CHAPTER 11

77 3 0
                                    

MATAPOS ang siyam na araw na pananatili namin ni Cole sa Japan ay umuwi na kami ng Pilipinas sakay pa rin ang kanyang superyacht at kasama ang kanyang mga tauhan. Nang makarating ng Pilipinas ay agad niya akong inihatid sa bahay namin, at hindi ko inaasahan na may pagsalubong pala siya sa dalawa kong kapatid; watch sa kapatid kong si Jordan, at necklace naman kay Aya. Niregaluhan ko naman ang kaibigan kong si Mia ng bracelet, kaya tuwang-tuwa naman ito.

Ngayon ay nakahiga na ako sa loob ng aking kuwarto habang nakatitig sa kisame. Iniisip ko na naman ang university na pinapasukan ko, Monday na bukas at may pasok na naman, pero hindi ko alam kung paano ako papasok ngayong alam kong expelled na ako sa university na 'yun. Nakakainis lang talaga.

“Oh, ba't parang ang lalim naman yata ng iniisip mo, friend? Si Mr. Syndicate ba 'yan?” pilyong tanong sa akin ni Mia habang nakaupo sa harap ng dressing mirror at kasalukuyang sinusuklay ang kanyang buhok.

“Iniisip ko kasi kung papasok ba ako ng diretso sa school bukas or isasama ko pa si Cole.”

Biglang napatawa si Mia sa sagot ko.

“Wow ha, akala ko ba takot ka sa kanya at ayaw na ayaw mo dahil isa siyang sindikato? Pero bakit ngayon parang umiiba na yata ang ihip ng hangin? Teka lang, don't tell me in love ka na sa kanya porke't dinala ka sa Japan?”

Napaikot na naman ang mata ko. “Ano ka ba, hindi 'no. Alam mong sa pera lang ako in love.”

“Oh, eh bakit gusto mo pang isama si Mr. Syndicate sa school?”

“Nothing, huwag mo na lang itanong. May dahilan lang ako kung bakit gusto ko siyang isama.”

Napanguso si Mia at tumayo na ito bago sumampa sa kama. “Sus, ang sabihin mo in love ka na. And oo nga pala, hindi ka pa nagkukwento, beshy. So kumusta naman ang pananatili mo sa Japan? Masaya ba? Maganda naman ba sa bansang 'yun? Sobrang lamig ba?”

“Well, nag-enjoy naman ako.” I shrugged. “Pero alam mo, nakakatakot ang mga pangyayari.”

“Anong klaseng pangyayari naman?” Mia asked curiously.

“May lalaki kasing nakamaskara at tinutukan ako ng baril, at hindi lang 'yun dahil pinagbantaan pa ako.”

“What?!” Nanlaki ang mga mata ni Mia sa akin. “At sinong gago naman 'yun? Hindi ka ba pinagtanggol ni Mr. Syndicate?!”

I let out a tired exhale. “Paano niya naman ako ipagtanggol? Eh hindi naman niya alam, I didn't tell him.”

“Ano ka ba, dapat sinabi mo sa kanya!”

“For what? Para magbarilan silang dalawa? Mamaya mataan pa ako, siguradong patay ako, 'no.”

“Sabagay, may point ka. Pero bakit ka naman niya tinutukan ng baril? May ginawa ka ba na ikinagalit niya?”

“Wala. Pero tingin ko, kalaban siya ni Cole.”

“Gwapo ba?” Mia smiled.

“Tsk. Tigil-tigilan mo nga ako, Mia. Puro ka na lang gwapo, alam mong naka-mask 'yun kaya paano ko naman malalaman? At ipagpalagay nang gwapo nga ang lalaking 'yun, pero ano naman ngayon? He's dangerous. Kahit gaano pa siya kaguwapo ay walang talab sa akin lalo na 'pag alam kong isang mapanganib na sindikato.”

Mia frowned. “Sabagay tama ka. Marami pa rin naman na mga guwapo sa mundo at mga matitino, hindi sindikato. Dapat sila ang makatuluyan natin, mas maganda kung CEO ng isang malaking kumpanya. Ano sa tingin mo?”

Napailing na lang ako. “Matulog na nga tayo, may klase pa bukas.”

Pumikit na ako at pinilit na makatulog.

The Sugar Daddy Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon