CHAPTER 2

79 4 0
                                    


MATAPOS maglagay ng make up ay tumayo na ako at pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin. Umikot-ikot pa ako kung okay na ba. Napangiti ako nang makitang bumagay naman sa akin ang outfit kong backless dress na kulay gold; kumikinang-kinang pa. Pinarisan ko lang ito ng three inches red stiletto heels.

“How do I look?”

“You look good, Ate,” sagot ng bunso kong kapatid na si Aya habang nakasandal sa headboard ng kama at pinapanood lang ako. “Saan pala ang lakad mo ngayon, Ate? Puwede ba akong sumama?”

“Oh, I'm sorry, Bunso. Importante ang lakad ni Ate ngayon, eh.”

Pansin ko ang pagsimangot ng kapatid ko. Agad itong nahiga at nagtalukbong ng kumot. Napabuntong hininga naman ako at nilapitan ito. Naupo ako sa gilid ng kama.

“Pero hayaan mo, ngayong susunod na weekend ay ipapasyal kita sa magagandang lugar, kaya huwag ka nang malungkot pa. Okay?”

Sumilip naman ito mula sa ilalim ng kumot. “Promise?”

“Cross my heart, promise na promise. Ipapasyal kita kahit saan mo gusto.”

Sa sinabi ko ay napalitan na ng ngiti ang pagsimangot ng kapatid ko.

“Sige, Ate, mag-iingat ka. Huwag mong kalimutang bilhan ako ng corn dog bago ka umuwi, ha?

I smiled and nodded at her. “Sure, Bunso. Corn dog lang pala, eh. Ilan ba ang gusto mo?”

“Gawin mo nang sampo, Ate. Bibigyan ko rin si Nana at Kuya.”

“Okay, no problem.” Bahagya ko pang ginulo-gulo ang buhok nito bago ako tumayo. “Aalis na si Ate, magpakabait ka kay Nana mo, ha?

“Okay po, Ate. Ingat po.”

“I will, bunso. Don't wait for me, matulog ka na. Baka bukas pa ang uwi ko.”

Nang mapatingin ako sa wristwatch kong suot ay 5:35 PM na, tamang-tama lang ang oras. Paglabas ko sa gate ng bahay namin ay sakto namang paghinto ng isang white car at ang pagbaba ng bintana nito.

“Get in, Miss Beautiful!” pagkindat sa akin ng kaibigan ko mula sa loob ng kotse.

Nakangiti ko namang binuksan ang pinto ng sasakyan at pumasok sa loob.

Makalipas ang ilang minutong biyahe ay huminto na ang sinasakyan namin sa parking lot ng isang magarang apartment.

“What are we doing here?” kunot-noo kong tanong sa kaibigan ko at agad na napasilip sa labas.

“Kay Faye tayo pupunta, 'di ba? So here we are.”

“So, you mean . . . dito na nakatira ang bruhang 'yun ngayon?!”

“Yes. Nagulat nga din ako, eh. Mas sosyal na sa atin ang bruha. Akalain mong afford agad ang ganito kamahal na apartment. Well, baka may big-time na nahuthutan ng bonggang-bongga.”

Napaawang ang labi ko at napatingala sa mataas na building. Damn! This is my dream apartment. Ito lang naman ang Isa sa pinaka-luxury na apartment dito sa Pilipinas.

“Ang suwerte naman pala ng Faye na 'yun!”

“Sinabi mo pa! Baka 'yung ibibigay niya sa atin ay sobrang big time nga! Kaya tara na baka magbago pa ang isip ng bruhang 'yun.”

Bumaba na kami ni Mia sa kotse at pumasok ng building, hinanapan pa kami ng ID ng dalawang security guards sa entrance bago kami pinapasok, buti na lang ay dala namin ni Mia ang ID namin.

“Pasok, bitches!” taas kilay na sabi ni Faye nang pagbuksan kami ng pinto. Parang katatapos lang nito naligo dahil naka-bathrobe lang at nakabalot pa ng puting tuwalya ang buhok.

The Sugar Daddy Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon