CHAPTER 5

71 4 0
                                    


INABOT ng mahigit anim na oras na paghakot bago namin nailipat ni Mia lahat ng kanyang mga gamit sa bahay ko. Parehong nanakit ang buo naming katawan dahil sa kakabuhat ng kanyang mga mabibigat na gamit. Kaya naman matapos mahakot lahat ay pareho kaming napahiga na lang dito sa kama ko at napatulala sa kisame nang hapong-hapo.

“Beshy, sure ka ba talaga na patitirahin mo ako rito sa bahay mo ng libre?” tanong ni Mia habang habol pa ang hininga.

“Of course yes, kaysa naman madamay ka at baka kung ano pa ang gawin sa 'yo ng mga sindikato na 'yun. Mamaya kasi ay baka balikan ka pa kanila, maging kawawa ka pa 'pag nagkataon. At sigurado akong ilalaglag mo ako oras na tanungin ka nila kung saan ako nakatira. So mas mabuti na ang advance kaysa sorry.”

Mia sighed. “Kasalanan talaga 'to ng bruhang Faye na 'yun. Talagang gusto tayo ipahamak, kaya pala pinamigay niya ng gano'n na lang kadali kahit alam niyang mayaman, eh malaking sindikato pala. My gosh, kinikilabutan ako kahit na sabihing guwapo't mayaman pa 'yung sindikatong 'yun!” Napayakap pa si Mia sa kanyang sarili na akala mo'y nilamig.

“Puntahan natin sa kanyang suite mamaya after dinner para maturuan ng mabisang leksyon ang Faye na 'yun.” Napabuntong hininga na lang ako at yumakap sa malambot na unan.

Dahil sa pagod ay tuluyan na kaming nakatulog ni Mia. Naalimpungatan lang ako nang bulabugin ako ng kapatid kong lalaki na si Jordan.

“Ate, bangon na kakain na tayo; nakapagluto na ako!”

“Sige, susunod ako...” inaantok kong sagot nang nakapikit at kinapa ang phone ko nang marinig ang pagtunog nito.

“Bilisan mo, naroon na ang kaibigan mo kumakain na.”

“Hmm... sige.”

Lumabas na ulit ang kapatid ko.

Kahit inaantok pa ay bahagya ko namang minulat ang mata ko para makita kung sino ang nag-text. Pero bigla na lang akong napabalikwas ng bangon nang makita kung anong klaseng text message ang dumating.

I was shocked.

No way. Is this a dream?!

“T-Ten million?” My lips parted for a moment. Hanggang sa malakas na akong napatili sa sobrang tuwa. “Oh my goodness! I'm a fucking millionaire now! Yahoo!” I shouted. Napatalon-talon na ako sa ibabaw ng kama dahil sa labis na saya.

Bumukas naman ang pinto at humahangos na pumasok ang kapatid kong si Jordan at kaibigan kong si Mia.

“What happened, beshy?!”

“What's the problem, ate? Bakit ka ba sumisigaw?”

Mabilis ko namang itinaas ang kamay kong may hawak na phone at pinakita sa kanila ang text message na dumating.

“Look, guys, hindi kayo maniniwa rito, may nag-send lang naman ng sampung milyon sa account ko! I'm rich now! Milyonarya na ako!”

Nanlaki naman ang mga mata ng kaibigan ko, hanggang sa bigla na lang itong napatalon papunta sa akin. “Oh my goodness, beshy! Congratulations!” Napayakap na kami sa isa't isa at sabay na napatili bago napatalon-talon na sa ibabaw ng kama.

Maliban sa kapatid ko na nakatayo lang sa baba ng kama na tila ba hindi man lang masaya sa kung anong natanggap ko.

“Basta, beshy, balatuhan mo ako kahit konti, ah?” pagnguso ni Mia matapos kaming mapatalon-talon sa tuwa.

“Oo naman, ibibigay ko na lang sa 'yo ang one million pesos!”

“Oh my gosh! Thank you so much!” Mia hugged me. Napangiti na lang ako at yumakap din pabalik. Pero agad na napataas ang kilay ko nang mapatingin sa kapatid kong si Jordan.

The Sugar Daddy Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon