PAGABI na, nakabuhay na ang mga streetlights sa bawat highway pero hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo ang sasakyan. Wala na kami ng Makati, kung hindi ako nagkakamali ay nasa Tagaytay na kami. Hindi ko alam kung saan ba ako talaga dadalhin ng Oliver na 'to, ayoko nang magtanong pa dahil hindi rin naman niya sasabihin sa akin, at baka iputok na lang niya sa akin bigla ang baril niya kapag nainis siya sa akin, kaya pinili ko na lang manahimik kahit kinakain na ako ng takot at kaba sa isipin na baka papatayin na niya nga ako.
And after a long drive, the car finally stopped. Pero hindi ko mapigilan ang magtaka nang makitang pumasok kami sa isang beach resort at huminto kung saan may mga taong nakaupo na tila ba may hinihintay, at lahat sila ay naka-suit. Puro mga lalaki lahat, wala akong makita ni isang babae. Nahahati naman sa dalawa ang pwesto ng mga upuan, at sa pinakagitna ay nakalatag ang red carpet, sa pinakadulo ng red carpet ay parang may pinto na nakatayo at napapalibutan ng mga magagandang bulaklak. Parang may ikakasal kung hindi ako nagkakamali, nakabuhay ang mga ilaw sa paligid kaya maliwanag kahit gabi na. Nang marinig ng mga taong nakaupo ang paghinto ng sinasakyan namin sa kanilang likuran, lahat sila ay napalingon sa amin, at napangiti nang makita ang sasakyan na para bang sinasabi ng kanilang mga ngiti na sa wakas ay dumating na rin ang kanilang hinihintay. May apat na lalaki ang mabilis na tumayo, lumapit ang dalawa sa dalawang nakatayo na camera, habang ang dalawa naman ay mayroon mismong nakasabit na camera sa leeg at agad na tinutok sa sinasakyan namin, tila kinunan ng picture.
“B-Bakit tayo narito?” utal kong tanong kay Oliver na may pagtataka habang nakatingin pa rin sa labas. Tanaw na tanaw ang hampas ng maliit na alon sa puting buhangin.
“Fix yourself. Let's get married.”
Nanlaki ang mga mata ko at agad na napabaling ang tingin sa kanya. “What?! Teka, anong ibig mong sabihin?”
But I just caught my breath when he violently grabbed my neck and pulled me closer to him.
“Huwag mong isipin na pakakasalan kita dahil gusto kita. This is just a fake marriage; I just need to get something from Dad, at makukuha ko lang 'yun kapag nakita niyang nakasal na ako. Kaya pasalamat ka dahil mapapakinabangan pa kita kahit papaano, magiging ligtas pa rin ang buhay mo sa akin. Bibigyan na lang kita ng isang buwan para mapaibig mo ang Morozov na 'yun. Dapat sa loob ng isang buwan ay mababaliw na siya sa 'yo, dahil kung hindi…” He paused and looked me in the eye. “I'll take your life.”
I just swallowed in fear. Hanggang sa marahas na niyang binitiwan ang batok ko at umayos na ng upo, inayos na rin ang kanyang nagusot na tuxedo.
“Oras na lumabas ka ng sasakyan na 'to, pilitin mong ngumiti kahit ayaw mo. Do you understand?”
Napilitan akong tumango. “N-Naintindihan ko.”
Tumingin na lang ako sa rear view mirror ng sasakyan para ayusin ang sarili ko. Pinunasan ko na lang ng aking kamay ang luha sa pisngi ko, nang abutan naman niya ako ng panyo. Pero nang tumingin ako sa kanya ay nasa labas ang kanyang tingin na napakaseryoso pa rin. Tinanggap ko na lang ang ang kanyang panyo at pinunasan ang pisngi ko gamit nito. Pero pagkatapos kong punasan ang pisngi ko ay patapon naman niyang inihagis sa lap ko ang isang maliit na paper bag.
“Gamitin mo para magmukha kang tao,” he said without looking at me.
Nang buksan ko ay naglalaman ng face powder at lipstick.
Pero nang ma-realize ang kanyang sinabi ay hindi ko mapigilan ang mapasimagot. Ano raw? Para magmukha akong tao? At ano naman ang tingin niya sa akin, mukhang halimaw? Sabagay, isa nga rin palang demonyo ang tingin ko sa kanya.
“How about you? Wala ka bang gagamitin sa mukha mo? Para naman kahit papaano matakpan ang pagiging demonyo mo,” I said sarcastically, I couldn't help it.
BINABASA MO ANG
The Sugar Daddy Mafia Boss
General FictionAyshelle Santillan is a 20-year-old college student. Trabaho niya ang mang-akit ng mga mayayamang negosyante tuwing weeknights. Wala siyang pakialam kung matanda man o pangit, basta mayaman ay agad niyang pinapatulan para lang perahan at nang sa gan...