CHAPTER 12

50 3 0
                                    

WHAT'S wrong with me? Bakit ganito? Hindi ako makagalaw kahit anong pilit ko, parang binabanat ang mga braso ko at katawan na tila ba ako nakatali?

Bigla akong napasinghap sa gulat nang may malamig na tubig ang tumapon sa mukha ko. Napamulat ako at tuluyan nang nagising mula sa aking pagkakatulog.

Nanlaki na lang bigla ang mga mata ko nang makitang nakatali nga ako habang nakatayo, hindi ako nananaginip lang dahil totoong nakataas ang mga kamay ko at nakaposas sa nakabalagbag na bakal sa bandang uluhan ko. Nang mapatingin ako sa paligid ay tila ako nasa isang bodega dahil puro mga patong-patong na kahon ang nakikita ko sa paligid. Hanggang sa biglang nagtama mga mata namin ng lalaking may Brown Russian Eyes na ngayo'y nakatayo sa harap ko, mga isang dipa ang layo nito mula sa akin. My piercing sa kaliwang kilay at may tattoo ng sa gilid ng kanya leeg na hindi ko naman makita ng maayos dahil nakaharap siya sa akin.

“S-Sino ka? At bakit ako nandito? Anong ginawa mo sa akin? Pakawalan mo ako!” Nagpumiglas na ako. Pero dahil nakaposas ang mga kamay ko sa taas ay nasaktan lang ako sa aking marahas na pagpupumiglas.

Marahan namang lumapit sa akin ang lalaki habang nanatiling blangko ang expression. Nang huminto ito sa harap ko ay napasinghap na lang ako sa gulat nang bigla nitong hinawakan nang marahas ang buhok ko at hinila pababa, dahilan para mapatingala ako at mapangiwi sa sakit.

“I already told you, gagawin kong impyerno ang buhay mo sa susunod nating pagkikita. And here we are; we met again.”

Bahagya nanlaki ang mga mata ko sa narinig. So ibig sabihin ay tama nga ako ng hinala; ito ang lalaking nasa Japan na nagbanta sa akin.

“Sino ka ba para kidnapin ako?! Ano bang kasalanan ko sa 'yo, ha?!” sigaw ko habang napapangiwi sa sakit at bahagyang nakatingala gawa ng kanyang paghablot sa buhok ko. Sa sobrang higpit ng kanyang pagsabunot, pakiramdam ko ay madadala na ang anit ko.

“Ikaw wala, pero 'yung lalaking 'yung Morozov na 'yun, meron; Malaki ang atraso sa akin ng hayop na 'yun. At dahil ikaw ang kinahuhumalingan niya ngayon, puwes ikaw na lang ang magbabayad ng kanyang mga kasalanan sa akin. Gagawin kong impyerno ang buhay mo!” Napapikit na lang ako nang diinan nito ang paghila sa buhok ko.

Shit. Ang sakit!

“At bakit ako ang pinagbabayad mo sa kasalanan niya?! Bakit hindi siya ang singilin mo?! Napakaduwag mo naman at ako pa ang gusto mong pagbayarin, palibahasa babae ako at madali mo lang magawa ang gusto mo! Takot ka pala kay Cole, eh! You loser!” Hindi ko na napigilan ang sarili kong bibig. Huli na para bawiin ang aking binitawang salita.

Hanggang sa napangiwi na lang ako nang mariin nitong hinawakan ang panga ko at gigil na pinisil na siyang muli kong kinamulat at kinatingin dito. Muling nagtagpo ang aming mga tingin. Parang robot ang kanyang expression, wala akong makitang emosyon maliban sa kanyang mga mata na tila puno ng galit. Seryoso rin naman si Cole, pero at least 'yun ay marunong ngumisi at paminsan-minsan ay ngumingiti. Pero ang lalaking 'to ay masasabi kong iba, parang pinagkaitan ng salitang ngiti. At kung gaano kaguwapo si Cole ay ganoon din naman ang lalaking 'to; mula sa ilong, mata, labi at hubog ng mukha ay masasabi kong perfect. Pero alam kong may pagkademonyo ang isip nito at nagawa akong kidnapin.

“Hindi ako natatakot sa hayop na Morozov na 'yun. Kaya ikaw ang gusto kong pagbayarin sa kasalanan niya, para maramdaman niya ang naramdaman ko nung…” He paused and stared at me, into my eyes. “Nevermind. I will just kill you, tingnan na lang natin kung ano ang mangyayari.” Marahas na nitong binitiwan ang buhok ko at paghawak sa panga ko, bago binunot ang kanyang nakasuksok na baril sa kanyang likod at iyon ay kanyang kinasa.

Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na nabahala, kung kaya marahas akong umiling. “N-No, please don't kill me! He's just my sugar daddy, hindi niya ako girlfriend o ano man. I'm just his toy; libangan niya lang ako. Kaya kahit patayin mo pa ako ay magiging balewala lang sa kanya!”

The Sugar Daddy Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon