CHAPTER 21

129 4 2
                                    


Para akong nanigas sa aking kinatatayuan, bigla rin akong dinambol ng matinding kaba. He's here! Dapat pala nag-isip ako ng dahilan kanina habang nasa biyahe ako. Shit. Paano na ako magpapalusot nito ngayon? Ano na ang sasabihin kong paliwanag? Lagot na!

“C-Cole…” I uttered, even though I was nervous, I still forced myself to give him a nice smile. “H-Hindi ko alam na narito ka pala, babe.”

But he didn't even smile and just kept looking at me without showing any emotion. Until he stood up and slowly stepped closer to me. Hindi ko naman mapigilan ang mapalunok.

“You left me last night, saan ka naman pumunta?” seryoso niyang tanong pagkahinto sa harap ko.

“Ah k-kasi, babe, tinawagan ako ng kaklase ko na may gagawin pala kaming homework sa bahay nila. Nakalimutan ko kasing pumunta sa kanila kaya ayon, nagpasundo na lang ako roon sa restaurant. Hindi nga lang ako nakapagpaalam sa 'yo. Sorry talaga. Sa backdoor din pala ako lumabas.”

Shit. Buti na lang mabilis ako mag-isip. Sana lang maniwala siya.

“N-Naghintay ka ba, babe? Galit ka ba sa akin?” tanong ko nang hindi siya sumagot sa paliwanag ko. Malambing ko pang hinawakan ang kanyang isang braso. “Sorry talaga, babe. Sorry kung naghintay ka, sana huwag kang magalit sa akin.”

Pero hindi niya pa rin ako sinagot at nakatitig lang siya sa akin ng seryoso. Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ba ako pero parang sandaling umigting ang kanyang panga nang marinig ang paliwanag ko.

“Nga pala, sina Mia at Aya? Nakaalis na ba, babe? Si Jordan nasaan na? Mag-isa ka lang ba rito sa bahay?” pag-iiba ko sa usapan at kunwari ay napatingin-tingin pa sa paligid ng bahay para maghanap ng mga tao sa loob, pero mukhang wala ngang katao-tao.

“I don't like your scent.”

“H-huh?” Napabalik ang tingin ko sa kanya. “My scent?” Mabilis ko namang inamoy ang sarili ko nang may pagtataka.

And damn, amoy ni Oliver! Nahawaan pala ako ng pabango ng lalaking 'yun! Shit.

“Oo, babe, nagpalit ako ng pabango— Ah mali pala, bale dalawa 'yung pabango na ginagamit ko. Pantulog at papuntang school.” I lied again.

And his jaw clenched, tila mas lalong nagkaroon ng inis ang kanyang expression sa paliwanag ko.

“Tatanungin ulit kita sa huling pagkakataon, pero sana sagutin mo na ako ng totoo,” he said calmly, pero naroon pa rin ang pagkaseryoso sa kanyang boses. “Where have you been? At bakit mo hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa 'yo?”

Napalunok ako. Shit. Hindi siya naniniwala.

But no, kailangan kong umisip ng ibang palusot, 'yung kapani-paniwala.

“Okay, I'm sorry. Nawala ko kasi ang phone ko sa taxi na sinakyan ko.” Kahit na kinakabahan ay tinapangan ko pa rin ang sarili ko at sinalubong pa rin ang kanyang nakakapanglambot ng mga tuhod na tingin. “Hindi talaga ako sa bahay ng kaklase ko natulog kundi naki-check-in lang ako sa hotel. Ang totoo kasi niyan, kaya iniwan kita kagabi ng walang paalam ay para makaganti ako sa 'yo dahil sa hindi mo pagsipot sa kasal natin.” Napapisil na lang ako sa sarili kong kamay dahil sa mga kasinungalingan na lumalabas sa bibig ko.

He stared at me, binasa na naman niya ang mga mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo. Pero syempre hindi ko iniwas ang tingin ko, kasi ganito raw para magmukhang totoo, kailangan hindi ka umiwas ng tingin.

Halos pinipigilan ko na ang aking paghinga habang nakikipaglaban ng seryosong tingin sa kanya. Pakiramdam ko ay binabasa niya pati kaluluwa ko dahil sa klase ng kanyang tingin.

The Sugar Daddy Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon