PAKANTA-KANTA ako habang naghahain ng pagkain para sa almusal. Maaga akong nagising ngayon para lang maipagluto ang dalawa kong kapatid, dahil balak ko ring pumunta ng salon para magtrabaho buong maghapon.
“Goodmorning, little princess! Nagluto si ate ng favorite breakfast mo!” masigla kong sabi nang makita ang pagpasok ng bunso kong kapatid kasama ng kaibigan kong si Mia na siyang may tulak sa wheelchair nito.
“Wow beshy, may fried chicken at bacon! Paborito ko rin ang mga 'yan!” excited namang sabi ng kaibigan ko nang makita ang mga nakahain. Agad itong naupo matapos ilapit ang wheelchair ni Aya.
Napangiti ako. “Well, buti na lang sinipag ako ngayon magluto kaya pasalamat ka sa akin at naisipan kong magluto ng paborito mong fried chicken kahit umagang-umaga.”
“Okay, dear beshy, thank you so much! Muah!” Nag-flying kiss pa ang luka-luka.
Sunod naman pumasok ang kapatid kong si Jordan na nakabihis na rin ng kanyang school uniform, pero pagkaupo nito ay agad na kumunot ang noo sa akin.
“Bakit hindi ka pa nakabihis, ate? Wala ka bang pasok ngayon?”
“Wala,” simple kong sagot at naupo na rin. “Kumain na tayo at baka ma-late na kayo—”
“Pero, ate, mula kahapon ka hindi pumapasok sa school. Pumunta ako kahapon sa university niyo, nakita kong may pasok naman.”
Hays. Lintik talaga.
Bumuntong hininga ako. Pasasaan ba't itatago ko pa, eh malalaman din naman nila.
“Ang totoo niyan ay naisip kong mag-stop muna sa pag-aaral this year.”
“What?!” sabay na bulalas ni Mia at Jordan nang marinig ang sagot ko.
“Anong pinagsasabi mong titigil ka? You're just kidding, right?” si Jordan na parang hindi makapaniwala sa akin.
“Well, I'm not. Gusto ko kasing mag-focus muna sa business natin. Puwede naman ako mag-aral next year kapag malago na ang ating negosyo at marami na tayong branch and employees.”
Ang totoo kaya naisipan kong tumigil muna ay dahil sa sindikatong 'yun. Balak ko sanang mag-transfer na lang, pero kung kukunin ko ang mga papers ko sa school ay siguradong matutunton niya pa rin ako. Pero kung patatagalin ko ng isang taon, siguro naman safe na ako nu'n dahil nanawa na siya sa kakahanap sa akin. Well, safe first pa rin naman ako. Kaysa naman magpalaspag ako sa kanya at hayaan manganib ang buhay ko, mas mabuting huminto muna ako sa pag-aaral ng isang taon para lang masiguro ang kaligtasan ko.
“Di kaya napatalsik ka sa school, ate?”
“Oo nga, beshy. Na-kick-out ka ba?”
Tangina naman dalawang 'to, ang sarap lang pag-untugin.
“The heck. Ako mapatalsik? Baka nakakalimutan niyo na kung gaano ako katalinong tao? Ni minsan hindi pa ako nalaglag sa top, ah. Kaya nga ako nakapasok sa mamahaling university nang hindi gumagastos ng malaki kasi matalino ako. Mas matalino ako kaysa sa inyong dalawa.”
Napaismid naman si Mia sa sinabi ko. “Tsk. Yabang nito,” pagsimangot nito bago kumagat ng fried chicken. Pero ang kapatid kong si Jordan ay nanatili pa ring nakatayo at seryoso ang tingin sa akin na tila hindi pa rin kumbinsido sa desisyon ko.
“That's also my point, ate. Matalino ka, pero bakit mo sasayangin ang talino mo ng isang taon? Puwede naman every weekend natin buksan 'yung salon, kaysa naman huminto ka sa pag-aaral. Sayang din kasi ang isang taon. Baka mas mauna pa akong makapagtapos sa 'yo, eh.”
Itong kapatid ko talagang si Jordan parang tatay lang kung umasta. Masasabi kong medyo matured 'to mag-isip kumpara sa akin, kaya lang minsan may pagka-bossy rin na akala mo'y mas matanda siya sa akin kung maka-disagree sa mga desisyon ko.
BINABASA MO ANG
The Sugar Daddy Mafia Boss
Ficción GeneralAyshelle Santillan is a 20-year-old college student. Trabaho niya ang mang-akit ng mga mayayamang negosyante tuwing weeknights. Wala siyang pakialam kung matanda man o pangit, basta mayaman ay agad niyang pinapatulan para lang perahan at nang sa gan...