CHAPTER 1

112 6 0
                                    

Ayshelle's Point of View



"How could you do this to me, Marlon? I trusted you! But why did you do this to me? You cheated on me!" I shouted as I tearfully stared at the man standing in front of me.

"I didn't cheat, babe! Please, believe me!" He was about to grab my arm but I quickly avoided it.

"No! Stop lying to me! I saw it with my own eyes! You kissed her! You fucked her inside that room!" I pointed to the closed door of the VIP room of this club.

“No babe, wala akong alam! Inakit lang ako ng babaeng 'yon at—”

“Oh, alam mo naman pala na inaakit ka na! Pero nagpaakit ka pa rin! And worse pinatulan mo pa! Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mong pagtataksil sa akin?” Gamit ang aking nakakuyom na kamao ay mahina kong binayo ang dibdib ko kung saan banda ang puso ko. “Masakit banda rito, Marlon! Sinaktan mo ang damdamin ko! Dinurog mo ang puso ko! Winasak mo!” Mahina akong umiling-iling habang nakatingin sa kanya at patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata. “I can't take this anymore. Let's break up!”

Pero ganoon na lang ang paglaki ng mga mata ko nang bigla ako nitong niyakap ng sobrang higpit na halos hindi ko na ikahinga ng maayos.

“No babe! Don't say that! Alam mong mahal na mahal kita! Please pakinggan mo muna ang paliwanag ko! Maniwala ka hindi ko ginusto 'yon. Ikaw lang ang gusto kong sipingan at anakan!”

Para akong kinilabutan sa narinig, pakiramdam ko'y nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.

Damn! This fucking old man! Parang gusto ko na lang tadyakan!

Malakas kong binaklas ang mga braso nito sa pagkakayap sa akin at inis na tinulak na muntik na nitong ikatumba kundi lang nakakapit sa isang lalaking napadaan.

“I don't need your explanation! Magmula sa araw na 'to huwag ka nang magpakita pa sa akin! Ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo kahit kailan!” Mabilis na akong tumakbo papuntang exit nitong club.

“Babe! Babe, wait!” rinig kong pagtawag ni Marlon akin na agad na humabol.

No! Hindi niya ako puwedeng maabutan!

Mas binilisan ko ang pagtakbo, may mga nabangga pa akong tao pero hindi ko na binigyan pa ng pansin, basta tumakbo lang ako para makalabas sa loob ng maingay na club.

Pagkalabas ko ay napamura na lang ako nang wala ni isang sasakyan ang sumalubong sa akin.

“Fuck! Maaabutan na ako nito! Asan na ba ang bruhang 'yon?!” Hindi ko mapigilan ang inis na mapapadyak.

“Babe!”

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakalabas na rin si Marlon.

Shit!

Para akong nataratanta. Akmang tatawid na sana ako sa kabilang kalsada pero may itim na kotse na ang huminto sa harap ko at agad na bumaba ang bintana nito.

“Sakay na dali!” pagtawag sa akin ng kaibigan kong si Mia na dumungaw pa sa nakabukas na bintana ng sasakyan.

Mabilis naman akong lumapit at agad na binuksan ang pinto nito. Sakto namang pagpasok kaupo ko sa loob ng sasakyan ay dumating si Marlon, buti na lang ay mabilis kong na-locked ang pinto.

Para akong nakahinga ng maluwag. Thanks God, hindi ako naabutan.

Malapad akong napangiti at inis na binalingan ang kaibigan kong si Mia.

“Ba't ba ang tagal mong dumating! Muntik na akong maabutan ng matandang 'yun!”

“I'm sorry dear friend, may dinaanan pa kasi ako kaya late na. Pero ang mahalaga ay dumating pa rin naman ako, 'di ba?” Kumindat pa ito sa akin bago pinatakbo na ang kotse paalis ng club.

The Sugar Daddy Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon