CHAPTER 13

54 3 0
                                    

KAHIT umaga na ay nanatili pa rin akong nakahiga sa kama, hinayaan ko lang na asikasuhin si Aya ng kanyang Nanny at ihatid ito sa school.

“Hoy, beshy, don't tell me hindi ka ulit papasok today?” tanong ni Mia na kakalabas lang ng bathroom habang tapis ang puting tuwalya; katatapos lang nitong naligo.

“Hindi. Medyo masama na naman kasi ang pakiramdam ko ngayon.” I lied.

“Baka 'yan na ang tinatawag na lovesick; Sumasama ang pakiramdam mo kasi magtatatlong araw nang wala si Mr. Syndicate, at miss na miss mo na siya ng sobra. O baka naman buntis ka na kaya palagi na lang masama ang pakiramdam mo?”

“Tsk. I'm still a virgin.” I rolled my eyes.

“Sus, akala ko ba naibigay mo na sa kanya ang pagkabirhin mo?”

“Akala ko lang 'yun pero hindi pala.”

“Oh? Congrats then. May paiyak-iyak ka pang nalalaman ha, pero wala naman pala. Hay naku, Hesh.” Napailing-iling na lang si Mia sa akin.

Pinikit ko na lang ang mata ko para maging makatotohanan ang pagpapanggap kong may sakit.

“Mia, tingin ko ay malapit na akong mamaalam sa mundong ito. Kapag nangyari 'yun, ikaw na lang ang bahala sa mga kapatid ko. Sana huwag mo silang pababayaan,” mahina kong sabi habang nanatiling nakapikit at nakayakap sa unan.

Rinig ko naman ang pagtawa ng kaibigan ko. “Naman, gaano ba kalala 'yang sakit mong 'yan at namamaalam ka na agad? Don't worry, ibibili kita ng gamot mamaya pag-uwi ko,” sagot nito bago lumabas ng kuwarto dahil tapos nang magbihis.

Nang mag-isa na lang ako sa loob ng bahay ay hindi ko na naman mapigilan ang maluhang mag-isa habang nanatiling nakahiga at nakatitig lang sa kisame. Dalawang araw na pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang mga banta ng lalaking 'yun na papatayin niya ako at mga kapatid ko oras na hindi ako sumunod sa mga utos niya. Paano kung hindi ko mapapa-ibig si Cole katulad ng gusto niyang mangyari? Hindi ko alam kung anong nagawa sa kanya ni Cole at gano'n na lang kalaki ang galit niya. Tapos ngayon ay ako pa talaga ang pinupuntirya niya.

Pero hindi maaari ang ganito, kailangan kong mag-isip ng mabuting paraan para malampasan ito o kaya matakasan na lang. Pero hindi pala ako puwedeng tumakas dahil may babala rin pala ang demonyo na 'yun na mahahanap pa rin niya ako kahit saang lupalop pa ako ng mundo magtago.

Sa kakatitig ko sa kisame ay nagulat pa ako sa biglang pagtunog ng phone ko. Nang makitang si Cole ang tumawag ay inayos ko muna ang boses ko bago ito sinagot.

“Hi babe!” Pilit kong pinasigla ang boses ko.

“Hey, where are you? Nasa school ka ba ngayon?” he asked, malambing ang kanyang boses.

“No babe, hindi ako pumasok ngayon. Medyo tinatamad kasi ako, eh.” I sighed.

“Why? May nangyari ba? May umaway ulit sa 'yo sa school? Just tell me, patatalsikin ko ngayon din.”

Kahit stress ang isip ko ay hindi ko mapigilan ang mapangiti sa kanyang sinabi.

“Wala naman, tinatamad lang talaga ako. Kung dito ka lang sana, mas gusto ko na lang manood ng movie kasama ka.”

“I'm on my way, let's watch a movie then.”

Bigla akong napabalikwas ng bangon. “What do you mean? Ibig mo bang sabihin ay nakauwi ka na galing Cebu?”

“Yes.”

My eyes widened, tila bigla akong nabuhayan. “Okay, babe. Hihintayin ko ang pagdating mo ngayon!”

Kaya naman pagkababa ko ng phone ay mabilis na akong tumakbo ng bathroom at agad na naligo.

“Tama, kailangan ko nang simulan ang plano at pagbutihin para ma-inlove sa akin si Cole at nang sa gano'n ay mailigtas ko ang buhay ko at mga kapatid ko mula sa kamay ng Oliver na 'yun,” kausap ko sa sarili ko habang sinasabon ang hubad kong katawan sa ilalim ng shower. Pero agad akong natigilan nang biglang pumasok sa isip ko ang kahihitnan sa dulo. Shit. Oo nga pala, ipagpalagay nang magawa ko ngang pa-ibigin si Cole at iwan pagkatapos. Pero siguradong siya naman ang magbibigay sa akin ng kapahamakan.

The Sugar Daddy Mafia Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon