CHAPTER 18

67 2 1
                                    




NAGISING akong mag-isa na lang sa loob ng kuwarto, at para akong binugbog dahil sa sobrang pagod. Nang bumaba ako ng kama ay muntik pa akong matumba dahil sa panghihina; parang nawalan ng buto ang mga tuhod ko, at ang sakit din ng pagkababae ko, ramdam ko ang pagkirot nito. Napatitig pa ako sa bahid ng dugo sa puting bedsheet, tanda na naibigay ko na nga ang pagkababae ko.

Ang iniingatan kong pagkababae na para lang sana sa magiging asawa ko ay wala na. Oo, naibigay ko nga sa asawa ko pero sa fake husband naman at masama pa ang pag-uugali, sindikato pa. Pero hindi na rin masama, kung tutuusin ay swerte ko na rin dahil one billion naman ang kapalit, 'yun ay kung babayaran nga niya ako tulad ng pangako niya. Pero aminin ko man o hindi, nag-enjoy ako sa nangyari sa amin. Hindi ko alam na gano'n pala ang pakiramdam kapag may ka-sex; ang sarap sa pakiramdam, talagang nakakablanko nga ng isip, nakakabaliw, saka ka lang matatauhan at babalik sa katinuan kapag tapos na. And Oliver is so wild, talagang expert na expert dahil halos lahat yata ng position na alam niya ay ginawa namin. Hindi ko lang talaga inaasahan na seseryosohin niya ang sinabi kong one billion kahit ang pagkakaalam niya ay laspag na ako ng mga matatanda na sinasabi niya. Hindi ko naman naikwento sa kanya ang trabaho ko, pero mukhang pina-background check niya ako dahil alam niyang pineperahan ko ang mga matatandang mayaman.

Kahit hinang-hina ay pinilit ko pa rin pumasok ng bathroom at naligo. Nang umihi ako ay hindi ko mapigilan ang mapangiwi dahil sa hapdi ng loob ng pagkababae ko, tila nagkasugat yata ng malala sa loob. Ikaw ba naman buong magdamag na hindi tantanan, magkakasugat talaga lalo na't mahaba ang pumasok at napakalaki, tapos virgin pa ang pinasok. Shit. Hindi ko akalain na gano'n siya kalaki, na kahit siya mismo ay nahirapan sa unang pasok. Buti na lang ay kinaya ko pa rin ang laki niya, akala ko ay hihimatayin ako nung una.

Saktong paglabas ko ng bathroom ay tumunog ang doorbell nang sunod-sunod. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa akin ang pokerface na mukha ng babae.

“Bingi ka ba? Mula kanina pa ako nagdo-doorbell pero ang tagal mong buksan,” agad nitong reklamo sa akin na tila inis na inis na.

“Oh I'm sorry, nasa loob kasi ako ng bathroom naliligo kaya hindi ko narinig. Ano bang kailangan mo? Where's your boss Oliver?”

Pero imbes na sagutin nito ang tanong ko ay basta na lang binitiwan ang bitbit na mga paper bags sa harap ko.

“Magbihis ka na at lumabas pagkatapos,” inis nitong sabi sa akin bago umalis.

Napasimangot naman ako at pinasok na lang ang mga paper bags sa loob ng kuwarto bago muling sinara ang pinto.

Nang buksan ko ang mga paper bags ay naglalaman ng mga branded na kasuotan, may dress, simpleng t-shirt, pants, sandals, panty at bra. At lahat ay size ko, kaya naman kasyang-kasya sa akin.

Isang yellow dress ang napili kong isuot at white sandals na one inch lang ang taas. At dahil wala naman akong mahanap na mga makeup ay sinuklay ko na lang ang buhok ko, at matapos magsuklay ay lumabas na ako ng room.

Hindi ko alam kung saan na ako dapat pumunta, pero since 'yung lobby lang ang alam ko ay doon na lang ako dumiretso. May mga armadong kalalakihan pa akong nadaanan pero hindi naman ako pinansin at mabilis lang tumabi nang dumaan ako.

Pagdating ko sa lobby ay agad ay bumungad sa akin ang maraming kahon na nakabukas at naglalaman ng iba't ibang klase ng baril, may mga kalalakihan din ang nakatayo at tila nagche-check ng bawat laman ng kahon. Nagulat naman ako sa nabungaran, napakaraming baril. Pero agad na napalingon sa akin ang mga lalaki nang marinig ako.

“Where's Oliver?” tanong ko sa kanila.

Pero nagkatinginan silang lahat na para bang tinatanong nila ang bawat isa sa pamamagitan ng tingin kung nasaan na ang boss nila.

The Sugar Daddy Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon