29

1.8K 42 9
                                    

CHAPTER 29

                           I looked around first before I exhaled the smoke from my cigarette. Since naka-aircon ang buong building ni Nikos, kailangan ko pang buksan konti ang maliit na window malapit sa bookshelf ni Nikos dito sa office niya.

Yes, nasa office niya ako dahil mamayang gabi pa naman kami aalis. We both decided na pumasok muna sa umaga. He promised me na maaga rin kaming mag-oout.

Another one, secret lang itong paninigarilyo ko. Ang alam ni Nikos, I stopped smoking years ago. Well, tumigil naman talaga ako, e. Minsan na lang ito kapag medyo stress ako sa work or hindi kaya bored.

I even used my hand to fan the smoke away dahil lagot ako kapag nakita ako ni Nikos na naninigarilyo dito sa opisina niya! Wala kasi ang lalaking 'yon dahil pumunta siya sa screening ng mga bagong model. He wanted me to come with him, but I told him na dito na lang ako.

Para makapag cigarette, of course.

"Mamaya pa kaya 'yon? Umisa pa kaya ako?" I said as I glanced at the door.

Wala naman akong kausap, pero trip ko lang marinig ang boses ko.

Pakiramdam ko naman, mamaya pa 'yon si Nikos. I shrugged as I lit up the new stick of my cigarette. Kinakabahan ako sa ginagawa ko! Bibilisan ko na lang dahil baka bigla pang sumulpot ang lalaking 'yon dito. Mahirap na! Sermon na naman!

May kataasan ang building ni Nikos, pero kita ko pa rin naman ang mga kotse sa baba. Sunod sunod ang buga ko ng usok dahil sunod sunod ko rin 'yong ginagamit. Nang maubos 'yon, sinara ko na agad ang maliit na bintana bago tumakbo sa restroom nitong office ni Nikos.

I used my mouth wash para hindi niya 'ko maamoy! Nag candy na rin ako agad and nag-spray ng perfume dahil baka may iba siyang maamoy sakin o what.

Pabalik na 'ko sa sofa nang biglang bumukas ang pinto ng office ni Nikos at niluwa siya nito! Napaayos ako ng tayo nang makita ko siya.

"Nakakagulat ka naman—"

Natigilan ako nang makitang may kasama pala siya! And hell! Anong ginagawa ng babaeng 'yan dito? Bakit kasama siya ni Nikos?

Ngumiti sakin ang babae. "Good afternoon, Miss Peach," bati ni Jana.

Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag. Bahagyang namilog ang mga mata ko nang makita kung anong tatak ng paper bag na hawak niya!

La Rivera Parfums!

She really bought one for Nikos! Bigla akong nanlamig.

Nikos... invited her here? Paano kung... paano kung wala ako rito ngayon? Silang dalawa lang? Anong mga posibleng gawin nila kung silang dalawa lang?

Parang bumabaliktad ang sikmura ko sa tuwing naiisip ko ang mga posibilidad na gawin nila kung wala lang ako! Hell, mabuti na lang at nandito ako ngayon! Kahit sabihin sakin ni Nikos na lumabas ako ng office niya, hindi ako aalis!

"Peach," Nikos called me.

Iritado kong nilingon ang lalaki. Natigilan pa siya nang makitang naiirita ako ngayon! He should be! Why would he invite Jana here?! Ano? Type niya?

"Palalabasin mo 'ko?" I arched my brow. Ayaw ko nang magpaligoy ligoy siya! Sabihin niya sakin kung palalabasin niya 'ko para masabi ko rin agad na hindi ko susundin 'yon!

"What? Why would I? What I wanted to say is we're leaving in an hour para makapag pahinga ka pa,"

Nawala naman ang pagkakakunot ng noo ko dahil sa sinabi niya. Para akong nakahinga dahil sa sinagot niya sakin! Akala ko palalabasin niya 'ko para makapag usap sila ng modelo na ito.

Falling EmbersWhere stories live. Discover now