Chapter Eighteen

965 14 2
                                    

ANGELICA'S POV

Nandito kami ngayon sa harapan ng gate ng mansion ng parents ni Nathan.

Pormal na niya akong ipapakilala sa mga ito na Girlfriend niya.

That's right!

Simula daw nung magsabi ako sa kanya ng katagang 'I love you' ay sinabi niya na boyfriend ko na daw siya at girlfriend naman niya ako.

Parang mga teenagers lang noh? Pero kinilig ako.

Ganito pala ang feeling na maging girlfriend ni Nathan.

He's very sweet hindi lang sakin pati sa anak ko.

Lalo akong naiinlove sa kanya sa bawat araw na dumadaan.

Haayyyy!!!! Ang saya ko lang talaga!!!

At si Gary mukhang pasado naman sa kanya si Nathan.

Hahaha!!!

Nandito nga pala kami sa loob ng kotse ni Nathan at kasama ko si mommy at anak ko. Hinihintay lang niya magbukas ang gate para maipasok na ang sasakyan.

kinakabahan pa rin ako, though nakilala ko na ang mommy niya eh yong dad niya hindi masyado. Di na nagkaroon ng chance na mapakilala sakin ni tita kasi agad din naman akong umalis non nung party.

Nang bumukas na ang gate saka nagdrive papasok sa mansion nila si Nathan at pinaradal sa may main entrance ng bahay.

Pagkalabas namin ay agad na sumalubong samin ang parents ni Nathan.

"Ma! Pa! Kumusta?" Sabay akap niya sa parents niya.

"We're doing good son." Sabi ng papa ni Nathan.

"Balae! Sa wakas nagkakilala na din tayo!" Tuwang sabi ni tita at agad nakipag beso kay mommy. Ganon din ang ginawa ni mommy.

Balae? Agad agad?

Nalingon ko si Nathan at nakangisi ito.

Namula ako dahil don.

"Oo nga, finally!" Sabi naman ni mama

"Its nice to meet you too future balae." Daddy naman ni Nathan ang nakipagkamay sa mommy ko.

"Angelica iha it's nice to see you again." Bati sakin ni tita at niyakap ako.

"Ako din po tita." Tugon ko.

"Gary it's nice to see you too." Saka niya binalingan ng yakap ang anak ko at hinalikan sa pisngi.

He just giggled. Nahihiya nanaman.

"So siya si Angelica." May pagkapilyo pa na sabi ng papa nito at sinulyapan si Nathan. "You're right, she's beautiful son."

"Of course pa." Napalingon ako sa kanya at ganon din siya. Nginitian niya ako ng matamis.

"Nice to meet you finally." Saka nakipagkamay sakin at malugod ko naman tinanggap iyon.

"Eto ba si Gary?" Masayang binalingan nito ang anak ko.

"Come to lolo." Inilahad pa nito ang dalawang braso nito. Medyo nahihiya pa anak ko nung una pero lumapit din siya at kinarga pa siya ah.

"Are you hungry baby?" Paglalambing pa nito at tango lng sagot ng anak ko.

"Oh tama na muna iyan at naghihintay na ang pagkain sa dining area." Sabi ni tita at giniya kami lahat papunta sa dining area at halos hindi sila mapaghiwalay ni mommy.

Naaliw akong tingnan sila.

Sabi ko na nga ba at magkakasundo din sila.

Mabait din naman pala itong papa ni Nathan.

To Love Again ( On Hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon