NATHANIEL'S POV
Tanghali na rin nang makarating kami dito sa Enchanted Kingdom. Nilingon ko ang mag-ina na nakatulog na sa tabi ko. Isang oras mahigit ba naman akong nagdrive. They look so cute sleeping together.
At si Angel, kahit tulog ang ganda niya tingnan.
Hinding hindi ko pagsasawaan tingnan lagi ang mukha niya. Gustong gusto kong makita ito lagi tuwing gigising ako sa umaga at bago matulog sa gabi.
I smiled just thinking about it.
Dahan-dahan hinawi ko ang ilang hibla ng buhok niya na tumatakip sa mukha niya at dahil don bahagya siyang gumalaw. Agad kong inalis ang kamay ko at tuluyan siyang nagising.
"Nandito na tayo." Mahinang sabi ko. Si Gary kasi tulog pa.
"Sorry ha, nakatulog kami." Sabi niya. "Ok ka lang ba? Napagod ka ba sa pagdrive?"
Sarap naman sa pandinig ang concern niya.
"Ayos lang ako." Nakangiting sabi ko. "Hinding-hindi ako mapapagod kapag kayo ang kasama ko."
"Bola." Kinurot niya ang tagiliran ng tiyan ko.
"Aray naman." Daing ko na pakunwaring nasaktan kahit hindi naman iyon masakit. Nagising si Gary dahil don.
"Mommy are we here?" Inaantok pang tanong nito.
"Oo baby." Halos sabay naming sambit at nagkatinginan kaming dalawa at bahagyang natawa.
Bigla nagka energy si Gary kasi gusto nang bumaba. "Mommy! Tito! Let's go!"
"Yes sir." Sabi ko at bumaba na ako ng sasakyan at pinagbuksan sila ng pinto. Patakbo pang tinungo ang statue na nakatayo don sa malapit sa entrance. Agad din naman sumunod si Angelica.
"Anak dahan dahan madadapa ka!" Agad niyang hinawakan ito sa kamay. Nilapitan ko sila saglit.
"Angel i-park ko muna ang sasakyan ah hintayin niyo muna ako dito." Sabi ko at tumango lang siya.
Sumakay ulit ako ng kotse at naghanap ng parking. Nang mai-park ko na ang sasakyan ay agad kong kinuha yong digital camera sa may compartment sa passenger side at ang mga tickets namin at bumaba na ng sasakyat na ni-lock na ito.
Nasa may front gate na sila at hinihintay ako. Agad kong inabot ang tickets sa kanila.
"Let's go." I said at kinarga ko si Gary.
"Are you excited baby?" Ngiti at tango lng sagot niya.
Naglakad na kami papasok at pagkabigay sa tickets namin ay nilagyan pa kami ng stamp at binigyan din ng guide maps. Nang makapasok na kami ay di ko maiwasan mamangha sa dami ng tao na namamasyal ngayon. Ganon din si Angel, kahit 1pm palang ang oras. Kung sa bagay weekends eh.
Agad namin nakita yong carousel at dami nang nakasakay dito.
"Tito i wanna go down."
"Okay baby." Saka ko siya binaba at hinawakan namin ni Angel sa magkabilang kamay.
"Ang laki pala nito noh." Manghang sabi ni Angel at palinga-linga siya sa paligid.
"Saan niyo gusto mauna sumakay?" Tanong ko sa kanila habang tumitingin ako sa mga rides.
"I wanna ride the ferris wheel!" At tinuro ni Gary yong ferris wheel.
Ang taas naman non. Napatingin ako kay Angel at nakita kong namutla siya. Takot yata ito sa heights.
"Baby are you sure you wanna ride there?" Tanong pa niya nang hindi inaalis ang tingin sa ferris wheel. Tumawa ako ng mahina.
"Yes mommy let's go!!" Saka kami hinila patakbo sa papunta don.
BINABASA MO ANG
To Love Again ( On Hold )
RomanceTEASER: Dalawa silang babae magkasabay nabuntis ng iisang lalaki pero hindi si Angelica ang pinakasalan ng kanyang boyfriend. Kundi don sa isang babae na nabuntis niya rin na isang american citizen at sumama siya don. Sa sobrang sakit ng ginawang...