CHAPTER 7

57 5 0
                                    

“One.” He started counting, dahilan para mabahala ako. Hindi ko mapigilan ang mapakagat sa aking labi at mapasimagot.

Oh Lord, please, tama na ang isang beses na pagkuha sa pagkababae ko ng sindikatong 'to. Ayokong laspagin niya! Shit.

“Two.”

Wala na akong nagawa kundi lumabas sa takot na baka mas lalo siyang magalit dahil sa pagtago ko. Ang tanga ko lang at talagang sa ilalim pa ng kama. Nakakainis!

“I was just playing hide and seek, babe!” pagbungisngis ko matapos gumulong palabas ng kama at mabilis na tumayo. Ang I gave him a thumbs-up. “Ang galing mo, nalaman mo agad kung saan ako nagtatago—aw!” Napatili na lang ako sa kanyang malakas na paghila sa akin na siyang kinaupo ko sa kanyang mga hita.

“Kahit saang sulok ka pa ng mundo magtago, asahan mong mahahanap at mahahanap pa rin kita. So you better stop hiding from me again. Do you understand?” he whispered dangerously.

Napalunok naman ako at tumango na lang sabay lunok; na-tense ako bigla sa pagdikit ng kanyang labi sa puno ng tainga ko. Shit lang. Nakakakiliti na parang iwan!

“So, should we start now?” his husky voice whispered again. And I gasped when he lowered his kiss to my neck.

Pakiramdam ko ay nanindig ang mga balahibo ko sa pagdampi ng kanyang labi sa leeg ko. Oh my god, inumpisahan na niyang halikan ang leeg ko! Ito na ba 'yun? Lalaspagin na niya ako? No! Hindi ito puwede! Kailangan kong umisip ng ibang paraan!

“S-Sandali lang!” Mabilis akong umalis sa kanyang hita at tumayo. Ngumiti ako sa kanya nang pilit. “Sasayawan muna kita p-para ganahan ka!” nasabi ko na lang bigla sa pagkataranta ko.

Tumaas naman ang sulok ng labi ni Cole. “My pleasure, babe, go ahead; dance for me.” Dinampot na nito ang glass sa may bedside table at mahinang inalog-alog ang laman na wine bago sumimsim ng konti.

Napalunok ako sa kaba.

Tama, mas maganda siguro kong lilibangin ko na lang ang sindikatong 'to hanggang sa makatulog. O kung hindi naman siya antukin sa balak kong paglibang sa kanya, mas maganda kung ma-turn-off na lang siya sa akin para hindi na niya maisipan pang gamitin ang katawan ko at maghanap na lang ng ibang babae na naaayon sa kanyang panlasa.

Kaya naman mabilis kong ginulo ang buhok ko kahit basang-basa pa.

And then, I dance like a psychopath. Pero sa unang pagsayaw ko ay nagkataon naman sumimsim si Cole ng wine kaya bigla na lang itong napaubo na tila nabulunan bigla dahil sa sayaw ko.

Lihim naman akong napahalakhak. Sige lang, ma-turn-off ka.

“Ang galing ko 'di ba, babe?” kumindat pa ako at mas pinalakas ang pag-indak ng katawan ko.

This is it; konting push na lang at matu-turn-off din sa akin ang lalaking 'to.

Pero kahit sumasayaw ako ay hindi ko mapigilang pagmasdan ang kanyang katawan. Shit. Ang hot niya pala lalo na kapag nakatapis lang ng puting tuwalya katulad ngayon, talagang tumutulo pa ang konting tubig sa kanyang basang buhok.

Pinagpatuloy ko lang ang pagsayaw ko habang nakangiti ng malaki— na kasing laki ng ngiti ni joker.

Cole's lips parted, tuluyan nang umawang ang labi nito sa akin matapos umubo, pinanood na ako sa aking pagsaway na parang baliw kahit walang music; Basta gumawa na lang ako ng sarili kong music gamit ang aking bibig habang umiindak.

Pero 'di nagtagal ay sumilay na ang munting ngiti sa labi ni Cole na para bang pinipigilan na ang matawa. Marahan na nitong inalog-alog ang hawak na wine bago sumimsim ng konti habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

The Sugar Daddy Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon