14

1.5K 30 9
                                    

CHAPTER 14


"G-GUSTO KO LANG sabihin sayong may boyfriend na 'ko. Wala lang. S-since parang k-kapatid na rin kita. Gusto kong malaman mong may boyfriend na 'ko. William ang name niya. 'Y-yon lang. Uh... a-ano na nga ulit yung sasabihin mo?"

Ilang segundong nakatanga sakin si Nikos at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kinailangan kong tumitig sa mga mata niya para makita niyang seryoso ako sa sinabi ko.

"B-boyfriend? May boyfriend ka?" he asked with a hoarse voice.

Palihim akong napalunok para kahit papaano ay maibsan ang panunuyo ng lalamunan ko. Tumango ako pagkatapos.

"Oo, may boyfriend ako. William name niya,"

Hindi maalis ang tingin niya sakin. I want to look away, but I must not.

"Kailan pa?" Namamaos pa rin ang boses niya.

There is this one specific emotion in his eyes that I can't name. Hindi ko na gustong alamin 'yon dahil ayaw ko nang isipin.

Hindi ito ang gusto kong way kung paano ko sasabihin na may boyfriend ako, pero naipit na 'ko! Ayaw kong ituloy ni Nikos ang kung ano mang sasabihin niya. Kahit pilit kong gawing tanga ang sarili ko, hindi ko naman kayang lokohin ang sarili ko ng gano'n.

"Isang taon na kami," casual kong sagot.

His jaw tightened. "Isang taon? Gano'n na kayo katagal? Bakit ngayon mo lang sinabi?" He arched his brow. "Are you kidding me?"

Namilog ang mga mata ko at agad na umiling dahil hindi naman talaga! Mukha lang hindi seryoso ang pagkakasabi ko dahil kinakabahan ako kanina at dahil gusto ko siyang unahan.

"Hindi! Bakit naman kita lolokohin?" Inirapan ko siya. "Naghahanap lang ako ng right timing."

Mataman siyang nakatingin sakin at parang nalito pa sa sinagot ko. Napaisip din tuloy ako kung may mali ba sa sinabi ko or what. Sa akin naman, wala. Ano pa kayang naiisip niya at nabubutasan?

"Right timing? You consider this... a right timing?" Then he glanced at the box na ngayon ay hawak hawak ko pa rin.

Napalunok ako. "Ngayon ko lang naalala. Nawala sa isip kong sabihin sainyo..."

I extended my arm para iabot sakanya ang box na hawak ko. Kahit gaano ko kagusto ito, hindi ko magawang tanggapin.

Kapag tinanggap ko ito, para ko na ring tinanggap... siya.

"Hindi ko matatanggap 'to, Nikos. M-masyadong mahal—"

Pumiksi siya. "Why? Hindi mo matanggap dahil kaya kang bilhan ng boyfriend mo n'yan? Oh, I wonder if he can afford it? Sino ba 'tong boyfriend mo? Kaklase mo ulit?" He arched his brow. "Do you think this time... masisindak ako?"

Nanuyo ang lalamunan ko. I know Nikos. He's irritating me most of the time, but he's never been this rude. He's rich, pero never niyang tinignan ang mga tao sa paligid niya na para bang mababa ang mga ito.

"Hindi ko kaklase..." 'yon na lang ang nasagot ko.

I know he's frustrated at ayaw ko nang dagdagan pa ang inis niya sakin.

He smirked. "So, ano? Niloloko mo lang ako? You don't really have a boyfriend? Ano bang trip no ngayong—"

"Nikos, magtuturo na siya sa ibang school, okay? Hindi kita niloloko. May boyfriend nga ako. In fact, siya ang... ang kikitain ko this weekend."

Nawala ang ngisi niya. In just a snap, nawala ang emosyon sa mukha niya at na-blanko 'yon.

I don't know why my heart hurts.

Falling EmbersWhere stories live. Discover now