Chapter Twenty Nine

897 18 3
                                    

ANGELICA'S POV

"Anak, are you okay?" Untag sakin ni mama na kinagulat ko. Nandito kami ngayon nirekomenda samin na wedding planner ni mama Bettina.

Tumango ako. "Yeah I'm fine." Sa totoo lang lutang talaga ang isip ko. Palagi akong nag-aalala kung ano ba ang binabalak ni Luis.

"May napili ka na bang design para sa wedding cake niyo?" Tanong ni Mama Bettina. Hawak niya ang album na naglalaman ng mga pictures na iba-ibang mga cake design.

"Etong red and white na design." Kinuha ko yung album and flip through the previous pages ng album. "Etong triple layered."

"Maganda itong napili mong design ma'am." Sabi sakin nung wedding planner. Her name is Jasmine Dela Cerna at kasing edad ko lang siguro siya. Ang kanyang ina pala ay dati ring wedding organizer at siya rin pala ang wedding planner ni Mama Bettina nung kinasal siya.

Napatingin si Mama Bettina sa wrist watch niya. "Nasaan na kaya si Nathan? Dapat nandito na yon. Pag-uusapan pa natin ang pagpili ng reception para sa kasal niyo at sa simbahan."

"Dadating din yon." Sabi naman ni Mama. "Yong isa dyan kasi hindi mapakali." Parinig niya sakin.

"Na-mimiss niya kasi agad agad eh." Parinig naman ni Mama Bettina. Salamat talaga sa kanilang dalawa at kasama ko sila ngayon. Kahit papano ay gumagaan ang loob ko.

Narinig ko na lang na tumunog ang door chime at nalingon ko yon.

"Nathan." Sambit ko sa pangalan niya nang makita ko siya. Seeing him today, I can't help but smile.

"Love." Aniya sabay na kinitilan ako ng halik sa labi. I can see na kinikilig ang dalawang kasama ko.

"Nandito na si future husband." Ani ni mama na ikinangiti naman nung wedding planner.

"Wow! Ang future Mr. and Mrs. Suarez." Kinikilig na sambit pa nito. "Bagay na bagay talaga kayo."

"Siyempre naman." Buong pagmamalaking sambit ni Nathan at naupo na sa tabi ko. He held my hand.

"Nakapili na pala ako ng design para sa wedding cake natin." I said at excited na pinakita sa kanya ang design nung cake. "Eto oh."

In-examine niya ito. "Maganda. I like this one too."

"Talaga?" Di lang maalis ang ngiti ko.

"Yeah." Tumango siya.

"So eto na ung design na kukunin natin?"

"Opo." He slightly pinch my nose.

"So the wedding cake is settled." Ani ng Wedding planner. "All we need now is to find a caterer, reception at simbahan. Do you have a theme in mind?"

"Gusto ko ng white and red na theme sa reception." Agad kong sabi. Paborito ko kasing kulay ang red at ito ang gusto ko talagang kulay pag kinasal ako.

"Red and white it is." Pag-sangayon ni Nathan.

"Ikaw ba Nathan, anung gusto mo bang theme color?" Baling ko sa kanya. Para kasing puro ako na lang ang may say, dapat siya din.

"Anything you want." He answered me and tucked a few strands of my hair behind. "Dream wedding mo ang pina-plano natin, siyempre, ikaw ang masusunod."

"Really?" Di ko napigilan ang naramdaman kong excitement.

Tumango siya bilang sagot.

"That's so sweet of you son." SAbi ni Mama Bettina sa kanya.

"Anything for my love and future wife." Baling naman sakin ni Nathan.

To Love Again ( On Hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon