Chapter Twenty Two

964 15 12
                                    

LUIS POV

"Saan ka galing?" Galit na tanong ni Nicole sakin pagpasok na pagpasok ko pa lang ng bahay. Nakaupo siya sa sofa.

Shit naman!

Kagagaling ko lang ng trabaho tapos eto pa ang isasalubong sakin ng babaeng 'to?

For five years that we've been married, palagi kaming ganito.

Walang ginawa kundi mag bangayan.

"Saan pa ba? Edi sa trabaho." Naiinis kong sabi sa kanya.

"Do have any idea what time is it now?!" Mariin niyang tanong sakin saka ko tumingin sa wall clock sa sala.

"It's only 8:00 in the evening Nicole." Sabi ko at napapailing nalang ako.

"Yun na nga eh! Palagi ka nalang gabi umuuwi at ang aga kung umaalis!" Halos sumisigaw na siya.

"Alam mo na dahil sa trabaho kaya ako nag-overtime!" Napataas na rin ang boses ko sa inis. Sino bang lalaki ang gusto na sinisigawan ka ng asawa kahit alam na pagod ka galing trabaho. Palagi na lang siyang ganito.

Tumayo siya to face me. "Trabaho ba ang dahilan lagi ng overtime mo o iniiwasan mo lang ako?!"

"Ano bang sinasabi mo?!" Now i'm really pissed. "Pwede ba kung wala ka lang din magandang sasabihin pa will you please shut up and let me rest! I am so damn tired of that nagging ass of yours!"

Dere-deretso na akong umakyat sa kwarto namin. Hindi ko na pinansin mga sinasabi niya. Tnakpan ko na lang dalawa kong tenga dahil nakakabingi na siya. Pagkapasok ko sa kwarto agad akong mahiga sa kama sa sobrang pagod. I am an accountant sa isang magazine company dito sa California at sa totoo lang as early as 6pm ay tapos na ang trabaho ko pero ayaw kong umuuwi agad dito sa bahay. Totoo na iniiwasan ko si Nicole.

I sighed.

Bakit nagka-ganito ang buhay ko?

Karma ko ba ito? Dahil sa isang babaeng sinaktan ko noon ng labis?

At ngayon bumabalik lahat sa akin ang ginawa kong pananakit sa kanya?

Karma ko ba na namatay ang anak namin at si Nicole ay hindi na pwede pang muling magbuntis?

When I learned that Nicole is pregnant, kinailangan kong iwan ang babaeng pinakamamahal ko para lang akuin ang responsibilidad na maging ama sa batang dinadala ni Nicole.

Kung bakit kasi nagpakalasing ako at hinayaan ko pa na may mangyari samin noon.

Pero hindi ko na mababago pa mga iyon. Ayaw ko naman lumaki ang bata na walang ama that's why i left the woman that i love so much para panagutan si Nicole.

Matapos kong talikuran si Angelica ay pinakasalan ko siya. Agad kaming nag settle dito sa California. Naisip ko non, matututunan ko din mahalin si Nicole gaya ng pagmamahal ko kay Angelica.

Sa kasamaang palad, ika-five months pa lang ng pregnancy ni Nicole ay naaksidente siya. Nabundol siya ng sasakyan at namatay ang anak namin sa loob pa lang ng tiyan niya. Kaya kinailangan itong operahan para lang tanggalin ang bata na wala nang buhay.

We were both devasted na nangyari, pero hindi ko agad naisip na karma ko iyon.

Nawala ang tanging dahilan kung bakit ako nagpakasal kay Nicole in the first place.

But then i thought, it was too late to go back to Angelica. I know that she hates me so much dahil nasaktan ko siya.

Kaya naisip ko na maybe me and Nicole can still work this out.

Na pwede pang magkaanak kami ulit.

Subalit hindi na nga nangyari.

Maselan ang kalagayan noon ni Nicole at oras na ma-miscarriage siya ay may posilibity na hindi na siya magbuntis ulit.

Nangyari na nga, na nawala ang baby namin at ngayon hindi na kami pwedeng magkaanak pa.

Mula non ay naging ganito na ang pagsasama namin.

Naging nagger siya, wala kaming ginawa kundi mag-away.

Partly because ramdam niya na ang pagpapakasal ko ang sa kanya in the first place ay dahil sa pagbubuntis niya.

God knows that i have tried na pag-aralan siyang mahalin.

Pero sadya talagang hindi natuturuan ang puso.

Dahil hanggang ngayon si pa rin ang mahal ko.

Si Angelica.

********************************

NOTE:

Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Been busy sa work.

Musta naman ang update ko ngayon?

Abangan niyo pa ang mga susunod pang mga kabanata.

Ano kaya ang balak ni Luis?

I smell something fishy

Vote or Comment kung ano say niyo.

Sana magustuhan niyo ang update ko for now!!

:)

xoxo

To Love Again ( On Hold )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon