CHAPTER 20

65 2 2
                                    



I was horrified by what he said. Hindi na ako sumagot pa sa kanya pero ramdam kong nate-tense na ako. Hindi ko alam kung saang impyerno naman niya ako dadalhin at anong klase ng parusa ang ibibigay niya sa akin, wala naman kasi akong naalala na may nagawa akong kasalanan sa kanya para parusahan na naman niya.

Wala pang limang minuto ang tinakbo ng sasakyan nang bigla na niya itong hininto sa isang madilim na lugar. Agad naman akong napatingin sa labas para makita kung saan na kami, pero mabilis niyang pinatay ang ilaw ng sasakyan, kaya wala na akong maaninag sa labas dahil napakadilim, ni wala man lang streetlights.

“Nasaan ba tayo?” tanong ko at humarap na sa kanya, pero kasabay ng pagharap ko ay siyang malakas niyang paghaklit sa baywang ko na kinasinghap ko na lang sa gulat.

Napasubsob ako sa kanyang matigas na dibdib, nanuot pa sa ilong ko ang pabango ng kanyang tuxedo. Napakabango niya.

“Aray naman, nakakagulat ka,” nakasimangot kong reklamo at napahawak na lang sa kanyang dibdib sabay angat ng tingin sa kanya. Pero hindi ko inaasahan na nakayuko pala siya sa akin, kung kaya agad na nagtama ang aming mga mata.

Napakatapang ng kanyang tingin sa akin na tila ba gusto na akong lamunin, at halos maduling din ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

“Don't let him fuck you. Itong katawan mo, 'wag na 'wag mong ipapagamit sa kanya. Mas gusto kong mahulog siya sa 'yo nang hindi mo ginagamit ang katawan mo. Dahil oras na malaman kong nagpapagalaw ka, papatayin kita. Do you understand?” he warned me in a husky, dangerous voice.

Namalayan ko na lang ang aking pagtango sa kanya. “H-Hindi naman ako nagpapagalaw, eh,” mahina kong sagot.

Sa sinabi ko ay parang nabawasan naman ang bangis sa kanyang expression, pero hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatitig sa akin. Sa sobrang lapit ng aming mukha ay langhap na langhap na namin ang hininga ng isa't-isa. Hanggang sa napaiktad na lang ako nang haplosin niya ang pisngi ko gamit ang likod ng kanyang kamay.

“You look so beautiful tonight,” he said softly and caressing my cheek.

Napalunok naman ako. Idon't know what to say, pero ramdam ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko habang nakatingala sa kanya at nakatitig din sa kanyang guwapong mukha. I feel like I have an earthquake inside of me.

Hanggang sa bumaba ang kanyang tingin sa labi ko, saglit na huminto roon bago napadpad naman sa bandang dibdib ko, at doon na tuluyang huminto. Pansin ko ang kanyang paglunok nang mapatitig sa cleavage ko.

“Binihisan ka na naman ni Morozov. But you look stunning in that dress,” he murmured and looked up into my eyes again. “Siya ang tagabihis sa 'yo, at ako naman ang tagahubad mo.” And he grinned.

Nagulat na lang ako nang bigla niyang pinasok ang kanyang isang kamay sa loob ng dress ko at mabilis na dinukot ang isa kong dibdib palabas. And I gasped in shock when he suddenly sucked my breast into his wet mouth.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla. He sucked my breast hard and deep. Ang kanyang isang braso ay mas lalong humigpit sa baywang ko at mas idiniin pa ako papunta sa kanyang katawan. Para akong nanigas na hindi na makagalaw at parang biglang kinapos ng hininga.

Ramdam ko ang biglang pag-react ng katawan ko sa uhaw niyang paghalik sa dibdib ko na akala mo'y isang gutom na sanggol. Pero hindi rin nagtagal at pinakawalan na ito ng bibig niya. Parang habol pa niya ang kanyang hininga nang ayusin niya ang suot kong dress at ibalik na sa loob ang dibdib ko.

Para naman akong nabunutan ng tinik at natauhan bigla.

Hindi na siya tumingin pa sa mga mata ko, matapos niyang ayusin ang suot kong dress ay umayos na siya ng upo sa driver seat at pinatakbo na muli ng mabilis ang sasakyan.

The Sugar Daddy Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon