TAHIMIK lang ako habang nagdi-dinner kasama ng dalawa kong kapatid, Nanny ni Aya at kaibigan kong si Mia. Wala akong kibo at gano'n din sila, tila nakikiramdam lang sa akin. Napalalim ang tulog ko kanina kaya nang magising ako ay gabi na, nakauwi na silang lahat sa school at nakaluto na rin ng dinner namin. Mia asked me if I'm okay, and I said yes. Pero habang kumakain kami ngayon ay pansin kong kanina pa sila patingin-tingin sa akin, at kapag tumitingin naman ako sa kanila ay umiiwas naman sila ng tingin sa akin at kunwari ay kumakain lang talaga. I know, iniisip nila siguro na malungkot ako at nahihiya sa kanila dahil hindi ako sinipot ng groom ko sa mismong araw ng kasal namin.
Kaya naman tunog lang talaga ng kubyertos na tumatama sa plato ang tanging maririnig habang kumakain kami rito sa loob ng dining room. Hanggang sa 'di nagtagal ay hindi na nakatiis pa si Mia.
“Nga pala, beshy . . . pumunta si Cole dito kagabi at bumalik ulit kaninang umaga, hinahanap ka niya kaso wala ka. Sinabi ko na lang na hindi ko alam kung saan ka pumunta, kasi hindi ko naman talaga alam.”
Bahagyang tumaas ang kilay ko. “At bakit naman daw niya ako hinahanap?” walang gana kong tanong habang patuloy lang ang kain.
“I guess, nagso-sorry sa 'yo dahil sa hindi niya pagsipot sa kasal niyo.”
Hindi ko naman mapigilan ang mapaismid. “Magso-sorry? Para saan pa? Pinahiya niya na ako sa mga kaibigan natin dahil sa hindi niya pagsipot. Dapat sana kung hindi naman pala siya makakarating, sinabi niya sana ng mas maaga, eh di sana hindi tayo naghintay na parang tanga sa kanya.”
Napatikhim na lang si Mia sa sagot ko at hindi na ito nagsalita pa.
Matapos kumain ay kanya-kanya na kaming pasok sa kuwarto; Si Aya kasama ng kanyang Nanny, at si Jordan na solo lang, habang kami naman ni Mia na share sa iisang room. Nag-tootbrush lang ako sa loob ng bathroom at naghilamos, pagkatapos ay nahiga na ako sa kama. Si Mia ay nasa study table, may ginagawang homework.
“Papasok ka ba bukas, beshy?” tanong nito habang nakatutok ang tingin sa libro.
“Of course, yes. Ano naman ang akala mo, na magmumukmok na lang ako rito sa bahay dahil lang sa hindi natuloy ang kasal ko?”
‘Hindi mo ba alam na nagkapera pa ako ng malaki dahil lang doon?’ Gusto ko pa sanang idagdag 'yun pero ayokong paulanan na naman ng tanong ni Mia.
“Okay, mabuti naman. Akala ko kasi magpapakamatay ka na dahil lang sa hindi ka sinipot ni Cole.”
Hindi ko mapigilan ang mapaikot ng mata. Magpapakamatay agad? No way! Mahal ko pa ang buhay ko, 'no!
“So, saan ka naman natulog kagabi? Sa hotel ba?” Mia asked again.
“Malamang. Saan pa ba?” mapakla kong sagot.
“Malay ko ba na baka nakakilala ka pala ng hot papa habang bigo ka dahil sa hindi natuloy ang kasal mo, then inuwi ka niya sa bahay niya or sa condo, puwede rin nag-hotel kayong dalawa tapos nakipag-one-nightstand ka sa kanya.”
My lips parted. What?
Hindi ko mapigilan ang mapatikhim. Muntik na siyang tumama, daplis nga lang.
“Pinagsasabi mo. Huwag mo na nga lang akong kausapin, matutulog na ako, may pasok pa bukas,” I said and closed my eyes. But Mia asked me again.
“Nga pala anong laman ng suitcase na 'yan diyan sa ilalim ng kama? Parang ngayon ko lang nakita.”
Nanlaki ang mga mata ko at napabangon bigla. “Binuksan mo?!”
“Tsk. Itatanong ko ba sa 'yo kung anong laman niyan kung nabuksan ko na?” inis na sagot ni Mia na umirap pa sa akin bago binalik ang tingin sa kanyang libro.
BINABASA MO ANG
The Sugar Daddy Mafia Boss
General FictionAyshelle Santillan is a 20-year-old college student. Trabaho niya ang mang-akit ng mga mayayamang negosyante tuwing weeknights. Wala siyang pakialam kung matanda man o pangit, basta mayaman ay agad niyang pinapatulan para lang perahan at nang sa gan...