PARANG ayaw nang mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin. I'm so happy. Ganito pala kapag ikakasal na, napakasaya. Hindi ko inaasahan na totoong saya ang maramdaman ko ngayon, eh kasi hindi naman talaga ako sincere nang tanggapin ko ang alok na kasal ni Cole. Pero ngayon, masasabi kong totoo na sa puso ko ang balak kong pagpapakasal sa kanya. Bahala na kung ano ang mangyayari, basta magpapakasal ako.
“So paano ba 'yan, magkakaroon ka na ng asawa na isang sindikato,” ngising sabi ni Mia habang nakatayo sa likuran ko, suot na rin nito ang kanyang pink gown, dahil nga pink ang gusto kong theme ng kasal.
Inimbitahan ko rin na lahat ng mga kaibigan ko pero nauna na sila sa simbahan at ng dalawa kong kapatid, kami lang ni Mia ang natira dito sa bahay dahil si Mia ang nag-ayos sa akin. Hindi na ako kumuha pa ng makeup artist dahil magaling naman si Mia.
“Wala akong pakialam kahit sindikato pa siya. Ang mahalaga ay trinatrato niya pa rin naman ako ng maayos at sinusunod ang mga gusto ko. Kaya magpapakasal pa rin ako sa kanya kahit siya na ang pinakamasamang tao sa mundo, at least, sa akin mabait siya,” nakangiti kong sagot kay Mia at bahagya pang sinilip ang likod ko sa salamin. Talagang hapit na hapit sa akin ang gown, napakaganda.
“Wow ha, ang yabang. Okay fine, congrats. Basta kapag sinaktan ka niya, lalasunin na lang natin para may laban tayo, kasi hindi natin kakayanin ang kanyang sandamakmak na mga tauhan,” Mia joked. “Oh siya tara na, baka ma-late na tayo.”
“Bakit anong oras na ba?”
“Seventeen minutes na lang at 03:00 PM na. Ang layo pa kaya ng simbahan nula rito, baka abutin tayo ng twenty minutes sa biyahe. Kawawa naman ang groom mo kung paghihintayin mo ng matagal.”
“Pero naroon na kaya si Cole?”
“Ano ka ba, I'm sure papunta na 'yun or baka naghihintay na mula pa kanina.”
“Teka sandali, tawagan ko muna.” Mabilis kong inabot ang phone ko sa ibabaw ng kama. Napailing na lang si Mia sa akin.
Halos patapos na ang pag-ring bago sinagot ng kabilang linya ang tawag ko.
“Babe, tapos na akong mag-ayos. Nasaan ka na? Nasa simbahan ka na ba?” bungad kong tanong sa medyo excited na boses.
“I'm on my way, babe.”
Napangiti ako. “Sige, papunta na kami. Ingat, babe. Muah!” Napahagikhik na lang ako nang ibaba ko ang phone. Napasatsat na lang sa akin si Mia at tinulungan na ako sa paghawak sa dulo ng gown ko.
Paglabas namin ng gate ay nakaabang na ang bridal car na isang white limousine kung saan tauhan din ni Cole ang driver. Agad nitong binuksan ang pinto para sa amin ni Mia. Nang tumakbo na ang limo ay may sumunod naman dalawang black car sa hulihan namin na mga tauhan din ni Cole para magsilbing bodyguards sa amin ni Mia.
“Beshy, kapag pala naikasal na kayo ni Cole, saan ka na titira?” tanong ni Mia habang nasa biyahe kami.
Saglit naman akong napaisip, pero agad din napangiti. “Well, I'm not sure. Pero bahala na, saka ko na pag-iisipan kapag mag-asawa na kami.”
“Kung gano'n, sa akin na lang bahay mo.”
“Aba, sinusuwerte ka naman yata, bruha. Talagang bahay ko pa ang target mo!” paghampas ko sa balikat ng kaibigan ko. Napatawa na lang kami pareho.
Makalipas ang mahigit twenty minutes ay nang sa wakas huminto na rin ang sinasakyan naming Limo sa harap ng malaking simbahan. Agad akong napasilip sa labas, marami ng mga sasakyan ang naka-park pero halos kilala ko lahat dahil mga sasakyan lang naman ng mga kaibigan ko na siyang inimbitahan ko para dumalo sa kasal ko. Pero hindi ko makita ang sasakyan ni Cole.
BINABASA MO ANG
The Sugar Daddy Mafia Boss
General FictionAyshelle Santillan is a 20-year-old college student. Trabaho niya ang mang-akit ng mga mayayamang negosyante tuwing weeknights. Wala siyang pakialam kung matanda man o pangit, basta mayaman ay agad niyang pinapatulan para lang perahan at nang sa gan...