Chapter Eleven

1.1K 11 2
                                    

NATHANIEL'S POV

It's past 4pm at nandito pa rin ako sa opisina. Mamaya na pala ang pa-birthday party sakin ni mama at kailangan ko na rin umuwi para magshower sandali at magbihis. Good thing i already have something to wear pinadala ni mama dito sa office ko kaninang tanghali.

Hayyy.. Nakaupo ako ngayon sa swivel chair ko. Medyo napagod ako ngayong araw dahil nag site visit kami ulit ni Francis kanina at limpak-limpak ang mga papeles na inaral ko at inasikaso kaya medyo sumakit ang ulo ko. I decided to take a nap total maaga pa naman. Pinatong ko dalawang braso ko sa mesa saka dinuko ko ang aking ulo at nagrelax.

*****************

"Nate gising!!!" Nagmulat ako ng mata at bumungad sakin si Francis bihis na ito. Napabalikwas ako.

"Anong oras na?" Tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba Nate bakit ka natulog? It's almost 5:30! Late ka na sa sarili mong party. Tinatawagan ka ni Tita Bettina kaso di ka sumasagot kaya sakin siya tumawag just to check up on you at tama hinala ko nandito ka pa sa opisina. Akala ko naman nauna ka na kaya i didn't bother coming here in your office." He said.

"Ganon ba. Napagod lang kasi ako kanina kaya naisip ko umidlip sandali yun pala napahaba." Sagot ko at tumayo na at kinuha ang paperbag na naglalaman ng isusuot ko sa party.

"Tsk Tsk Tsk. Hay pare talaga alam mo pareho na tayo niyan ma-late kaya dito ka nalang sa opisina magbihis." Suggest niya.

"O sige mauna ka na at may kasama kang date diba? Ikaw talaga anong nangyari sa inyo nung girlfriend mo?" Curious kong tanong.

"Alam mo na yan pare." Sagot niya.

"Oo nga naman bakit natanong ko pa."

"Naku Pare iba itong si Kristel. Damn!!!" Hiyaw niya.

"Francis ganyan naman halos lahat ng statement mo sa bawat babae mo." I said.

"Hahaha!!!" He just laughed.

"Magbibihis na ako cge mauna ka na baka naiinip na ka-date mo. Kasama mo ba?"

"Oo nasa loob ng kotse iniwan ko sandali don para tingnan ka." Sagot niya. "Cge mauna na ako ahh see you later sa party." As he said that tinungo na niya pinto palabas at ako wala nang inaksayang oras at nagbihis na. Simpleng polo long sleeves na dark blue ang suot ko. Lumabas na ako ng opisina at nagpunta ako sandali ng comfort room just to check on myself. Medyo may muta ako sa mata kaya naisip ko maghilamos muna. I rolled up my two sleeves at saka naghilamos. Gamit ang tissue pinunasan ko mukha ko at pati kamay ko then rolled down my two sleeves back to it's place. Satisfied with how i look ay lumabas na ako at tinungo ang kotse ko and drove all the to my parent's house. Don kasi gagawin birthday party ko.

*********************

Medyo late ako na ako nakarating sa bahay nina mama at papa. 7:20pm na nang tingnan ko orasan. Habang nag-drive ako ay tinawagan ko na si mama para sabihin na mahuhuli ako ng konti dahil rin sa traffic. Medyo marami nang bisita nang mapansin ko dahil na rin sa mga nakaparadang sasakyan sa labas ng mansion. Pinarada ko na kotse ko sa may gilid ng mansion at lumabas na. Napansin ko kotse ni Francis, malamang nag eenjoy na yan kasama yung date niya. Pumasok na ko sa loob at kaagad kong nakita si mama at abala ito sa pakikipagusap sa mga bisita. Medyo pamilyar sakin yung ibang mga dumalo, halos mga business associates yong iba at board members ng kumpanya, mga amiga niya at ilang mga kaibigan ni papa.

"Mama." Tawag ko ng makalapit sa kanya na agad kong sinalubong ng yakap.

"Oh Son finally you're here, kanina pa naghihintay dito mga bisita mo at gusto ka nila batiin. I miss you iho."

To Love Again ( On Hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon