting unahan ko na siya!
 
"Really? Ano 'yon?" He looks curious for a moment.
 
Mariin akong napalunok. Nanlalamig ang mga kamay ko at nanlalambot ang mga binti ko.
 
"G-gusto ko lang sabihin sayong may boyfriend na 'ko. Wala lang. S-since parang k-kapatid na rin kita. Gusto kong malaman mong may boyfriend na 'ko. William ang name niya. 'Y-yon lang. Uh... a-ano na nga ulit yung sasabihin mo?"
 
 

LESSURSTORIES

Falling EmbersWhere stories live. Discover now